Chapter 3

390 74 49
                                    

JADE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JADE

"Yelnut? The school of geeks?" tanong ni Roan sa sarili.

School of geeks??

"Don't tell me you're hunting there?" hindi makapaniwalang tanong ni Dana.

School of geeks? Hindi kaya sobrang talino na nito? Nang galing ba naman sa school na puro nerd, but if he studied there, what could be the reason he transferred here?

Argh! Gusto ba talaga ako ipatapon ng tadhana sa ibang bansa? Bakit ba kailangan pa magtransfer ng isang iyan dito? G r r.

"Well, geeks are good kissers and perhaps they are good in bed too," nanlaki ang mata ni Dana sa sinagot nitong gagang Roan, tinapunan ko naman siya ng masamang titig.

"What? I'm just joking," pagtapos iyon sabihin ni Roan ay itinuon na niya ang tingin sa librong nasa harapan niya.

"You may take your seat, Mr. Carter."

Matapos maupo ng nerd na iyon, ay nagsimula na mag discuss si Mrs. Ramon, our History teacher. Sa likod ko naupo ang transfer student dahil doon lang naman may bakante.

Tss, naiinis ako sa presence niya ewan ko ba. Basta! Hindi tuloy ako makapag focus dito sa tinuturo ni Mrs. Ramon. Ugh, ewan ko na lang kung anong kalalabasan ng quiz ko rito mamaya. Hindi ako makapag concentrate, feeling ko kasi pinag mamasdan ako nitong nerd na nasa likuran ko. Bakit? Ngayon lang ba siya nakakita ng maganda sa buong buhay niya? Psh.

Arg. Jade, focus on your study! H'wag kang eengot-engot dyan at baka madaig ka ng transferee na 'yan, baka bumagsak ka talaga sa abroad.

Natigil si Mrs. Ramon sa pagsasalita sa harap nang may dumating na estudyante at kinausap siya. Ano naman kaya ang pinag uusapan ng dalawang 'yon? Ay ewan!

Kailan ka pa naging chismosa ha, Jade? G r r.

Binalik ko na lang ang tingin sa librong hawak ko at nagbasa-basa ng kaunti. Oo unti lang kasi wala talagang pumapasok sa isip ko.

"Hi!" nilingon ko si Roan, and guess what? Nakatingin lang naman siya sa likod ko na may malawak na ngiti sa labi.

Shocks. Don't tell me na interested siya sa nerd na 'yan? Ano 'yan Roan, kung sinu-sino na lang?

"Hello," rinig ko namang bati ng lalaki sa likod ko.

In fairness ha ang ganda ng boses niya. I mean, hindi mo aakalaing nerd kapag boses lang ang narinig mo at hindi mo pa nakikita ang itsura niya. Hindi ko alam kung paano ba ipaliwanag pero basta parang ang sexy. Kailan pa ba ako naging interesado sa boses ng lalaki? Arg.

"I'm Roannae Ignacio but you can call me Roan and these are my best friends, Jade Madison Austrelle and the other one is-" hindi na natuloy ni Roan ang sasabihin nang si Dana na mismo ang magpakilala sa sarili niya.

Blue Eyes Queen (Eyes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon