CHAPTER 22: RELUCTANCE

7 0 0
                                    

"RELUCTANCE"


HESTIA'S POV

Namumula ang bandang pulso ng kamay ko dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Ate Celestia kanina. I almost fall noong hinihila niya ako.

Pagkapasok namin ng bahay ay malakas niyang isinara ng pinto nito at hinila niya ako ng malakas paharap sa kanya.

"Anong ginagawa mo sa labas kasama ang lalaking 'yon?! Nahihibang ka na ba!?" hindi ako makapagsalita sa gulat. Ngayon niya lang ako nasigawan ng ganito kalala. Over protective sa akin si ate pero kapag pinapagalitan niya ako dati hindi ganito kalakas ang boses niya. Malumanay pa nga.

"Bakit kasama mo ang lalaking iyon!? Sumagot ka!?" dinuro niya ako sa sintido. Sa tanong niya bakit parang kilalang-kilala niya si Zyclus?

"May relasyon ba kayo!? Ha!? Kung meron man putulin mo na agad! Diyos ko naman Hestia! Hindi mo alam ang pinasok mo!"

Tama ba ang pagkakarinig ko? Ano bang kinagagalit ni Ate? Ang makita niyang muntikan ko nang halikan si Zyclus o dahil kilala ko si Zyclus?

"A-ate..." I was just so scared. Mangiyak ngiyak na ako sa harapan niya.

"Hindi kita pinalamon at binihisan para lang lumandi, Hestia!"

Ngayon lang ako ulit nakaramdam ng panghuhusga. At ang masakit galing pa kay ate. Bakit ba parang ang laking kasalanan ng nagawa ko? Sa mga sandaling iyon hindi ko na napigilan amg sarili ko.

"Ano bang problema mo Ate!?"

"My problem is you, bastard! lumayo ka sa lalaking iyon dahil masasaktan ka lang! Hindi ka pa pwedeng mamatay! Naiintindihan mo!?"

"Ano bang pinagsasabi mo?!" sa totoo lang wala na akong naiintindihan sa mga pinagsasabi ni ate dahil wala naman akong maisip na mabigat na dahilan at ano bang koneksiyon ng sinasabi niya? Ako? Mamatay? Bakit? Paano?

"Kung hindi ko lang kailangang pirma mo, hindi na sana kita kukupkupin at palalamuni---"

"Pakiulot, ata?" nagtaas ang bagang ko sa narinig ko. Pirma ko?

Biglang naaligaga si ate. "Ulitin mo ang sinabi mo ate!"

"Anong pirma? Sabihin mo! Anong pirma ang kailangan mo!" nahihirapan na akong huminga sa sobrang iyak. Pakiramdam ko na buhos ko lahat ng lakas ko.

"Hestia, makinig ka. Hindi mo naiintindihan. Pagpsensiyan mo na ang ate." mahinahon nitong sabi habang hinahaplos ang kanang pisngi ko.

Tinaboy ko ang braso ni ate at padabog akong umakyat papunta sa kwarto. Hindi ko siya maintindihan. Para bang may alam siya na hindi ko alam. Pakiramdam ko isa akong tanga.

Padabog kong isinara ang pinto. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa nangyari. Oo, kinupkop niya ako. Oo, hindi ko siya totoong ate pero kahit kailan hindi ko siya tinuring na ibang tao. Malaki ang utang na loob ko sa kanya pero dapat bang isumbat 'yon? Hindi naman ako naging pabigat sa kanya. Ginawa ko lahat para hindi ako maging sakit ng ulo niya. Ano bang problema niya.

Sa kalagitnaan ng pag-iyak ko naalala ko si daddy. Miss na miss ko na siya sobra. Gusto ko na ulit siyang mayakap.

Daddy, sana hindi ka nalang nawala. Sana nandito ka para patahanin ako. Sana nandito ka.

Umupo ako sa study table at humagulhol ng malakas. Tumungo ako sa table sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ang sakit sakit.

"Hestia..."

Narinig ko ang marahang pagbukas ng pinto pero nagpatuloy pa rin ako sa paghagulhol.

"Hestia, I'm so sorry."

Bouquet of Secrets and Lies (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon