ANDREA'S POV
"Okay, stop playing games andrea. Ito ba ang hinahanap mo?" tanong niya at ipinakita ang panty na suot ko kagabi
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Nagmamadaling lumapit ako sa kanya at pinilit na inagaw ang panty ko. Balak kong iwasan siya ngayon pero hindi ko alam na may tinatago palang kakulitan itong si sean
"Give it back" sigaw ko pero pilit niya itong tinatago
Hanggang sa mapahiga na siya sa kama ay pilit ko parin itong inaagaw. Dinaganan ko naman siya at kinuha ito sa kamay niya
"Your beautiful" he said out of the blue "Ang ganda mo kapag nakangiti"
Agad namang bumili ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Umalis ako sa ibabaw niya at lumayo ng kunti sa kanya
"May naaalala ka ba kagabi?" Kapag kasi lasing siya ay hindi niya naaalala ang mga nangyari
"Yes" naka ngising sabi niya
Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan "Naalala mo ba lahat? As in lahat?"
"Yes"
Tinakpan ko ang mukha ko sa kahihiyan. I just let him remove my panty. Sobrang nakakahiya yun. Baka ma turn off siya sa akin
"Wag mo ngang takpan ang maganda mong mukha" sabi niya at inalis ang kamay ko
"Lahat ng sinabi ko kagabi ay totoo. I love you, andrea. Ewan ko kung kailan ko naramdaman ito, basta ang alam ko lang paggising ko mahal na kita. Naiinis ako kapag may kasama kang lalaki. Gusto kong nasa tabi kita palagi. Gusto kong palagi ka lang nakatingin sa akin"
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito "Will you be my girlfriend, andrea?"
Tahimik lang ako habang nagsasalita siya. Ninanamnam ang bawat salitang lumalabas sa labi niya. Para akong nasa panaginip at natatakot akong magising
"Say something" sabi niya at kinamot ang batok niya
"Hindi ka nagbibiro diba?" panigurado ko
"Are you kidding? Mamamatay na ako sa sobrang kaba ngayon tapos magbibiro pa ako?"
Bigla akong natawa sa sinabi niya. Pinahid ko ang mga pawis na nasa noo niya. Malakas naman ang aircon pero pawis na pawis siya
Ngumiti ako "Paano kung ayaw ko?"
Tumalim ang tingin niya sa akin "May death wish ka ba? Do you want me to fire you?"
Lihim akong napangiti. Kahit na nanliligaw siya sa akin ay masungit parin siya sa akin. Kailan kaya siya magiging mabait sa akin?
"Kailangan pa ba ang sagot ko? Mukhang nakapag-desiyon ka na kasi" biro ko sa kanya
Inirapan niya ako "Syempre kailangan yun. Baka isipin ng mga tao na patay na patay ako sayo"
Lumapit ako sa kanya "Bakit hindi ba?"
"Uhm..." sunod sunod ang paglunok na ginawa niya "Kunti lang naman"
Tinawid ko ang espasyong namamagitan sa aming dalawa at hinalikan siya. Siguro naman sapat na itong ginawa ko para malaman niya ang sagot sa tanong niya. Ang totoo, hindi na niya kailangang tanungin ako kasi palaging 'oo' ang sagot ko
"Anong ibig sabihin ng halik mo?" May kislap ng kasiyahan sa mga mata
Ngumiti ako "It's a yes"
Niyakap niya ako at hinalikan ang leeg ko "Wala ng bawian andrea kasi hinding hindi kita pakakawalan"
"Good, kasi hindi rin kita pakakawalan"
__
Pagkatapos naming kumain ni sean ay umuwi siya sa bahay niya. Nauna naman akong pumasok sa office at nag trabaho. Marami na naman akong natambak na paper works kaya magiging busy na naman ako nito
"Good morning"
Napaigtad ako nang marinig ang boses ni sean. Nakangiti siya sa akin habang may dalang plastic bag
"Good morning, sir" bati ko sa kanya
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Agad ko naman siyang tinulak at tumingin sa paligid
"Are you crazy? Paano kung may makakita sa atin?" tanong ko
Imbes na magalit ay ngumiti lang siya sa akin. Hinalikan niya ulit ang pisngi ko bago ito lumayo sa akin
"It's my company, walang pwedeng makialam sa atin"
"Okay sir" sagot ko
Ibinigay niya sa akin ang plastic bag. Sandwich at black coffee ang laman nito. Ngumiti lang siya bago pumasok sa office niya. Bumalik nalang ulit ako sa trabaho at inabala ang sarili sa mga gawain. Sa buong oras ay nakangiti lang ako habang iniisip si sean
"Bakit nakangiti ka, anding? May boyfriend ka na ano?" naka ngising tanong sa akin ni kim
"Paano mo nalaman? I mean— paano mo nasabi? Wa-wala noh" utal na sagot ko
"Alam ko ang ngiti na yan e. Boyfriend lang natin ang kayang magbigay ng ganyang ngiti"
Tumango ako "Oo na, may boyfriend na ako"
"Sino? Gwapo ba?" ngumisi ulit siya
Hindi niya pwedeng malaman kasi kapag nalaman niya, sigurado akong malalaman din ng buong mundo
"Hindi siya masyadong gwapo, mahirap siya tsaka hindi marunong humalik" pagsisinungaling ko
"Ano? Baka ginayuma ka niyan, anding"
"Hindi noh" sagot ko
"Babalik ako dito mamaya, ipagkakalat ko lang tong mga nalaman kong may boyfriend ka na. Jusko, mas mainit pa ito sa nagbabagang balita" sabi niya at umalis
Pagkatapos niyang umalis ay tinawag ako ni sean. Agad naman akong pumasok sa loob ng office niya
"Ano yun sir?"
"Uhm..." inilagay niya ang daliri niya sa baba niya na parang may malalim na iniisip
"May iuutos kayo, sir?"
"Wala, gusto lang kitang tanungin kong anong gusto mong itawag ko sayo" seryosong sabi niya
Bigla akong natawa sa sinabi niya "Akala ko naman kung ano na"
Hindi ako makapaniwalang tinawag niya lang ako para sa 'callsign' namin. Akala ko naman kung gaano ka-importante at tinawag niya ako
Nagsalubong ang kilay niya "This is important, kailangan natin itong pag-isipan ng mabuti"
"Babe, honey, baby, sweety pie, hubby, wifey, darling, cupcake, sunshine. Pumili ka nalang"
Napanguso siya "Bakit ang dami mong alam sa mga bagay na yan? May tinawag ka na bang baby dati?"
"Wala pa, naririnig ko lang"
Agad naman siyang ngumiti "Okay"
"I'll pick baby" sabi ko
"I will pick honey"
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko "Okay honey, ihahatid kita mamaya"
Napangiti ako "Sure baby"
BINABASA MO ANG
The Sectetary's Secret- Completed
Romance"You're mine andrea at pagsisisihan mo ang pagtago mo ng sekreto sa akin"
