CHAPTER 29

24K 452 15
                                    


ANDREA'S POV

Ngayon ang araw ng alis namin papunta sa tagaytay. Nasa bus station kami lahat at inanantay ang private bus na sasakyan namin. 12 lang kaming nakasama kasi busy din ang iba naming ka officemate

"Sa wakas at dumating na rin" sabi ni kim "Hali ka na anding"

Dumating na ang bus na hinihintay namin at pumasok na rin ang iba naming kasamahan. Kasama rin si denise at dina

"Mauna ka na" sagot ko

"Wait lang guys, may bihilhin lang ako" sabi ni brenda

"Sama ako" si stef

"Bilisan niyo ha? Baka abutin kayo ng pasko" mataray na sabi ni kim

Hinintay ko munang makapasok ang lahat. Papasok na sana ako sa bus nang biglang may humila sa akin palayo sa bus. Sisigaw na sana ako pero tinakpan nito ang bibig ko

"Sorry"

"Bakit nandito ka?" nagulat ako nang makita si sean

"Gusto ko kasing makita ka"

"Baka may makakita sa atin" tumingin ako sa paligid "It will be dangerous for the both of us"

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hindi na ako nanlaban at niyakap din siya. Alam kong mami-miss ko rin siya

Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin  "I miss you already"

"Tapusin mo muna ang trabaho mo"

Gusto kong sumama siya pero magiging selfish ako kapag pinilit ko siya. Sapat na akin na makita ko siya at malaman na mami-miss niya ako

"Okay, wag mong kalimutang mag enjoy doon" sabi niya

"Don't show your skin because I already own it" Hinalikan niya ang pisngi ko "Be careful dahil wala ako doon para ipagtanggol ka"

"Umalis ka na, marami ka pang gagawin" I smiled

Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa labi. Halatang nagulat siya sa ginawa ko

"Goodbye" sabi ko at pumasok na sa bus

Buti nalang at walang nakakita sa amin. Tumingin ako sa labas ng bus pero mabilis na nawala si sean. Buti nalang at Walang nakakita sa amin. Pagkalipas ng ilang oras ay naka rating narin kami sa private resort ni sean

Agad na kumuha ng litrato ang mga kasamahan ko. Kami lang ang tao dito.  Agad kong napansin ang sobrang asul na dagat. May cabin at cottages. Masyadong developed ang lugar samantalang wala naman masayadong tao. Maybe sean wants this place to be peaceful

"Magandang umaga po" salubong ng mga caretakers sa amin

"Magandang umaga din po"

"Every one of you has its own cabin. Just pick your desired cabin and enjoy" sabi naman ng isang caretaker

"Okay po" sabi ni kim

Naglakad naman kami sa kanya kanyang cabin namin. Magkalapit lang ang mga cabins namin kaya ayos lang

"Saan ba ang mga boys dito? Akala ko pa naman mag kaka-boyfriend na ako dito" sabi ni stef

"Me too, I thought maraming hotties dito" sabi ni kim

"Magkita nalang tayo mamaya" sabi ko at pumasok sa cabin ko

Nang makapasok na ako sa cabin ko ay agad kong binuksan ko. I need to change my outfit. Biglang nagsalubong ang kilay ko nang makitang pajama ang laman ng bag

Inilabas ko lahat ng damit ko at nagulat ako nang makitang puro pajama, mahabang tshirt, jogger at track pants ito

"I know I was right" I gritted my teeth in anger

Pinalitan ni sean ang nga damit ko. Wala ngang natirang two piece sa bag ko. Talagang ayaw niyang may makakita sa katawan ko

Natigil ang pag-iisip ko nang may marinig akong kumatok. Binuksan ko ito at nakita ko si kim

"Anding, matutuwa ka sa ibabalita ko" masayang sabi niya

"Ano naman yun?"

"We invited some men to join us, I know I'll be fun"

"Baliw ka ba" alam kong magagalit si sean kapag malalaman niyang may mga lalaking pupunta dito

"Wala ka ng magagawa, on the way na sila" sabi niya

Wala na akong nagawa at lumabas ng cabin. Nasa labas narin ang mga kasama ko at naghihintay sa tabi ng dalampasigan

"We're excited na" sigaw ni stef

Naghintay rin kami sa gilid ng dalampasigan at pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang mga lalaking nirentahan daw nila at may dj pa na kasama. Sinet-up na ng dj ang mga speakers at kasunod 'nun ang malakas na tugtugan

"Party!" sigaw ni kim at nagsimula nang sumayaw

Umorder din sila ng vodka at sinimulan itong inumin. Sumasayaw ang lahat habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila. Hindi ako pwedeng uminom kasi nakakasama kay baby. Kung papipiliin ako kung ano ang gusto kong bakasyon, I would choose sean and date with him

"Bakit ka ba tahimik anding?" lumapit si kim sa akin

"Masama ang pakiramdan ko" pagsisiungaling ko

"Wait beh, ikukuha kita ng gamot " sabi niya at bumalik ulit sa pagsasayaw

Hanggang sa lumipas ang gabi ay hindi parin sila tumitigil sa pag-inom. Malakas parin ang musika at marami paring nagsasayawan

Alam kong malalagot talaga ako ni sean kapag nakita niya ito. Pinili niya ang lugar na ito dahil wala masyadong tao, especially mga lalaki, pero hindi ko aakalain na mag-iimbeta pala si kim ng mga sakit ng ulo dito

Lumapit naman sa akin si denise at nginitian ako "How are you?"

"I'm fine" sagot ko

"It's already late, dapat magulog ka na. Nakakasama yun sa bata"

"Oo nga e, inaantok na ako"

"Matulog ka na, ako na ang bahala na magpaliwang sa kanila"

"Thank you" I smiled at him

Kinusot ko ang mata ko at pumasok na sa cabin. Nahiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdan ko

"Andrea"

Hindi ko namalayan na may lalaki palang tumabi sa akin. Bago ko pa masilip kung sino ito, ay agad na akong nakatulog


_______

—🤫😱—

The Sectetary's Secret- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon