ANDREA'S POV
"Magiging busy ako this week, hindi kita masyadong maasikaso" sabi ni sean nang makapasok ako sa office niya
I smile "Ayos lang naman sa akin"
Lumapit siya sa akin at niyakap ako "It's not fine for me, gusto kong nasa tabi mo ako palagi"
"Mas importante ang trabaho mo" I pinch his nose "At tsaka palagi mo naman akong nakikita"
"May naisip ako para hindi ka naman makaramdam ng boredom this week"
"Ano yun?"
Hinalikan niya ang noo ko "Mamaya ko nalang sasabihin"
"Okay po"
Bigla along napalayo sa kanya nang may marinig akong kumatok. Bumukas ang pinto at pumasok si dina
"Ready na po sila" sabi ni dina na agad din namang lumabas
Nagtataka akong tumingin sa kanya "May meeting ka ba? Bakit hindi ko yun nakita sa schedule mo"
Ngumiti lang siya sa akin at lumabas ng office niya. Agad ko naman siyang sinundan. Pumunta siya sa meeting hall at doon ay nakita ko si kim at mga kasamahan niya sa financial department
"I know your exhausted from your work so I'm giving you a 3 days vacation" deklara ni sean
Agad naman silang naghiyawan. Habang ako naman ay nakatingin lang kay sean. Hindi pa nagbigay ng vacation leave si sean sa mga empleyado niya, kailangan nga ay mag trabaho ka pa kahit na may sakit ka. Yes he's evil, pero ngayon ay nakikita ko na ang pagbabago niya
"You'll be staying at my private beach at tagaytay. Libre lahat, so wala na kayong dapat alalahanin" dagdag niya
"Sasama ka ba boss?" tanong ni brenda
"Dapat sumama ka Mr. Maratinez. Mas mag-e-enjoy kami" si stef
"Sayang at hindi mo makikita ang suot kong one piece boss" Si belle
"Baka gusto niyo munang bumili ng hiya, parang kulang kayo 'nun e" ani ni kim
Inirapan lang ni sean ang mga babae at nagpayuloy lang sa pagsasalita na siyang ikinatuwa ko. Minsan talaga ay walang galang si sean
"Your leaving tommorow, so prepare your stuff" sabi niya at umalis na
Nagpaiwan naman ako at lumapit kay kim na ngayon ay hanggang tenga ang ngiti
"Prepare your two piece anding, mang-aakit tayo ng mga boys" sabi niya
"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo, may boyfriend ka na" saway ko sa kanya
"Oo nga pala"
Bigla akong natawa "Ewan ko sayo"
"Mauna na muna ako" umalis na ako at pumasok sa office ni sean
"Bakit ka naman nagbigay ng vacation leave sa mga empleyado?" tanong ko sa kanya
"Relax, kaya ko naman ang trabaho" he smile "Gusto ko lang kasing magpahinga ka din sa trabaho mo"
Lumapit siya sa akin at hinimas ang buhok ko "You can leave now, so you could prepare you stuff"
"11 palang ng umaga" sagot ko
"That's an order from your boyfriend and not from your boss"
Tumango nalang ako "May magagawa ba ako"
Yumuko siya ng kunti ang hinalikan ang labi ko "Umuwi ka kaagad"
"Okay" sabi ko at lumabas na
Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng building. Pumara ako ng taxi at agad naman akong nakarating sa bahay. Pagdating ko ay agad akong pumili ng mga damit
Pinili ko ang kulay black and red na two piece at isang one piece. Pumili din ako ng shorts, tube, at tsaka see through. Nilagay ko lahat sa bag ko at tsaka nahiga sa kama. Palagi nalang akong inaantok kapag wala si sean. Hinimas ko ang tiyan ko, hindi pa masyadong lumalaki si baby
"Baby? Stay strong, okay? Excited na si mommy na makita ka"
Nakatingin lang ako sa kisame hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako
_________
Napabangon ako nang may marinig akong nag door bell. Lumabas ako ng kwarto at binuksan ang main door
"Do you miss me babe?" nagulat ako nang makita si sean
"Akala ko busy ka" sabi ko
Pumasok siya bahay at dumiretso sa kwarto. Sumunod naman ako sa kanya at tinignan lang siya
"I need to check your bag" sabi niya at binuksan ang bag ko
"At bakit naman?"
"Boys might drool if you wear something revealing. You need to preserve your body for me" simpleng sabi niya
Napairap nalang ako. Hindi ko akalaian na kahit busy siya ay nagawa niya paring pumunta sa bahay at makialam sa gamit ko
"Is this even a dress?" sabi niya at pinakita sa akin ang tube
"Yes"
Nagsalubong ang kilay niya nang makita ang one piece ko "What the hell is this?"
"It's one piece" pagtataray ko sa kanya
"Hell no, you can't wear that when I'm not around. It's too revealing"
"Wala namang one piece na hindi revealing. I can't wear pajamas at beach"
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko "Can you please get me some coffee? Aayusin ko lang Ang gamit mo"
Bigla akong nagtaka. Bakit parang nag ago ang templa ni sean? Alam kong may binabalak na naman siyang hindi maganda
"Okay" sabi ko at lumabas na
SEAN'S POV
Pagkalabas ni andrea sa kwarto ay agad akong lumapit sa closet niya. Kumuha ako ng ng pants, pajama, jacket at mga damit na mahahaba. There's no way that she'll be wearing those revealing dress and one piece
Kinuha ko ang mga short niya at pinalitan ito ng mga pajama. Alam kong magagalit siya sa akin pero mawawala din naman yun. Pagkatapos kong ayusin ang bag niya ay lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Nakita ko naman si andrea na nakatalikod at nagtitimpla ng kape
Agad ko naman siyang niyakap mula sa likuran at hinalikan ang leeg niya. Gustong gusto ko talagang halikan si andrea. Maybe andrea is my drug, the more I get close to her, the more I become addicted
"Can I taste you instead?" tanong ko sa kanya
Naramdamam ko namang nanigas si andrea at natigil sa ginagawa niya. Mahina akong napamura, baka kung ano na naman ang maging reaksyon ni andrea
"I'm just joking, don't take it seriously" agad na sabi ko
"Uhm, okay"
Hinawakan ko ang balikat niya at pinaharap siya sa akin "I will miss you"
"I will miss you too, don't stress yourself, okay?"
"I will"
Mas lalo pa akong lumapit sa kanya at hinalikan ang labi niya. My gosh, parang ayaw ko yatang lumayo sa kanya
BINABASA MO ANG
The Sectetary's Secret- Completed
Dragoste"You're mine andrea at pagsisisihan mo ang pagtago mo ng sekreto sa akin"
