ANDREA'S POVNasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho ko nang biglang sumulpot si sean sa harapan ko. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko
"Nakakadami ka na ng kiss ngayong araw na ito, sean" pinandilatan ko siya ng mata
"So what? Girlfriend naman kita"
Inirapan ko siya "Anong kailangan mo?"
"Let's have a dinner tonight. Sa favorite restaurant ko, ayos lang ba?" bakas sa mukha niya na kinakabahan siya
Bigla akong kinabahan "What? I need to prepare. Kailangan ko pang ayusin ang sarili ko"
"Wag mo na masyadong pagandahin ang sarili mo. Ayaw ko na may marami akong kaagaw sayo"
Tumayo ako at niyakap siya. Nasa office niya kami kaya walang nakaka kita sa amin "Please? I need to impress you"
Ayaw ko kasing mag mukhang yaya sa tabi niya. Si sean kasi yung tipo ng tao na kahit simpleng damit at jeans lang ang suot, makakaagaw parin ito ng atensyon
Ngumiti naman siya at hinalikan ang leeg ko "Okay, umuwi ka nalang muna"
"May trabaho pa ako" sagot ko
"Si Dina nalang ang bahala don. Ayaw kong mapagod ka"
Tumango ako. Medyo nahihilo na din kasi ako. Ewan ko ba pero madalas akong mahilo nitong mga nakaraang araw
"Gusto mong ihatid kita?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko
"May meeting ka pa. Stay here, magkikita naman tayo mamaya"
Ngumiti siya "Okay honey"
Pinisil ko ang pisngi niya "Be a good boy, okay? Wag kang makipag-away habang wala ako"
Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na ako sa office niya. Nang makarating kami sa lobby ay bigla na naman akong nahilo. Bigla akong napahamak sa tiyan ko nang bigla itong sumakit
"I need to go home" yun lang ang nasabi ko bago ako mawalan ng malay
___
Bigla akong napabalikwas ng bangon nang may narinig akong nagsasalita. Nagulat ako nang makita kong nasa hospital na ako
"Are you okay?" tanong ni denise at lumapit sa akin
Tumango ako "Anong nangyari?"
"Nahimatay ka, buti nalang at nakita kita"
Lumapit naman sa amin ang isang doctor. May ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa amin
"Congratulations misis, your pregnant" sabi ng doctor
Bigla akong namutla sa sinabi niya. Hindi pwedeng mangyari yun. Hindi alam ni sean na may nangyari sa amin. Sekreto yun na hindi niya pwedeng malaman
"Hindi pwedeng mangyari ito" nag-umpisa nang tumulo ang luha ko
"Ang pagkahilo mo ay dala lang ng pagbubuntis mo, the baby is very strong" sabi ng doctor at umalis
"Kay Mr. Maratinez yan, tama ba?" tanong ni denise
Napatingin ako sa kanya "Paano mo nalaman?"
"Dahil gwapo ako" naka ngising sabi niya
Bigla naman akong natawa sa sinabi niya "Oo, ang gwapo mo kapag nakatalikod ka"
Hinimas niya ang buhok ko "Just smile, okay? Alam kong mapapalaki mo ng maayos ang bata"
Kahit si denise, alam na hindi kami para sa isa-isat ni sean. Alam kong may mahal talaga si sean at hindi ako yun. Kaya susulitin ko ang bawat minutong kasama ko pa siya
"Anong oras na?" tanong ko nang maalala na may dinner pa kami ni sean
"It's 11:45 pm"
"Kailangan kong puntahan si sean" sabi ko at umalis sa hospital bed
7 pm ang usapan namin pero malapit ng maghating gabi. Sigurado akong malalagot na naman ako sa kanya
Hinawakan niya ang kamay ko "Hindi pwede, bukas ka pa palalabasin ng doctor"
"May dinner kami—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla na namang sumakit ang ulo ko
Inalalayan niya akong humiga "Wag matigas ang ulo, ayaw mo nun? May gwapong magbabantay sayo"
"Kung ikaw lang din naman ang gwapong magbabantay sa akin, wag nalang. Mas mabuti pang mag-isa"
"Masakita yun ah" sabi ni denise at umaktong nasasaktan
Napabuntong hininga nalang ako. First date namin sana ito ni sean pero hindi natuloy dahil sa akin. Hindi naman siguro siya naghintay sa akin ng matagal diba?
SEAN'S POV
Maaga akong pumunta sa restaurant kung saan kami kaain ni andrea. Alas sais palang ay nandito na ako. I rented the whole place kaya walang ibang tao kundi ako at ang mga waiters lang. I feel so anxious rignt now. Pawis na pawis ako pero sobrang lakas naman ng aircon. Iniisip ko palang na ito ang first date namin ni andrea, parang sasabog na ang utak ko sa tuwa
"Do you want to order something sir?" tanong ng waiter sa akin
Tumingin ako sa kanya "I'm waiting for someone"
"Just call us sir when you need something" sabi niya at umalis
Tumango lang ako habang iniisip parin so andrea. Ano kayang isusuot niya? Kinakabahan kaya siya katulad ko? Sigurado akong sobrang ganda na naman niya ngayon
8:30 pm
Saan na kaya siya? Baka na traffic lang. I am sure hindi na siya mapakali ngayon
9:10 pm
Gutom na ako. Hindi naman siguro niya nakalimutan ang date namin diba? Hindi naman siguro niya ako tinulugan diba?
10:45 pm
"Would you like to try our main dish, sir?" tanong sa akin ng isang waiter
"May hinihintay ako"
"How about dessert, sir? Mr. Lavin made a very special cake just for you"
"Wala ako sa mood para kumain" bored na sabi ko
11:45 pm
Wala naman sigurong nangyaring masama sa kanya diba? Damn! I feel so stupid sitting here all alone. I'm still hoping for her to come. My gosh, nagiging tanga ako dahil sa kanya
Ayos lang ba siya? Nag-aalala na ako sa kanya. I texted her but she didn't text back. I'm getting paranoid her
12:35 pm
"We're closing, sir" salubong sa akin ng manager
"Okay" sabi ko at tumayo
"Thank you for renting the whole restaurant, sir"
Hindi ko na siya pinansin at lumabas ng restaurant. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si andrea. Ilang ring lang ay sinagot niya na ito
"Are you okay? What happened?" nag-aalalang tanong ko sa kanya
"Natutulog pa siya" bosses iyon ng lalaki
"Who's this mother fucker? Nasaan si andrea?" galit na tanong ko
"Si denise po ito. Nasa hos—"
Hindi ko na siya pinakinggan at pinatay ang tawag. Sana sinabi nalang niya na hindi siya pupunta para hindi na ako nag-mukhang tanga
BINABASA MO ANG
The Sectetary's Secret- Completed
Romance"You're mine andrea at pagsisisihan mo ang pagtago mo ng sekreto sa akin"