"LET'S welcome and congratulate, the newly assigned engineers who'll help us to maintain the service quality of our shipping company."
Sabay-sabay na palakpakan at kamayan ang sumalubong sa pagpasok 'nyo ng barko. Nandoon ako bilang isang general surgeon at napadestino sa barko at hindi ko inaasahang makikita kita roon.
Lalo pang sumikip ang paghinga ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang ating mga mata. Nagbigay ka ng maliit ngunit matamis na ngiti na siyang lalong nagpalambot sa aking puso. Hindi ako makagalaw. Tila ba nilason mo ang pag-iisip ko.
Umalis ako sa kinatatayuan ko upang maiwasan ang pagkagulumihanan. Matagal kang nawala at matagal na rin kitang tinanggal sa puso't isipan ko.
(Alaala-----labinlimang na taon nang nakalipas)
"Nagpakita ka ng motibo kaya tinanggap ko ito pero nagkamali ako ng akala. Mahirap pala ang mag-assume nang wala namang kasiguraduhan. Siguro nga tama ka, wala namang tayo kaya wala akong karapatang umasta ng ganito. Aalis na ako sa buhay mo at sana, hangga't maaari, hindi na muli pang magtagpo ang mga landas natin." Banggit ko sa'yo noon upang mawala na ang guilt na nararamdaman mo para sa'kin.
"Patawad, Nimfa. Hindi ko sinasadyang saktan ka." Tugon mo naman.
Nagpasya na akong magparaya. Walang magandang maidudulot kung pipilitin ko ang sarili kong ipagsiksikan ang sarili ko sa lalaking hindi ako kayang mahalin. Buong akala ko ay nagkakamabutihan na tayo. Wala mang label ang isa't isa, basta alam ang nararamdaman. Nagbigay ka ng sensyales na gusto mo ako kaya't tinanggap ko ang nararamdaman mo para sa akin at kinalaunan ay 'di ko naman napigilan ang sarili kong mahulog din sa'yo ngunit sa paglipas ng mga panahon ay nanumbalik ang dating tibok ng puso mo para sa una mong minahal. Sabi nga nila, first love never dies. Masakit man para sa akin na hindi ako ang pinili mo ngunit kailangan ko itong tanggapin at itago ka na lamang sa aking mga alaala na siyang nagpapalakas sa akin ng loob upang lumaban.
At matapos ang limang taon ay nagparamdam kang muli sa akin. Naging mahirap sa akin ang tanggapin kang muli dahil ilan taon kitang pilit kinakalimutan ngunit andyan ka na naman, gumulo sa lahat ng plano ko. Eh eto naman akong si marupok, pinatawad ka't tinanggap kang muli. Masaya tayo noong mga panahong iyon at parang ayaw ko nang matapos pa. Ngunit sa isang iglap lang ay bigla kang hindi nagparamdam. Nagtatanong ako kung anong dahilan ngunit tikom ang mga bibig mo. Labis ko itong dinamdam lalo na noong umalis ka't nangibang bansa dahil sa kontrata mo.
(End of flashback)
Pumunta ako sa palikuran upang mahimasmasan. Sinalamin ko ang sarili ko at pinatatag ang kalooban ko.
'Nandito ka Nimfa upang gampanan ang tungkulin mo bilang isang duktor. Nandito ka rin upang kalimutan na ang lalaking minsan nang dumurog ng puso mo.'
Bumalik na ako sa aking kuwarto at inayos ang aking mga gamit dahil kararating-rating ko lang din nitong mga nakaraang araw.
Napatitig ako sa larawan ng aking pamilya. Namimiss ko na sila. Hindi ko maiwasang ma-home sick dahil ngayon lang ako napadestino sa barko. Kumusta na kaya sila?
Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang may kumatok sa pinto ko at pumasok ang aking kaibigan, si Maria.
"Sabi ko na nga ba't naririto ka sa kwarto mo matapos mong makita si---"
"Wag mo nang banggitin ang pangalan nya at baka tuluyan nang masira ang araw ko." Putol ko sa sinabi nya.
Nais kong itago ang nararamdaman kong sobrang nagagalak akong makita syang muli matapos ang mahigit 10 years naming hindi pagkikita. Matagal ko na syang binura sa isipan ko ngunit bakit ang sariwa pa rin ng lahat?
BINABASA MO ANG
Time Waits For No One
FantasyMeet Nimfa Fuertes. Isang dalubhasang duktor na nadestino sa isang exclusive cruise ship na siya ring magiging daan para muling magtagpo si Nimfa at ang kaniyang dating sinisinta na si Alfonso Rosales. Nais niyang makalimot sa nangyari sa kanila ni...