CHAPTER 20

31.5K 619 75
                                    


ANDREA'S POV

"Salamat at binantayan mo ako kagabi" sabi ko nang makapasok kami ni denise sa building

Ngayon lang kami nakalabas sa hospital. Dumiretso agad kami rito kasi gusto ko ng makita si sean

"Wala yun, hindi naman yun nakabawas sa kagwapuhan ko"

Napairap ako sa kanya "Ang hangin mo rin, ano?"

"Totoo naman kasing gwapo ako, alangan namang mag sinungaling ako"

Nang makarating kami sa desk ko ay hiniwakan niya ang kamay ko. Sanay na akong palagi niya akong hinahawakan, wala naman kasing malisya sa akin yun

"Wag kang sumimangot kasi pumapangit ka. Dadagdag ka lang sa mga listahan ng mga pangit dito" naka ngising sabi niya

"Hindi ako pangit" bulyaw ko sa kanya

Tumawa lang siya at nagmamadaling tumakbo papalayo saaakin. Uupo na sana ako sa swivel chair ko nang makita ko si sean na nakatingin sa akin. Matalim ang tingin niya sa akin na para bang gusto na niya akong lapain

"Good morning, sean" naka ngiting sabi ko sa kanya

"Good morning"

"Kanina ka pa dyan?"

Tumaas ang gilid ng labi niya "Hinihintay kita pero may ibang kasama ka na pala"

"Hinatid niya lang ako" sagot ko

"Whatever" sabi niya at pumasok sa opisina niya

Bigla naman akong nagtaka sa inasal niya. Sinundan ko siya at pumasok din sa office niya. Namulsa ako at matalim siyang tinignan

"Anong problema mo? Pansinin mo kaya ako" sabi ko

Umupo siya sa upuan niya at nagsimula nang magbasa. Mukhang wala talaga siyang plano na pansinin ako

"Gusto kitang makausap, wag mo nga akong sungitan" sabi ko pero hindi niya parin ako pinapansin

Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdamang nag-uumpisa nang tumulo ang luha ko. Minsan talaga nakakainis siya

"Bahala ka sa buhay mo. Simula ngayon hindi na kita papansinin" padabog na sabi ko at lumabas ng office niya

Umupo ako sa swivel chair ko at tinapos ang mga paper works ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho ko nang bigla na namang sumulpot si kim sa harapan ko

"Anding, totoo bang nahimatay ka kahapon?" tanong niya

"Oo, nahilo lang ako" Paano niya nalaman?  Hindi talaga pwedeng pagkatiwalaan si denise

"Ang swerte mo, anding. Si denise pa talaga ang nag bantay sayo"

Bigla akong nagtaka "Bakit naman ako naging swerte?"

"Ang gwapo kaya niya. Kung siya lang din naman ang mag-aalaga sa akin, mas mabuti pang mahimatay nalang ako araw araw"

"Baliw" sagot ko

Hindi na namin natapos ang pag-uusap namin nang biglang lumabas si sean sa office. Mabilis itong naglakad nang hindi man lang ako nililingon

"Ang gwapo din ni Sir sean, ano? Ang perfect niya" halatang kinikilig na sabi niya

Wag mo ngang pagpantasyahan ang boyfriend ko "Saan banda? Ang pangit niya kaya"

"Aalis na muna ako, may inutos pa kasi yung head namin" paalam niya sa akin

"Bye"

Makalipas ang ilang oras ay hindi parin bumabalik si sean. Ano kayang ginagawa niya? Siguro naghahasik na naman ng ka-sungitan niya

"Good afternoon, sir" agad na bati ko nang makita ko siya

Tumigil siya sa harapan ko at tinignan ako. Bigla akong naglaway nang makita kong may dala siyang lunch box at mga chocolates

"Do you need anything—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila papasok sa opisina niya. Hinawakan niya ang balikat ko at isinandal ako sa pinto

"Bakit hindi mo sinabi na nahimatay ka? Tinawagan mo sana ako para ako na ang nagbantay sayo sa hospital" bakas sa mukha niya ang pag-aalala

Inirapan ko siya "So? Diba wala kang pakialam sa akin?"

"Nagselos lang naman ako sayo ng kunti. Sorry na, please?" sabi niya at kinamot ang batok niya

Tumingin ako sa kanya "Bakit ka naman magseselos"

Yumiko siya "Hinintay kita kagabi sa restaurant hanggang sa magsara sila. Tinawagan kita pero so denise ang sumagot. Akala ko, ipinagpalit mo na ako sa kanya"

Lihim akong napangiti sa sinabi niya. Damn! He look so cute when he's jealous. Mas lalo lang yata akong nahuhulog sa kanya

Hinawakan ko ang pisngi niya at iniharap ito sa akin "Wag kang mag-alala, hindi kita ipagpapalit sa iba"

"Really? Hindi ka nagbibiro?"

Ngumiti ako at hinalikan ang labi niya. Mukhang siya yata ang pinaglilihian ko. Gusto ko kasing palagi siyang hinahalikan

"Gutom na ako" sabi ko

"Dinalhan kita ng pagkain" sabi niya at iginiya ako sa mesa niya

Pinaupo niya ako at siya na mismo ang nagbulas ng lunch box at naghanda sa kakainin ko. Mukhang hindi halata na ako ang secretary niya at siya ang boss ko dahil siya palagi ang nag-aalala sa akin

"I love chocolates" naka ngiting sabi ko at kumain ng chocolates

Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko. Pinuno niya ito ng halik habang nakatingin sa akin

"Ano bang ginagawa mo?" naguguluhang tanong ko

"Hinawakan ka ng lalaking yun kaya dapat halikan kita ulit para ako lang ang maaalala mo"

"Seryoso ka ba?" natatawang tanong ko

"Do I look like I'm joking? Ayaw kong may humahawak sayong ibang lalaki"

Hinalikan niya ulit ang kamay ko bago ito binitiwan "Done, mawawala na sa sistema mo ang lalaking yun"

"Sira ka talaga"

Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang siya naman ay nakatingin lang sa akin. Mas lalo lang yata akong nahuhulog kapag tinititigan niya ako

"Wag mo nga akong tignan" sabi ko

Ngumiti siya "Sayang naman ang kagandahan mo kung hindi ko titignan"

Pinisil ko ulit ang pisngi niya "Ang cute ng baby babe ko"

"Damn" rinig kong mura niya

Hinuli niya ang kamay ko at hinalikan ang labi ko. Wlaa akong ibang nagawa kundi ang tumugon sa halik niya. Mukhang hindi yata ako makakakain ng maayos kapag kasama ko siya

The Sectetary's Secret- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon