CHAPTER 24: THE TRUTH

2 0 0
                                    

"THE TRUTH"


HESTIA'S POV

Sa nalaman ko mula kay Harrison hindi ko na alam kung ano pa ang mararamdaman ko o kung ano ba ang iisipin ko. Ang gulo-gulo na. Ayokong maniwala kaagad dahil malaki ang utang na loob ko kay ate Celestia.

Kakauwi ko lang ng bahay. Naabutan kong may kausap si ate sa cellphone. Nakangiti siya at tuwang-tuwa. Pumunta ako sa kusina para kumain. Nag-isip ako kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ako pwedeng manahimik lang.

Pagkatapos kong kumain ay inayos ko ang pinagkainan ko at hinugasan ito. Umakyat ako papuntang kwarto. Nilock ko ang pinto. Hinagis ko lang yung bag ko sa kama. I take a half bath. Gusto kong magbabad sa tubig. I started to take off my clothes.

Habang nakaupo ako sa bathtub hindi ko mapigilan ang mag-isip sa mga nangyayari. Pagkatapos mamatay ni daddy, pinili kong manahimik. Ang magkunwaring parang walang nangyari. All these years, kinimkim ko lahat. Naging matatag ako pero bakit gumugulo ulit lahat? Pakiramdam ko isa akong sanggol na walang alam sa mga nangyayari.

Ito na naman yung pakiramdam na para bang pinagkakaisahan ako ng mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ko mapigilang maiyak. Akala ko okay na 'ko. Akala ko maaayos ko na ang sarili ko pero hindi. Bumalik na naman yung sakit.

Pagkatapos kong maghalf bath ay nagbihis na ako. Lumabas ako ng kwarto para manuod sa sala ng T.V.

It's already 7 P.M. Ang bilis ng oras. Hindi ko man lang namamalayan na umaandar ito. Sa lahat ba naman ng nangyari ngayong araw halos nawala na rin ako sa wisyo.

Umupo ako sa sofa. Ilang beses akong nagpalipat-lipat ng channel sa T.V pero wala akong makitang magandang palabas. Nakakaburyo. Pinatay ko ito at nahanap ng pwedeng mabasang libro o magazine. Naghanap ako sa ilalim ng table ni ate. Kinuha ko ang isang magazine. Nagsimula akong buksan at tignan ito.

May nakita akong isang article at binasa ito. "The most expensive model in the fashion industry."

Hindi ko alam kung bakit may humihila sa akin na basahin ito. Ayon sa article, isa siyang law student. Siya ang kaisa-isang anak ni Dr. Phillip Cowell na isang scientist. Magkabirthday pa kami.

Tinignan ko ang mukha nito. She's so gorgeous. Ang hubog ng katawan nito ay sobrang sexy. She has a fine shape face. Natural na makapal ang kilay. Napakafierce ng mukha niya. Lalong umangat ang ganda niya sa make-up. Kung titignan ay halata mong edukado siyang tao at batikan na sa larangan ng modelling. Nakakahanga dahil student palang siya pero ang layo na ng nararating niya at panigurado akong proud sa kanya yuong Dr. Phillip.

"Lorian ---"

"Hestia." rinig kong tawag ni ate kaya naman napatigil ako sa pagbabasa.

"Yes ate?"

"May pupuntahan lang ako saglit."

"Sige. Ingat."

Lumakad ito palabas ng pinto. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Bakit kada ganitong oras lagi siyang nagpapaalam na may pupuntahan?

Ibinalik ko ang magazine at nagpuyod ako ng buhok. Paakyat na sana ako papuntang kwarto ng may mapansin ako sa ibabaw ng lamesa. Isang brown envelope.

Kinuha ko ito at binuksan. Ito yung pinapirmahan sa akin ni ate kaninang umaga. Dinala ko ito sa kwarto. Kinuha ko ang salamin ko at binasa ito.

Napangiti ako. Totoo nga ang sinabi ni ate kanina na sa akin niya ipapamana ang bahay na ito. Ibinalik ko ang papers sa loob ng envelope at sumandal sa head board ng kama. Nagcellphone ako at nakinig lang ng music.

Bouquet of Secrets and Lies (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon