CHAPTER 31

24K 418 15
                                    


ANDREA'S POV

Nasa tabi parin kami ng dalampasigan ngayon. Naliligo parin ang mga officemates ko habang si sean naman ay nasa restaurant lang ay nakatingin sa amin. Mukhang ayaw niya talagang sumama sa amin

"Balit hindi ka pa naliligo anding?" sigaw ni kim

"Mamaya nalang" sagot ko

Ang totoo, giniginaw talaga ako. Pero ayaw ko namang pumunta sa cabin ko dahil baka tawagin na naman nila akong killjoy

"Hey" nagulat ako nang biglang tumabi sa akin si denise

"Hey" sagot ko

Ibinigay niya sa akin ang t-shirt niya "Alam kong ginginaw ka, nakakasama yan sa baby"

"Thank you" sagot ko at isinout ang tshirt niya

Ang bait talaga ni denise. Alam kong maraming nagkaka-gusto sa kanya pero siya yung tipo ng lalaki na mas pinipili yung trabaho niya kesa sa mga babae

Makalipas ang ilang oras ay umahon narin sila at nagbihis. Kumain kami ng lunch at pagkatapos ay naglaro sila ng volleyball

Buong mgahapon ay hindi ko na ulit nakita si sean. Baka busy sa trabaho niya? O baka ayaw niya na samahan kami

"We will have our bonfire tonight, so be ready bitches" sigaw ni kim

Pumasok na ulit ako sa cabin ko at nagulat ako nang makita si sean na nakaupo sa kama ko. He look sleepy pero parang pinipilit niya lang na wag matulog

"Kanina ka pa ba nandito?" tanong ko at dinaluhan siya sa kama

"Opo"

Niyakap niya ako kaya ganun din ang ginawa ko "Bakit hindi ka nalang matulog"

"Kanina pa kita hinihintay" sabi niya "Kung matutulog ako, mapupunta rin sa wala ang paghihintay ko"

Tumingin ako sa kanya "May gusto ka bang gawin?"

"Pwede bang samahan mo ako na maglakad sa beach?"

Bigla akong nagdalawang isip "Baka may makakita sa atin"

"I'm sure nasa cabin silang lahat. I just want to spend time with you. Please?"

Tumango ako "Okay"

Ngumiti naman siya ay agad na hinalikan ang labi ko "Thank you"

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas sa cabin. Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad sa beach. Pero medyo kinakabahan ako dahil baka may makakita sa amin

"Can I sleep in your cabin tonight?" tanong niya

"Hindi pwede, baka kasi pumasok si kim. Alam mo naman yun"

Narinig ko siyang bumuntong hininga. Hindi ko alam pero parang nalungkot siya sa sinabi ko

"Yeah, we should be careful"

"Pero pwede ka namang dumalaw diba? O pwedeng ako nalang ang pumunta sa cabin mo"

"That's great" sabi niya at ngumiti "Gusto kong solohin ka kaya maaga kong tinapos ang trabaho ko"

"Hindi mo naman kailangan gawin yun"

"Pero ginawa ko na-"

Hindi na natapos ni sean ang sasabihin niya nang bitawan ko ang kamay niya at agad na lumayo sa kanya. Papalapit kasi sa amin sina kim at brittany. Bago pa sila makahalata ay iniwan ko na si sean nang hindi man lang siya nililingon

Nanag makalayo sa kanila ay doon na ako nakahinga ng maluwag. Buti nalang at hindi nila kami nakita. Pagkalipas ng ilang segundo ay hinanap ko si sean pero wala na siya

"Saan na naman kaya siya nagpunta?" tanong ko

Lumipas ang oras at nagtipon-tipon ulit kami. At katulad ng inaasahan ay wala na naman si sean. Gumawa kami ng bonfire at nag kwentuhan

"Saan kaya si sir? Sayang naman at hindi ko maipakita ang magandang swim wear ko" tanong ni kim

"Ewan ko, baka natulog lang"

Ngumisi siya "Gapangin ko kaya?"

"Try mo kayang maging loyal sa boyfriend mo, mukhang hindi mo pa kasi nagagawa yun" sagot ko

"Grabe ka naman, loyal naman ako kapag magkasama kami"

"Kukuhanan lang kita ng pagkain anding" sabi niya at umalis

Habang busy ang lahat sa kanilang ginagawa ay umalis muna ako at hinanap si sean. Pumunta ako sa cabin niya dahil sigurado akong nandoon siya

"Sean?" mahinang sabi ko at pumasok sa cabin niya

At tama nga ang hinala ko, nandito si sean. Nakaupo lang siya sa kama at nakasandal sa headboard nito. At parang may malalim na iniisip

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya

"Kakain ako mamaya"

"Do you need anything?" parang hindi kasi maayos ang pakiramdam niya

"Wala"

"Are you sure?"

Bored siyang tumingin sa akin "Baka may makakita sa atin. Diba ayaw mong malaman nila na boyfriend mo ako?"

"Hindi naman sa ganun"

Humiga siya sa kama at tumalikod sa akin "I'm tired"

"Okay, magpahinga ka na" sabi ko at lumabas ng cabin niya

Galit ba siya sa akin? O hindi lang talaga maganda ang pakiramdam niya? Para kasing may mali sa kanya

Pumasok nalang ako sa cabin ko at nahiga. Mas mabuti pang matulog nalang ako. Sinubukan kong ipikit ang nga mata ko pero hindi parin ako makatulog

"Pupunta kaya si sean?"

Inaamin ko na gusto kong matulog katabi si sean. Pero mukhang nagbago yata ang isip niya. Kasalanan ko rin naman kasi sinabi kong hindi pwede

Bigla akong napabangon nang may narinig akong kumatok. Agad akong lumapit sa pinto at binuksan ito

"Sea-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang ibang tao ang nakita ko

Akala ko kasi si sean pero si kim pala ang kumatok. Agad na pumasok si kim at humiga sa kama ko

"Dito ako matutulog, mas malaki kasi ang cabin mo" masayang sabi niya

"Okay"

Sinirado ko na ang pinto at humiga sa kama. Siguro ay hindi na dadating si sean. Umasa lang ako. Inaamin kong naiinis ako kasi gusto ni sean na makasama ako pero bakit niya ako pinaalis kanina? Ang hirap niya talagang intindihin

The Sectetary's Secret- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon