Chapter 32

23.5K 455 24
                                    


ANDREA'S POV

Sa wakas ay natapos rin ang vacation trip namin. Katulad ng dati ay hindi parin ako pinapansin ni sean. At nag umpisa na akong mairita dahil sa inaasal niya

Nakasakay na ang lahat sa bus. Nakasakay narin ng bus si sean at pa simple akong tumabi sa kanya. Hindi naman siya umimik at nakatingin lang sa labas ng bintana

"Gusto mong kumain? I bought you snacks" tanong ko sa kanya

"Busog ako"

"I brought water, baka nauuhaw ka"

"I'm not thirsty" sagot niya habang hindi parin tumitingin sa akin

Nagpabuntong hininga ako "Okay"

Alam kong galit na naman siya sa akin pero hindi ko alam ang dahilan. Sigurado akong mag-aaway lang kami kapag mas kinulit ko pa siya, at ayaw kong mangyari yun

"Tell me if you need anything" sabi ko

Nagsimula nang umandar ang bus at kasabay nun ang pagkahilo ko. Hindi ko alam pero parang nasusuka ako. Nagsisimula naring mamawis ang noo ko

"May problema ba?" tanong ni denise na napadaan sa upuan namin

"Nasusuka ako"

Halata namang kinabahan siya "Ano bang dapat kong gawin? Do you need anything?"

"Wag ka ngang over acting" natatawang sabi ko

"Bakit bawal?"

"Hindi naman"

Magsasalita pa sana si denise nang biglang tumayo si sean at sumigaw dahilan upang huminto ang bus

"Stop the bus, I need to go to the restroom" sabi niya at umalis

Sakto namang huminto ang bus sa isang public restroom at grocery store. Yung ibang work mates ko ay bumaba pero nanatili lang ako sa upuan ko

"Call me if you need anything" sabi niya at umupo sa upuan niya

Kailangan kong malaman kong bakit galit na naman sa akin si sean. Hindi kasi ako mapakali kapag ganitong hindi niya ako pinapansin

SEAN'S POV

Kanina pa ako kinakausap ni andrea pero pinilit ko ng sarili kong wag siyang pansinin. Nagseselos parin kasi ako kay Denise. And damn! I feel so pathetic dahil nagseselos ako pero hindi ko man lang masabi

Nang nilapitan ni denise si andrea ay agad akong naalarma. I wanted to butt in, I wanted to tell everyone that andrea is mine and no one can touch her. Pero naduduwag ako, takot kasi akong itanggi na naman niya ulit ako sa harap ng ibang tao

Bago pa lumalim ang kanilang pag-uusap ay sumigaw na ako. Pinilit ko pang tapangan ang boses ko pero ang totoo ay kinakabahan ako dahil baka lumipat si andrea ng upuan at magtabi sila ni denise

"Stop the bus, I need to go to the restroom" sigaw ko at lumabas

That was a lie. Pupunta takaga ako sa grocery store para bumili ng gamot. Nang marinig kong hindi maganda ang pakiramdan ni andrea ay gusto ko agad siyang kausapin pero hindi ko magawa

Pumasok ako ng grocery store at bumili ng gamot at pagkain. Pagkatapos ay agad din naman akong sumakay sa bus at nakita si andrea na nakatingin sa akin

Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang emosyon na nararamdaman ko. Gusto ko siyang yakapin pero alam kong ayaw niyang makita kami ng ibang tao na magkasama

"Sir, ano yang dala mo?" tanong ni stefan

"Nothing"

Umupo na ako sa upuan ko at kasabay nun ang pag-andar ng bus. Tumingin ako kau andrea pero agad din naman itong bumawi ng makita kong nakatingin siya sa akin

"Here" sabi ko at inabot ang plastic bag sa kanya

"What's this?" tanong niya

"Binigay sa akin ng cashier, sayang naman kung itatapon ko" pagsisinungaling ko

"Thank you"

"Whatever" sagot ko habang hindi parin siya pinapansin

Hanggang sa matapos ang byahe ay hindi na ako nagtangkang nagsalita. Ganun din ang ginawa ni andrea

"Akin na ang bag mo" presenta ni denise at kinuha ang bag ni andrea

"Sure" sagot ni andrea at iniwan ako

I touch my left chest where my heart is located. Nasasaktan ako, bakit parang wala lang kay andrea? Ayos lang ba sa kanya na hindi ko siya pansinin?

"Sir, pwede bang sabay tayo?" tanong sa akin ni brittany

"Yeah sure" wala sa sariling sabi ko

I feel so much pain. Nakakainis lang kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko na magselos. I just want to be with andrea in public, mali ba yun?

ANDREA'S POV

Ilang araw na akong hindi pinapansin ni sean. Hindi ko na alam ang gagawin ko ay nagsisimula na akong magalit sa kanya. Kapag kasi kakausapin ko siya ay parang wala siyang pakialam sa akin

At napapagod na akong intindihin siya. Kapag galit siya ay palagi nalang ako ang gumagawa ng paraan para magkaayos kami at pagid na din akong sumunod sa kanya

"Sean" sabi ko nang makita ko siyang pumasok sa office niya

Katulad ng dati ay hindi niya parin ako pinansin kaya pumasok na ako sa office niya

"Ano bang problema? Tell me. Pagod na ako sean" sabi ko

Umupo siya sa swivel chair niya at blankong tumingin sa akin "Nothing"

"Alam kong meron, nagsasawa ka na ba sa akin?" I bravely ask

"Hindi"

Mapait akong napangiti "Let's break up, ayaw ko na sa ganito. Pagod na akong sumunod sayo"

Walang kibo si sean at wala akong makita na emosyon sa mga mata niya. Gusto ko nang umiyak pero pinipigilan ko ang sarili kong magmukhang tanga sa harapan niya

"Let's end our relationship, parang wala ka namang pakialam sa akin" sabi ko at tumalikod

Akmang lalakad na sana ako pero bigla siyang nagsalita. Hindi na ako nagtangkang tumingin sa kanya kasi naduduwag ako

"Gusto ko lang naman na malaman ng ibang tao na girlfriend kita. Gusto kong malaya akong lapitan ka sa publiko nang hindi ka nagagalit. Mali ba yun?"

Biglang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na magawang lumingon sa kanya at parang nanigas na ako sa kinatatayuan ko

"I feel jealous, andrea. Bakit si denise pwedeng lumapit sayo kahit na maraming tao. Pero ayaw mong makita tayo ng ibang tao sa publiko. Natatakot na akong itanggi mo ulit. Ikinahihiya mo ba ako? Bakit ayaw mong malaman ng ibang tao ang relasyon natin? "

Hindi na ako nagsalita at lumabas ng office niya. Nakipaghiwalay na ako sa kanya kaya wala ring kwenta kung ipipilit ko pa ang sarili ko




___________

Miss me?

The Sectetary's Secret- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon