CHAPTER 24

26.9K 596 19
                                    

ANDREA'S POV

Pumasok ako sa office ni sean. Pinatawag niya ako kanina kaya dinalhan ko na din siya ng kape. Marami siyang trabaho ngayon kaya minsan nalang kami magkita

"May kailangan ka ba?" tanong ko

"Yes"

Hinawakan niya ang bewang ko at hinapit ako papalapit sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit at ibinaon ang ulo niya sa leeg ko

"I'm tired, can I sleep with you now?" bakas sa boses niya ang pagod

"Hindi pwede, may trabaho pa ako"

Tumingin siya sa akin at ngumuso "Please?"

Bigla akong natawa sa reaksyon niya. Hindi ko akalain na marunong din palang makiusap si sean

"Okay" sagot ko

Humiwalay siya sa akin at iginiya ako sa kwarto niya. May maliit kasi na kwarto sa office niya. Dito siya nagpapahinga o natutulog kapag hindi siya umuuwi sa bahay niya

Humiga ako sa kama at ganun din ang ginawa niya. Nakatingin lang siya sa akin habang nakahiga sa tabi ko

"Are you tired?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko

"Hindi"

"You're lying, alam kong pagod ka. Sorry kasi dahil sa akin marimi kang trabaho"

"Hindi nga ako pagod" sagot ko

Ngumisi siya "Talaga?"

"Oo"

Nagulat ako nang bigla niya akong daganan. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at inilagay ito sa itaas ng ulo ko

"Ayos lang bang pagurin kita ngayon?"

Pinanlakihan ko siya ng mata "Behave yourself, nasa office tayo"

"So? This is my office and you are my girlfriend. Wala namang makakarinig kapag sisigaw ka" sabi niya at mahinang tumawa

Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at hinalikan ang labi ko papunta sa leeg ko. It was just a quick kiss pero ramdam ko na pinipigilan niya parin ang sarili niya

"Thank god, I can still control myself" sabi niya at tumabi ulit sa akin

Ngumiti lang ako bago ko ipinikit ang mga mata ko. Sigurado akong makakatulpg ako ng mahimbing kasi katabi ko si sean

__

Nauna akong nagising kay sean kaya maingat akong umalis sa kama at pumunta sa desk niya. Medyo makalat kasi ang desk niya kaya balak kong ayusin muna ito

"Baby? This is your daddy's office. Dito ko siya unang nakita. Ni hindi niya manang ako magawang ngitian dati, ganun siya kasungit"

Nasa kalagitnaan ako mg pag-aayos ko nang biglang may yumakap mula sa likuran ko. Hindi ko na kailangan lingunin kung sino ito kasi alam ko na agad na si sean lang ang yayakap sa akin

"Hindi ka ba pagod?" tanong ko

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa bewang ko "Yes , pero bumangon agad ako nang makitang wala ka na sa tabi ko"

"Sorry, naisip ko kasing linisin ang desk mo"

"That's okay"

"Babawi nalang ako sayo next time—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang nakitm kong biglang bumukas ang pinto. Mabilis pa sa alas kwatrong naitulak ko si sean at inayos ang sarili ko. Si laurence pala, sana ay hindi niya kami nakita

"Are you two dating?" naka ngising sabi niya at umupo sa sofa

"Yes—"  pinutol ko ang sasabihin ni sean

"Of course not, may boyfriend na ako" kinakabahang sabi ko

Hindi niya pwedeng malaman na may relasyon kami ni sean. Baka sabihin niya na may masamang plano ako o piniperahan ko lang si sean

"Bakit magkayakap kayo?" tanong ni laurence

"Hindi mangyayari yun, I would never fall for him" sabi ko at naglakad paalis

Bago pa ako makalabas sa office niya  ay liningon ko si sean. Tahimik lang siya at walang emosyon ang mukha niya. Hindi naman siguro siya galit diba?

Bumalik na ako sa upuan ko at nagsimulang magtrabaho. Kakausapin ko nalang si sean mamaya

"Ano kayang nangyari kay sean? Hindi ko na siya makausap"

Bigla akong napatayo nang lumabas si laurence "Anong ibig mong sabihin?"

"Bumalik siya sa kwarto niya at kinulong ang sarili niya. He looks really depress"

"Alam mo ba kung bakit?"

"Paper works" sagot niya "Wag kang mag-alala, palagi siyang ganyan dati"

"Thank you" sabi ko

"Babalik nalang ako sweetheart, I'll treat you something nice" sabi niya bago umalis

Hanggang sa matapos ang trabaho ko ay hindi parin lumalabas si sean. Hindi ako pumasok sa office niya kasi natatakot ako. Hindi muna ako umuwi at hinintay si sean. Kailangan ko siyang makausap

Lumipas ang ilang oras ay hindi parin lumalabas si sean. Nagsiuwian na ang mga ibang empleyado pero hindi parin ako umuuwi

"Sir" bati ko sa kanya nang makalabas na siya ng office niya

"Yes?" sagot niya pero hindi parin siya tumitingin sa akin

Ramdam ko na may nagbago sa kanya. Kinakausap niya ako pero parang ang layo niya sa akin

"Tungkol sa nangyari kanina—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang siyang magsalita "It's okay, wala yun"

Aalis na sana siya pero mabilis ko siyang napigilan "Ihatid mo muna ako, pwede ba? "

"Okay" sabi niya at naunang maglakad sa akin

Wala akong ibang nagawa kundi sundan siya. Nauna siyang pumasok sa kotse kaya pumasok narin ako. Buong byahi ay tahimik lang siya. Sinusubukan ko siyang kausapinp pero hindi parin siya sumasagot

"We're here" deklara niya at tinigil ang kotse

"Sorry na sean, ano ba ang dapat kong gawin para patawarin mo ako?" tanong ko

Sa wakas ay tumingin narin siya sa akin. Pero katulad kanina ay wala parin akong makitang emosyon sa mukha niya

"Nothing, I'm fine"

Kinagat ko ang ibabang labi ko para maiwasan na tumulo ang luha ko "Dahil ba kanina? Dahil ba tinanggi ko na may relasyon tayo?"

"I'll be okay soon" sabi niya at pekeng ngumiti

"Uhm..." siguro pagod narin siya sa trabaho "See you tomorrow"

Bakit pakiramdam ko may nakadagan sa puso ko? Nasasaktan ako na malamang galit sa akin si sean dahil sa ginawa ko

"See you"

Lalabas na sana ako ng sasakyan pero pinigilan niya ako. Tumingin ako sa kanya pero umiwas rin agad siya ng tingin

"If you are just going to deny me as your boyfriend, don't do it in in front of me"

The Sectetary's Secret- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon