CHAPTER 21: ANGELS (PART 2)

7 0 0
                                    

"ANGELS"
(PART 2)


HESTIA'S POV

Labag man sa loob ko ay pumayag akong magdamit anghel para sa kambal. Today is the day of their costume party at hanggang ngayon aligaga ako. Doon kasi kami mag-aayos sa bahay nila Zyclus e. Hindi ko alam kung bakit doon pa? Hutang inasal naman talaga.

Kakauwi ko lang galing exam. Naligo ako ulit dahil nanglalagkit na ako at syempre para doon sa party. At exactly 1:30 P.M ay sinundo ako ni Zyclus. Wala na naman si Ate sa bahay kaya tinext ko nalang siya na may lakad ako. Dinala ko ang costume na pinili ko at sumakay na sa kotse.

Pagkarating namin sa bahay nila ay nanghina ako bigla. Parang ayokong bumaba sa kaba.

Binuksan ni Zyclus ang backseat door kung saan ako nakaupo. "Welcome to the family." pang-aasar nito. Hutang inasal hindi ako makapagsalita. Dahan-dahan pa 'kong bumaba sa sasakyan.

Kasalukuyan kaming nasa tapat ng pintuan. "Ready?" Tumango lang ako bilang sagot. Takte talaga!

Bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang tatlong maid. Nagbow sila bilang pagbati. Ganito ba talaga kapag sobrang yaman ka?

Pagkapasok namin sa loob nakakamangha ang laki at linis ng bahay nila. Lahat ng gamit ay organisado. Ang kulay ng dingding nila ay pearl white na may touch ng nude brown.

Habang sinusundan ko sa paglalakad si Zyclus hindi ko maiwasang lumingon-lingon sa paligid. Ang simple kasi ng disenyo ng bahay nila pero ang lakas ng dating.

"Where here!" napaigtad naman ako sa gulat. Nasa isang malaking sala kami ngayon. Nakita ko ang babaing medyo nasa mid 40 na peri mukha pa rin siyang dalaga. Blonde ang buhok nito at nakaupo habang pinipisil ng pisngi ni Zakia. She's wearing a hanging red dress na below the knee and a white cardigan.

Pinagmasdan ko ang paligid. Nakalagay sa mannequin ang damit ng kambal. Inaayusan na ng isang babae si Zahara.

"Mom, this is Hestia." Nagulat naman ako. Mama niya 'yon? Akala ko kapatid niya!

Napatingin naman sa direksiyon namin ang mom niya. Ngumiti ito atsaka tumayo. "Hi hija. How are you?" malambing na bati nito.

"Im fine ma'am." nahihiya kong sagot. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko e. Gusto ko nalang maging patatas at ilubog sa lupa sa kahihiyan.

"You're so cute, hija. Don't be shy. Feel at home. By the way, don't call me ma'am. Just call me mom." nagulat naman ako ng kindatan nito si Zyclus. Bakit? Ano meron?

"Okay po, ma'a---mom." nakakahiya talaga ako hutang inasal!

"Have a seat. Kukuha lang ako ng pagkain para sa inyo."

Nginitian niya ako bagi umalis. Umupo ako ng dahan-dahan. Pakiramdam ko ay naistock ako at nagfreeze s kaba at hindi ako makagalaw.

"Ang cute mo!" pang aasar ni Zyclus habang malakas na tumatawa.

"Pasalamat ka nandito tayo sa bahay niyo kung hindi babatukan kita!" bulong ko.

"Love youu!"

"Me quedaré a tu lado."

"Iyan ka na naman ih!"

"What?"

"I'm expecting you to respond 'I love you too'. Hindi ko naman maintindihan mga sinasabi mo ih!" pagmamaktol nito. Tinawanan ko lang siya.

"I love you!" pag uulit niya.

"Me quedaré a tu lado."

"Arghh! I love youuu!"

Bouquet of Secrets and Lies (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon