CHAPTER 16

32.4K 624 18
                                    

ANDREA'S POV

"Nasaan na ba siya?" iritang sabi ko habang tinitignan ang papalabas na mga tao sa restaurant

"Ngapatayo ba siya ng bahay sa loob ng restaurant? Doon na ba niya balak tumira?"

It's been 2 hours since he left the car at kahit anino niya ay hindi ko pa nakikita. Wala naman sigurong nagtangkang lumason sa kanya doon diba? Buhay pa naman siguro siya?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang pumasok si sean sa sasakyan na may dalang cellophane

"Come here" sabi niya at tinuro ang upuan na nasa tabi niya

Nasa back seat kasi siya habang ako naman ay nakaupo sa driver's seat. Tumango lang ako at umupo sa tabi niya

"Ano yun, sir?" kinakabahang tanong ko

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang binti ko at ipinatong ito sa hita niya. Kumuha siya ng alcohol at mga gamot sa supot na bitbit niya kanina

"Aanhin niyo po yan?" tanong ko

"Idiot, hindi mo ba napansin na may sugat ka?" sabi niya at tinapunan ako ng masamang tingin

Napatingin naman ako sa tuhod ko at nakitang may sugat nga ako sa tuhod ko. Bakit hindi ko napansin na may sugat pala ako? Tama, kasi siya nalang palagi ang iniisip ko

"Sorry sir" sabi ko

"Stop saying sorry" seryosong sabi niya

"Okay sir"

Tumahimik nalang ako habang tinitignan siya na ginagamot ang sugat ko. Bakit ang bait niya saakin? Mas lalo lang akong mahuhulog sa kanya kapag nagkataon

"Be careful next time. Alam kong ayaw mong lumalapit ako sayo kaya dapat mong alagaan ang sarili ko"

"Yes sir"

Matapos niyang gamutin ang sugat ko ay niligpit niya na ang mga gamot at alcohol. Nilagyan niya rin ang bandage ang sugat ko. Kung ganito lang rin naman kagwapo ang gagamot sa akin tuwing may sugat ako, mas pipiliin kong masugatan nalang ako araw-araw

"Sir" tawag ko sa kanya

"Ano yun? May masakit ba sayo?"

"Bumili ka lang ba talaga ng gamot para sa akin?"

Nakita kong umiwas siya ng tingin at lumayo sa akin ng kunti. Sa pagkakaalam ko kasi malayo ang botika dito. Imposible namang bilhan niya ako ng gamot dahil secretary niya lang naman ako

"D-dream on. It's for my dog" Walang gamang sabi niya

Napanguso nalang ako at bumalik sa driver's set. Muntik ko ng makalimutan na masungit nga pala si sean

"May lakad pa po kayo?" tanong ko sa kanya

"Yes, sa Starbucks tayo" sagot niya

Tumango lang ako at pinaandar ang kotse. Wala pang limang minuto ay nakarating na kami sa Starbucks. Katulad kanina, hindi niya rin ako pinalabas ng kotse. Mukhang ayaw niyang may makakita na magkasama kami

"Bakit ang tagal niya na naman?" bulong ko

Akmang lalabas na sana ako ng kotse nang makita kong papalabas si sean sa Starbucks na may kasamang babae. Nakangiti silang dalawa at halatang masaya

"So nakikipaglandian pala siya kaya sobrang tagal niya doon" bulong ko

Napataas ang isang kilay ko nang makitang hinalikan ng babae ang pisngi ni sean. Ngumiti naman si sean sa kanya na parang gusto ang halik ng haliparot na babaeng yun

"Tama bang gawing motel ang labas ng Starbucks? Hindi ko alam na may tinatago palang landi si sean"

Hindi na ako tumingin sa kanila at hinintay si sean na pumasok sa kotse. Nang makapasok na siya ay hindi ko siya pinansin

"Dinalhan kita ng cappuccino, alam kong paborito mo ito" sabi niya

Paano niya nalaman?

"So? Hindi ko gusto ang cappuccino. Ibigay mo nalang sa iba" tanggi ko

Hindi ko alam pero naiinis ako sa kanya. Alam kong wala akong karapatan para magselos at mainis sa kanya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko

"Okay" dismayadong sabi niya

Inirapan ko lang siya at pinaandar ang kotse. Nang makarating kami sa office niya ay nakasunod parin ako sa kanya. Gusto ko kasing inumin ang iniinom niyang black coffee. Bakit kaya nagiging weird ako ngayon?

"What's the matter?" tanong niya

Umupo siya sa sofa kaya tumabi ako sa kanya. Nagsalubong naman ang dalawang kilay niya na halatang naguguluhan sa inaasal ko

"Are you playing games on me, andrea? Diba sabi mo na hindi na ako pwedeng lumapit sayo?"

"Binabawi ko na ang sinabi ko. It was just a joke" sagot ko

Bakit pagdating sa kanya ay nagiging marupok ako? Gusto ko palaging nasa tabi niya kahit alam kong may iba na siyang gusto. Alam kong masasaktan lang ako kapag ipinagpatuloy ko pa ito pero anong magagawa ko? Sa kanya lang ako sasaya

Itinirik niya ang mga mata niya "It's not a good joke, wag mo ng ulit yun"

Ngumiti ako "Yes sir"

Sumandal siya sa sofa at tinignan ako. Lihim akong napalunok sa paraan ng pagtitig niya sa akin. There is something in his eyes that I can't define. Lust? Care? Love maybe? I don't know. Ang alam ko lang, mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya

"Sir?" tawag ko sa kanya

"Yes"

Ngumiti ulit ako "Can I have your black coffee?"

Napangiwi siya sa sinabi ko "Hindi pwede. May laway ko na to"

"Please sir" pagpipilit ko sa kanya

"Uhm..." Nag-isip pa siya ng ilang segundo bago niya ibigay sa akin ang coffee niya

"Thank you"

Ininom ko na agad ang kape na binigay niya sa akin at inubos ito. Ayaw ko ng black coffee dati pero bakit ngayon ay gustong gusto ko na ito?

"Diba ayaw mo sa black coffee dati?"

Tumango ako "Bakit mo alam?"

Minsan ang weird din ni Sean. Alam niya kasi ang mga ayaw at gusto ko. Hindi naman siguro niya ako sinusundan diba?

Umiwas siya ng tingin "Your so predictable. Nakikita ko kung ano ang gusto at ayaw mo"

"Really? Bakit hindi mo nakikita na gusto kita" bulong ko

"What?" tanong niya

"Wala, ang sabi ko babalik na ako sa trabaho" tumayo ako at tinalikuran siya

"Andrea, pupunta ako sa bahay mo mamaya"

Napalingon ako sa kanya "Anong gagawin mo dun?"

"May business matters tayo na dapat pag-usapan" sagot niya

"Yes sir"

Akala ko naman kung ano na. Teka, business lang ba talaga ang pag-usapan namin? Please tukso, layuan mo muna ako

The Sectetary's Secret- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon