CHAPTER 33

22.9K 406 13
                                    


ANDREA'S POV

"Anding, bakit ka ba nakasuot ng shades? May pinag tataguan ka bang utang?" tanong ni kim

"Wala lang, bagay kasi sa suot ko" I lied

"Parang mas bagay sa akin yan" sabi niya at lumapit sa akin

Mabilis niyang kinuha ang salamin ko at hindi ko na siya napigilan. Agad naman siyang napanganga ng makita ang mata ko

"Kinagat ka ba ng bubuyog, anding? Bakit namamaga ang mata mo?" bulalas niya

"Eyebags lang to" sabi ko

"Umiyak ka ba?" tanong niya

"Bakit naman ako iiyak? Wala naman akong boyfriend"

"Oo nga naman, kukuha lang ako ng ice para sa mata mo" sabi niya at umalis

Pilit akong ngumiti at pinagpatuloy ang trabaho ko. It's been 3 days ng makipag hiwalay ako sa kanya. Gabi gabi akong umiiyak. I feel guilty dahil ako lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako pinapansin

"Natatakot na akong itanggi mo ulit. Ikinahihiya mo ba ako?"

Yun yung mga katagang ayaw maalis sa utak ko. Nasaktan ko na naman si sean, pero hindi na ako pwedeng humingi ng tawad sa kanya kasi ako mismo ang humiwalay sa kanya

Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko. Ngayon lang ako nagsisisi sa ginawa ko, pero hindi ko na mababawi yun

"Good morning, sir" agad kong pinahid ang luha ko ng makita si sean

Saglit siyang tumingin sa akin at bumalik rin agad sa pinanggalingan niya. Medyo nakaramdam ako ng hiya kasi alam kong nakita niya ang pamamaga ng mga mata ko. Pero wala akong makitang reaksyon sa mukha niya at parang wala na naman siyang pakialam sa akin


SEAN'S POV

Papasok na sana ako sa office ko nang biglang magsalita si andrea. Tumingin ako sa kanya pero agad ko din naman itong binawi

"Good morning, sir" bati niya sa akin

Agad kong napansin na namamaga ang mga mata niya pero hindi ko pinapahalata na nag-aalala ako sa kanya. Kung alam niya lang na kung gaano ko siya ka gustong hawakan at yakapin

Hindi na ako nagsalita at bumalik kung saan ako nanggaling. Pumunta ako sa supply office kung nasaan nakalagay ang mga tissues

Oo, hiwalay na kami pero may karapatan parin naman akong mag-alala sa kanya diba? Call me pathetic, pero gusto ko paring alagaan siya kahit hiwalay na kami

"Bakit kaya siya umiiyak? Dahil ba sa akin?"

Mahina kong ipinilig ang ulo ko dahil sa kabaliwang naiisip ko. Impossible. Hindi siya makikipag-hiwalay sa akin kung mahal niya pa ako kaya imposibleng masaktan siya

"Anong ginagawa mo dito, sir?" tanong ni kim na may hawak na isang tela

"I uhm- kasi-" bigla akong nautal dahil sa tanong niya

"Sir?"

"I am going to give it to andrea" sabi ko

"Oo nga sir, namamga nga yung mga mata niya e" paliwanang niya

"Yeah" sabi ko at iniwan na siya

I don't really like talking to other people except andrea. I don't know but I am comfortable when she is always with me

Nang papalapit na ako sa office ko ay may narinig akong nag-uusapan. Bigla akong nakaramdam nang pagkadismaya nang makitang binigyan na ni denise si andrea nang tissue

Nang tumingin sa akin si andrea ay agad kong tinapom amg tissue na hawa ko at nagmamadaling pumasok sa office ko. Bakit parang masaya parin siya? They look happy together and it really irritates me

Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Parang ano mang sandali ay bubuhos na naman ang luhang pinipigilan ko. Tapos na akong umiyak kagabi, iiyak parin ba ako ngayon?




ANDREA'S POV

Pagktapos naming mag-usap ni denise ay nilapitan na naman ako ni Kim. Malapad ang mga ngiti nito habang nakatingin sa akin

"Aminin mo anding, ginaya mo ba si sir?" ngising asong tanong niya sa akin

"Hindi noh" Bigla akong kinabahan. Baka nalaman niya na may relasyon kami dati ni sean

Tinuro niya ang tissue na hawak ko "Bigay yan ni sir diba? Aminin mo na"

"Binigay to sa akin ni denise" binigyan kasi ako ni denise kanina ng tissue

"Akala ko si sir ang nagbigay, kumuha kasi siya ng tissue kanina at sabi niya ibibigay niya sayo" kinamot niya ang buhok niya

"Imposibleng manyari yun"

Ayaw niya nga akong tignan. Wala na siyang pakialam sa akin kasi hinawalayan ko na siya

"Oo nga, si sir yung tipo ng tao na walang pakialam sa babae" sabi niya

"Heres the eyes, gamutin mo yang mata mo" sabi niya at binigay ang ice na nakablot sa tela

Ngumiti ako "Thank you"

"No worries" sabi niya at umalis na

Sa buong maghapon ay wala ako sa sarili ko. Palagi kong iniisip si sean na hanggang ngayon ay hindi parin lumalabas sa office niya. Hindi siya kumain ng breakfast at lunch, marami ba siyang trabaho?

Gusto kong humingi ng tawad sa kanya pero alam kong mapapahiya lang ako. Nagalit agad ako sa kanya nang hindi man lang inaalam kung bakit hindi niya ako pinapansin. Kasalanan ko ito kaya dapat pagsisihan ko ito

Tatanggapin niya parin ba ako? Parang mababaliw na ako sa kakaiisip sa anong pwede kong gawin. Paano niya ba ako mapapatawad?

The Sectetary's Secret- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon