CHAPTER 21: ANGELS

3 0 0
                                    

"ANGELS"


HESTIA'S POV

It was 6:00 in the morning. Kasalukuyan akong kumakain ng agahan. Hindi na sa akin sumabay si Ate Celestia dahil nga maaga ang pasok niya sa trabaho. Monday ngayon. Half day lang kami since final exam ngayon. para sa third quarter.

Gamit ko ngayon ang ibinigay na cellphone ni Ate kahapon and yes, it was my birthday today. Buti nalang talaga pinaalala sa akin ni Ate. Ang bilis! 20 na ako this day. Konti nalang at matatapos na ako ng college. 2 years nalang at matatapos ko na ang fine arts.

Ilang araw ko na rin na hindi nakakausap si Zyclus. Napasimangot ako. Hindi naman ako nagrereklamo. Nag-aalala lang ako kasi napapansin ko lagi nalang mainit ang ulo niya. Parang lagi siyang puyat at malalim ang iniisip. Wait, ano bang pakialam ko? Hindi e. Wala naman sigurong masama na maging concern sa isang kaibigan 'di ba?

Napasapo ako sa noo ko. Hutang inasal ano bang pinagsasabi ko? Ipinagpatuloy ko ang pagkain dahil mag aayos pa ako at papasok.

Matapos kong mag-ayos ay inilock ko ang bahay at nagpaalam na sa kay Manong Albert. Siya yung guard sa bahay.

Agad akong sumampa sa bike ko at pinaandar ito. Hindi na rin ako nagbabaon ng kanin dahil sabi ni Ate babaunan niya naman ako ng pera ever week. Kapag si Ate talaga ang pumilit wala akong magawa.

Pagkarating ko sa university ay agad akong nagpark ng bike at pinadlock ang kadena nito. Tumakbo ako paakyat ng room. Sakto pagdating ko ay kakapasok lang din ni Ma'am Buendia. Agad akong umupo sa tabi ni Mayumi. Nginitian niya ako. As usual ganoon pa rin siya kalapit sa akin.

Dinistribute na ang papel at agad namin itong sinagutan. Madali lang naman ang final exam. Nireview ko naman ang mga ito kagabi bago ako matulog.

Ang angas ng birthday ko. Test paper ang handa ko. Galing talaga!

1 hour has passed ay nagdismissed na. Breaktime naman namin ngayon. Kapag final exam kasi 2 subject lang ang tinitake per day.

Umupo kami ni Mayumi sa left side sa dulo ng canteen.

"Bibili lang ako sweetie ha." paalam nito.

"Sige." Hindi na ako kakain. Tsaka nalang pag-uwi.

Pagbalik ni Mayumi ay may dala itong mini cake then may candle na blue sa ibabaw.

"Akala mo nakalimutan ko 'no?" natatawang sabi nito.

"Luh?" pagmamaangmaangan ko.

"Happy birthday, sweetie ko!" excited niyang inilagay ang cake sa harap ko.

"Go make a wish! Sayang bawal kasi tayo magsindi ng apoy dito e. Baka mabuhusan tayo ng tubig sa fire alarm."

"Okay lang! Salamat ah!"

Pumikit ako nagwish. Isa lang naman lagi yung hinihiling ko kada birthday ko e. To have a genuine happiness.

Idinilat ko ang mga mata ko at hinipan ang candle kahit na hindi naman ito nakasindi. Pumalakpak si Mayumi. Para talaga siyang bata. Nginitian ko ko siya atsaka ginulo ang buhok niya.

At simula kanina hindi ko pa nakikita si Zyclus.

ZYCLUS' POV

After eating breakfast I immediately fixed myself. I am already late for my first subject this morning but I don't feel like rushing. I wore the university's uniform and I don't bother applying wax on my hair because my head is throbbing. I usually mess with my hair every time I'm having a pain on my head. I don't know but it ceased the pain.

Bouquet of Secrets and Lies (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon