Chapter 17

211 19 13
                                    

JADE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JADE

Naka-uwi na ako't lahat-lahat, 'yun pa rin ang nasa isip ko; ang video na paghahalikan ng isang babae at lalaki. Ang daming taong nakasaksi ng videong iyon. Ayaw ko man paniwalain ang sarili ko pero wala akong magawa kun'di maniwala sa mga nakita ko.

Paano ko kukumbinsihin ang sarili ko na hindi si Roan at Nerd ang nakita ko roon, kung mismong dalawa kong mata ang nakakita? Hindi naman pwedeng kamukha lang 'yun ni Roan at Nerd para pahiyain ako ni Roxanne sa maraming tao.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko, kaibigan ko ang naroon at ang isa naman ay ang fiancé ko. Damn. Kung gusto naman nila ang isa't isa bakit hindi na lang ipaalam sa'kin? Kaya ba naitanong ni Nerd noong nakaraan kung gusto ko bang itigil ang kasal namin, dahil sa kanilang dalawa ni Roan? If that's the case, sana sinabi niya! Hindi 'yung pinagmumukha niya akong tanga!

"Aish!" Nagulo ko na lang buhok ko dahil sa inis. Ewan ko ba. Feeling ko pinagka-isahan ako.

"I'm here, lying on this bed with the pillow on my face. God, I don't know what to do, I don't know what to think!"

Ang sabi ni Roan kanina, hindi namin kilala ni Dana ang kinatagpo niyang lalaki. But it turns out that the person she met is my fiancé. It is my goddamn fiancé!

TOK! TOK! TOK!

"WHAT?!" kasabay ng pagsigaw ko ay ang paghagis ko ng unan na nakatakip sa mukha ko kanina papunta sa pintuan na nakasara.

"I bought you an ice cream," sabi ni Nerd.

Napairap na lang ako sa kawalan at tumagilid ng higa. Nakatalikod na ako ngayon sa pintuan. Bahala siya riyan! Bumili ba siya ng ice cream para pampalubag loob? Duh, as if na mauuto niya ako.

"Jade..." mahina ang pagtawag niya sa pangalan ko pero dinig na dinig ko ito. "Let's eat."

Bakit hindi si Roan ang yayain niya kumain? At pwede naman siyang kumain nang hindi ako kasabay. Isa pa, wala akong gana kumain ngayon, kahit wala akong paki sa mga nakita ko kanina.

TOK! TOK! TOK!

"Leave me alone!" sigaw ko sabay takip ng kumot sa aking mukha. Kung akala niya, makukuha niya ako sa pagbili-bili niya ng ice cream, doon siya nagkakamali. Ano akala niya sa'kin, uto-uto? Pwe!

Nagising ako nang kumalam ang sikmura ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kanina. Napahawak na lamang ako sa aking tiyan nang muli itong tumunog. Geez, parang walang kalaman-laman itong tiyan ko. Ang gaan e!

Anong oras na ba?

Tumingin ko sa wall clock at doon nakita kung anong oras na. Alas siyete na pala ng gabi. Napahaba ata ang tulog ko? Anong oras ba ako nakatulog? Hay ewan. Tumayo na ako at binuksan ang pintuan ng kwarto. Bumaba ako at dumiretso sa kusina, hindi ko napansin sa sala si Nerd. Baka nakipagdate na iyon kay Roan. Ayos lang, wala naman akong paki.

Blue Eyes Queen (Eyes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon