CHAPTER 21

29.1K 578 6
                                    


ANDREA'S POV

Matapos ang trabaho ko ay lumabas na ako ng building. Hindi na ako nagpaalam kay sean kasi alam kong ihahatid niya na naman ako. Ayaw kong maging pabigat sa kanya

"Andrea"

Napatigil ako sa paglalakad nang makita si denise "May kailangan ka ba sa akin?"

"Gusto lang kitang ihatid" naka ngiting sabi niya

"Wag na, kaya ko ang sarili ko"

Bigla akong natigilan nang lumapit siya sa akin at niyakap ako. Ngumiti lang ako sa kanya at niyakap siya pabalik

"Kung manghihiram ka ng pera, sorry pero wala kang mapapala sa akin. Sa iba ka nalang manghiram" biro ko sa kanya

"Halata namang wala kang pera" sabi niya at tumawa

Humiwalay ako sa kanya at nginitian siya "Mauna na ako"

Bago pa ako makalayo sa kanya narinig ko siyang nagsalita "Don't get too attach with Sean. Baka masaktan ka lang niya"

"I know" sabi ko at umalis na

Alam kong sasaktan ko lang ang sarili ko kung hindi pa ako lalayo sa kanya pero hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya

Nang makauwi na ako sa bahay ay agad akong nagbihis. Hinintay ko ang text ni sean pero kahit isa ay wala akong natanggap. Hanggang sumapit ang hating gabi ay hindi parin siya nag-te-text. Busy ba siya?

"Gusto ko lang naman siyang kamustahin"

Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot. Maybe he's asleep? Hanggang sa makatulog ako ay hinihintay ko parin ang text niya.
Nagpapakatanga na naman ako, nagpapakatanga sa taong alam kong hindi magiging akin

____

Nang makapasok ako sa opisina ay agad akong sinalubong ni kim. Alam kong may chismis na namam siyang nasagap at hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nasasabi yun

"Anding, narinig mo na ba ang balita?" tanong niya

"Tinanggal ni Sir si denise" hindi makapaniwalang sabi niya "He personally fire him kaya siguradong galit si sir kay denise"

"Pero ano kayang rason —"

Bago pa matapos ang sasabihin ni kim ay pumunta na ako sa office ni sean. Pumasok ako sa office niya at nakita ko naman siya na nakaupo sa swivel chair niya habang nakatingin sa akin

"Tinanggal mo ba si denise sa trabaho?" galit na tanong ko sa kanya

"Did I?" balik na tanong niya sa akin

"Stop this bullshit and answer the damn question" i yelled

Ngumisi siya "You look hot when your cursing honey. Don't worry, I'll clean your mouth later "

Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya "Bakit mo ginawa yun? Kawawa naman yung tao. Tinaggal mo ng walang dahilan"

"I have a reason" sabi niya at sumandal sa upuan niya

"So what's your reason?"

"I'm jealous" sagot niya at umiwas ng tingin "Ihahatid sana kita kahapon pero nakita ko yung girlfriend ko na may kayakap na iba. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?"

Hindi ako agad nakapagsalita. He's jealous? That caught me off guard. I wasn't expected that

"Kahit na...." Damn! He really knows how to make my heart beat faster

"Wala ba akong karapatang mag selos?" tanong niya

"Wag mong tanggalin ang isang tao dahil nagseselos ka lang. Mga bata  lang ang gumagawa 'nun" sabi ko at iniwan siya

Umupo ako sa swivel chair ko at nagsimulang mag trabaho. Wala akong planong panisin siya ngayon. Bakit ba nakalimutan ko na masamang tao pala si sean? He can do wicked things. He can fire someone without any valid reason

Makalipas ang ilang oras ay lumabas na si sean sa office niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago bumalik sa trabaho ko

"Hey" tawag ni sean sa akin

So? Hindi niya ako tatawaging honey or babe? Ang sama niya. Ewan ko pero naiirita ako sa kanya

"May pangalan po ako, sir"

"Andrea" sabi niya at hinawakan ang pisngi ko dahilan para mapatingin ako sa kanya

"Ano yun?"

Lihim akong napalunok. Ang lapit ng mukha niya sa akin. I want to kiss those delectable lips of him. Sa unang pagkakaton ay hindi ako nakaramdam ng kaba na baka may makakita sa amin

"What do you want for lunch?"

Tinabig ko ang kamay niya "Kakain nalang ako sa cafeteria mamaya, you don't need to worry about me"

"Damn it! Kahit sabihin mong wag akong mag-alala sayo ay nag-aalala parin ako. Palagi kitang iniisip. Tell me, does that even makes sense to you?"

Bakit ba ang rami niyang sinasabi ngayon? Kapag nagpatuloy to ay mas lalo lang akong mahuhulog sa kanya

"May gagawin pa ako" sabi ko

Narinig ko siyang bumuntong hininga at umalis. Bumalik na ulit ako sa trabaho ko habang hindi parin maalis sa isip ko si sean. Sinusubukan ko lang naman siya. Akala ko ay hindi siya aalis at pipilitin ako. Alam mo ba kung bakit nasasaktan ang isang tao? Kasi umaasa sila

"Andrea"

Bigla akong napatayo nang marinig ang boses ni sean. May dala siyang lunch box at inilapag sa mesa ko

"Hindi ko alam kung ano ang paborito mo so I bought 5 kinds of dishes" sabi niya at pumasok sa office niya

Napangiti ako dahil sa ginawa niya. Kahit masungit ako sa kanya ay hindi niya parin nakakalikutang dalhan ako ng pagkain

Akmang bubuksan ko na sana ang lunch box na dala ni sean nang biglang may tumawag sa akin. Nagulat ako nang makita si denise

"Bakit nandito ka?" tanong ko "Diba tinanggal ka ni sean?"

"Of course not, nilipat niya ako ng ibang department"

Napaupo ako sa upuan ko. I just made a vey big mistake. Nakakahiya talaga!

The Sectetary's Secret- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon