ANDREA'S POV
Nasa office parin kami ni sean nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kanina pa kami dito habang hinihintay na matapos si sean sa ginagawa niya. Si daniel pala ang tumatawag. Lumayo muna ako ng kunti kina sean bago ito sinagot.
"Yes mars?" bungad ko sa kanya
"May new design kasi ako ng lingere, punta ka dito sa studio dali"
"Hindi pwede noh, kasama ko si sean"
"I'll give you lingerie nalang, sige na mars. I need a model for my lingerie kasi at bibigyan pa kita ng talent fee if malaki yung benta ko"
"A photoshoot?"
"Yes mars, hindi sumipot yung model kaya ikaw agad ang naisip ko"
"Sige na nga mars" sagot ko
Pinatay ko na ang tawag at lumapit kay sean "Pwede bang ikaw muna mag-bantay kay matthew? Pupunta kasi ako sa studio ni daniel"
Biglang sumeryoso ang mukha niya "Yung kasama mo sa mall, right?"
"Oo"
Bumuntong-hininga siya "Okay, basta wag ka lang magpa-gabi. You should be back by 7 pm"
Napanguso ako "What? Hindi na ako bata ano"
"Kung ayaw mo, wag ka nalang pumunta"
"Fine, I'll be home by 7 pm" sabi ko at hinalikan si matthew
"Behave baby, okay? May work pa si daddy"
"Yes maam" sagot ni matthew
Tumingin naman ako kay sean at hinalikan siya "You should also behave"
Tumango lang siya kaya lumabas na ako ng office niya. Pumasok na ako nang elevator at pinindot ang ground floor. Nang bumukas ito ay agad akong lumabas at dumaan sa lobby.
Wala na yung mga empleyado na nag-bubulungan kanina. Mukhang tinotoo nga talaga ni sean ang sinabi niya dahil bago na naman ang receptionist at lobby attendant dito.
Nang makalabas na ako sa building ay sumakay ako sa sasakyan at pumunta na sa studio ni daniel. Hindi naman ito masyadong malayo sa office ni sean kaya agad akong nakaratingm
"Mars, ang tagal mo ha" sabi ni daniel at hinila ako paupo
"At sinisi mo pa talaga ako ha"
"Ayusan niyo na yan girls" sabi ni daniel sa stylist at make up artist niya
"Yes po" sabi nila at nagsimula akong ayusan
"Can you believe it mars, one of the famous magazine will publish my lingerie" he exclaimed
"What? You should hire a famous model mars" bulalas ko
"You look hot kaya mars, you will be the perfect model for my lingerie"
Bigla akong kinabahan "At kailan mari-release yung magazine? Hindi ito alam ni sean"
"3 days"
Nang matapos na akong ayusan ng stylist ay pumunta na ako sa harap kung saan naghihintay na ang camera man. By his looks, alam mo agad na bakla ito.
The make up artist just put light make up on me at hinaayaan lang na naka-dungay ang mahaba kung buhok. Nakasuot ako nang corset inspired na lingerie. Kulay red ito at pinatungan nang manipis na night gown. Sean will definitely kill me kapag nakita niya to.
"Okay, be confident lang ha" sabi ng camera man
"Okay" kinakabahang sabi ko
I clear my throat before striking a pose. I'm glad na tinuturuan ako kung paano mag pose ni daniel kaya all went well. It's my first time doing this kaya dapat siguraduhin lang ni daniel na malaki ang bayad niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Sectetary's Secret- Completed
Romance"You're mine andrea at pagsisisihan mo ang pagtago mo ng sekreto sa akin"