ANDREA'S POV
"You have a meeting with Mr. Kit at 11 a.m. today and a contract signing at 1 p.m."
"Is that all?" tanong nito habang patuloy sa pag-babasa ng mga documents"Yes sir, you have no appointments from 3 pm onwards"
Tumingin ito sa akin "Are you free tonight?"
"No sir, I am meeting someone today"
Ang totoo ay iniiwasan ko lang siya. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko kapag malapit siya sa akin
"Oh, is he your boyfriend?" halatang naiirita siya dahil sa sinabi ko
"He's just an old friend, sir"
"Really?" paninigurado pa nito "You don't have any boyfriends, don't you?"
"Wala pa po" sagot ko
Binitiwan niya ang hawak niyang papel "You're planning to have one?"
"Hindi ko pa po alam"
Bakit ba sobrang interesado niya sa buhay ko ngayon? Maybe he's just trying to get to know all of his employees.
"Is someone courting you these days?"
Umiling ako "Wala po"
He cleared his throat "That's good"
"May ibang tanong pa po kayo, sir?"
"Wala na, you can go now" sabi nito at bumalik na sa pagbabasa nito
"Okay po"
Lumabas ako sa office niya at ipinag-patauloy narin ang trabaho ko. Buti nalang at wala masyadong schedule si Mr. Martinez kaya wala ako masyadong gagawin ngayon
Malapit nang mag alas sais nang pumasok ako sa office niya. He requested for a coffee kaya agad ko itong ipinag-timpla
"Here's your coffee, sir" sabi ko at inilapag ang kape sa mesa niya
Hindi niya ako pinansin at ipinag-patuloy lang ang paghilot sa noo niya. He looks stressed. Magulo ang buhok nito at medyo gusot ang necktie. Mukhang marami itong iniisip.
Bigla akong nailang ng magtama ang mga mata namin "You're still here, akala ko umalis ka na"
"May pwede ba akong maitulong, sir?"
He nodded "Yes, you can help me"
"Ano po yun? May gusto po ba kayong ipagawa?"
"You can just sit on the sofa and wait for me"
"Bakit po?" naguguluhan na tanong ko sa kanya "Yun lang po ba?"
"Yes" maikling sagot nito
"Do you want me to order your dinner or finish your work instead?"
Umiling ito "I just want you to sit and do nothing"
"Pero bakit po?"
"Just sit" sinamaan niya ako ng tingin "Is it hard to understand?"
Inirapan ko siya at umupo sa sofa "Sungit, nagtatanong lang naman"
Minsan talaga at gusto ko nalang siyang sabunutan dahil ang bilis mag bago ng mood nito. Sumandal ako sa sofa at tinignan siya. Ngayon lang ako naka-upo ng matagal sa office niya. Ayaw kasi nito na may ibang tao sa office nito
Hindi ko namalayan na unti-unti na palang bumibigat ang talukap ng mata ko.I fall asleep without thinking that I'm inside my boss's office. I might get fired, but I'm just really tired right now
"Andrea""Wake up, we're here"
Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Mr. Martinez. Nasa loob na kami ng sasakyan niya at wala na sa office niya. Paano ako napunta dito?
"Sorry po nakatulog ako" agad na sabi ko
"You're quite heavy" He chuckled "I tried waking you up but you sleep like a log"
Umiwas ako nang tingin ng maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Did I just see him smile?
"Sorry po talaga"Isinandal niya ang ulo niya sa upuan ng kotse at ipinikit ang mga mata niya. He looks exhausted. Kanina pa dapat ako umalis pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumingin lang sa kanya
I cleared my throat "Mr. Martinez"
"Ano yun?"
"Baka gusto niyo po ng kape?"
Iminulat niya ang mga mata niya "You want me to go inside your house?"
"Opo"
"Okay"
Inviting him inside is the worst idea. Alam kong manlalait lang siya sa bahay ko pero wala akong pakialam.
Nauna na siyang lumabas ng kotse kaya agad ko siyang sinundan. Pumasok siya sa bahay at prenteng umupo sa sofa na parang siya ang may ari ng bahay
"Your house looks clean"
"Thank you" I immediately replied. Akala ko ay manlalait ito sa bahay ko
"But it's small"
Lihim akong napa-irap sa kanya "Ihahanda ko lang po ang kape ninyo"
Pumunta ako sa kusina at inabala ang sarili ko sa pagtitimpla ng kape. Pagkatapos kong mag timpla ay pumunta ako sa sala at inilapag ang isang basong kape sa mesa
"Mr. Martinez—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makitang natutulog ito sa sofa
Wala sa sariling lumapit ako sa kanya at tinignan siya habang mahimbing na natutulog. Ang amo ng mukha niya kapag natutulog pero sobrang sungit naman nito kapag gising ito
"You still look good even when you're tired" bulong ko
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang nagising si Mr. Martinez. Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palalapit sa kanya
"What did you just say?" seryosong tanong nito
Sinubukan kong lumayo sa kanya pero mas lalo lang humigpit ang pagkaka-hawak niya sa kamay ko
"Nothing" umiwas ako ng tingin
"Really?"
Halos pigilin ko ang paghinga ko nang hawakan niya ang pisngi ko at pinaharap ako sa kanya. Ang lapit ng mukha namin sa isat-isa at isang maling galaw ko lang ay magtatagpo na ang mga labi namin
"Yung kape niyo po" paalala ko sa kanya
Marahas siyang bumuntong hininga. Lumayo siya sa akin at naglakad palabas ng bahay. Para naman akong robot na awtomatikong sumunod sa kanya
"I'm leaving, sa susunod nalang ako magka-kape" sabi nito at nagmamadaling umalis
"Okay, ingat po kayo"
Matapos umalis ni Mr. Martinez ay isinirado ko na ang pinto at umupo sa sofa. Baka ay may iba pa itong gagawin kaya nagmamadali itong umalis.
Napatingin ako sa glass table at bigla akong nagtaka ng mapansing nawawala ang picture frame ko. Weird.
"Saan kaya yun?"
BINABASA MO ANG
The Sectetary's Secret- Completed
Romance"You're mine andrea at pagsisisihan mo ang pagtago mo ng sekreto sa akin"