CHAPTER 31: REVENGE

3 0 0
                                    

"THE REVENGE"

HESTIA'S POV

"Girl! Nasaan ba dito yung yogurt mo?" sigaw ni Harrison mula sa kusina. Nang makita niya na ito ay tumabi ito sa akin sa sofa.

"Nasa ibaba ng freezer. Bulag ka ba?"

Kasalukuyan kaming nasa sala ngayon kausap si Mr. Zamora dahil may panibagong impormasyon na siyang nakalap. Tanging si Harrison lang ang kasama ko at si Mr. Zamora. It's been one week nuong pinadala si Zyclus yung bulaklak at nangigigigil pa rin ako sa ginawa niya. Napakahayop talaga.

"So, what's the matter Mr. Zamora?" kinuha ko ang tubig na nasa lamesa at ininom iyon.

"Masasagot na po ang mga katanungan niyo Ms. Gomez." bigla akong nabuhayan.

"Ano nang balita?"

"Natagpuan na namin ang suspect sa pagpatay kay Mr. Francisco Llandel Gomez. Siya ay si Mr. Zachary Mc'Allister Frantzich. One of the successful man in the industry of wine bussiness. He is the owner of gun factory na illegal na ibinibenta sa Pilipinas at sa iba pang bansa."

Natigilan ako. All this time nasa harap ko lang ang pumatay sa daddy ko?

"May tattoo ba siya sa kanang pulso?"

"Yes ma'am at ito yung itsura ng tattoo." iniabot niya sa akin ang isang larawan na naglalaman ng isang buwan na pinalilibutan ng dragon.

"This is exactly the tattoo that I saw when my father died."

"Ayon pa sa imbestigasyon lahat ng yaman niya ay ipapamana niya sa panganay niyang anak na si Zyclus Gardin Frantzich."

"That bastard." I murmured.

"Noong binata pa si Zachary ay may mga kaibigan ito na nagngangalang Lorenzo Dela Cueto at ang daddy mo na si Francisco. Lorenzo has a two children named Lincoln and Zephanie."

"Ano namang kinalaman ng daddy ni Lincoln dito?"

"He knows everything kung bakit nagkalamat ang pagkakaibigan ni Zachary at Francisco. Noong mga binata pa sila madalas silang mag bar at mambabae. When they reach mid 29 they started to have their own lives until one day sa isang bar nakilala nila si Celestia Mhorfina Punzahan—isang prostitute. Nagkaroon ng relasyon si Zachary at Celestia gayong may asawa si Zachary. Tumagal ang relasyon nila kahit na may anak na ang isang 'yon. Lingid sa kaalaman ni Zachary ay siya lang ang lalaki sa buhay ni Celestia pero nagkamali siya. Patagong nagkaroon ng relasyon si Francisco at Celestia. Nahuli ni Lorenzo na magkasama ang dalawa sa isang motel kaya naman nalaman niya na pinaiikot lang ng babaeng iyon si Zchary at Francisco. Pero dahil ayaw madamay ni Lorenzo ay hindi siya nagsalita. Pinaubaya niya na iyon dalawa. Napagdesisyunan ni Lorenzo na lumipat ng America kasama ang asawa nito na si Yvette hanggang sa doon na sila bumuo ng pamilya. Wala kaalam alam si Lorenzo sa nangyari sa pagitan ng daddy mo at ni Zachary. Maraming koneksyon si Zachary. Sila ang mga kasabwat sa pagpatay sa daddy mo." paliwanag nito habang iniaabot ang mga larawan na may pangalan.

Natuliro ako sa impormasyon na iyon. Ibig sabihin matagal na palang may koneksyon si daddy sa pamilya ng mga Frantzich.

"Thank you for that impormation Mr. Zamora." iniabot ko sa kanya ang isang maliit na brown envelope na naglalaman ng pera. Nagpaalam ito at umalis na.

"Grabe naman girl! Ang lupit naman pala ng Celestia na 'yon."

"Gaganti ako, Harrison. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni daddy." kinuha ko ang picture ni Zachary at tinitigan iyon. Nangangati na ang kamay ko na patayin siya. Wala akong pakialam kung makulong man ako o ama pa siya ni Zyclus. Noong humingi ako ng tulong sa batas wala silang ginawa dahil konektado sila kay Zachary. Kaya naman ilalagay ko ang batas sa mga kamay ko. Walang mga silbi ang mga pulis.

Bouquet of Secrets and Lies (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon