TEASER

19 2 0
                                    

TEASER

"Stay here, darling. No matter what happens wag kang lalabas dito. Okay?"

"Pero daddy natatakot po ako." Hinaplos ni daddy ang pisngi ko kasabay ng pagngiti nito sa'kin.

"Stay here okay? You trust me right?" Tumango-tango ako sa kaniya pagkatapos ay sinarado na ni Daddy 'yung pintuan ng underground room ko. Salamin ang sahig nito mula sa baba kaya naman makikita ko kung ano mang mangyayari sa taas kahit sinarado pa ni Dad ang pintuan. It's a one way mirror kaya hindi nila makikita na nagtatago ako dito sa baba.

Tumingin ako kay Daddy hindi na siya mapakali. I don't know what's really happening. Bigla nalang akong hinila ni Daddy kanina papasok sa secret room namin na kahit sino ay hindi ito alam.

Nagulat ako nang may biglang pumasok na mga lalaking nakasuit at nakamask. I just keep my eyes at them. I want to know what is happening. I keep quiet the whole time while observing them from above. Nagulat ako ng maglabas ng baril ang mga kalalakihan at itinapat iyon kay daddy. Nanginig ang kamay ko at tila ba bigla akong kinabahan. Ano ba talagang nangyayari? Why they have guns? And why they are pointing it to dad?

I want to shout. Gusto ko ring lumabas pero natatakot ako. Humihikbi ako ng mahina. Nakita kong nanginginig na rin si daddy. Tumingin siya sakin at ngumiti. Mas lalo akong naiyak ng makitang sa pagngiti niya may dugong lumabas mula sa bibig niya.

Hindi pa sila nakuntento at pinagbababaril pa nila si daddy ng paulit-ulit. Pinikit ko ang mata ko at humagulgol. Tinakpan ko rin ang tenga ko dahil sa bawat pagputok ng baril para bang sinasaksak din ang puso ko ng paulit-ulit. Hindi ko alam ang gagawin ko. I need to save daddy's life! Pero hindi ako makagalaw parang dumikit na ang paa ko sa sahig.

Nang makita ng mga lalaking patay na talaga si daddy umalis na sila pero bago umalis 'yung isang lalaki nilapitan niya pa si dad at dinuraan. Inangat niya ang sleeves ng polo niya revealing his tattoo on his right wrist at sa huling pagkakataon pinaputukan niya si daddy sa ulo.

Nang maramdaman kong umalis na sila unti-unti akong lumabas at nilapitan ang katawan ni daddy na naliligo sa sarili nitong dugo.

Isa lang ang nasabi ko nang makita at mahawakan ko si daddy.

"I will make them pay, dad. I will torture them slowly na hihilingin na lang nilang patayin ko sila. I will haunt them whatever it takes. I promise you that, daddy."

Bouquet of Secrets and Lies
Written by: XHoneyJhaiz

Bouquet of Secrets and Lies (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon