Chapter 36

226 15 4
                                    

JADE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JADE

Dahan-dahan kong ibinuklat ang dalawa kong mata at ang unang bagay na bumungad sa akin ay ang puting kisame. Naramdaman ko na may nakahawak sa kanang kamay ko kaya tinignan ko iyon. Si Mama, she's sleeping beside me, holding my hand. As I shift my gaze around, I suddenly realize that we're in the hospital.

Anong ginagawa ko rito?

Muli kong ipinikit ang mga mata ko at pilit inaalala ang nangyari.

Pumunta ako sa company, may dalang pizza, pumasok sa isang kwarto, nakita ko si Efraim na may kahalikan, hinila niya ako, nagtalo kami, pinaandar niya ang sasakyan hanggang sa nagpumilit ako bumaba. May nakakasilaw na bagay, isang truck, pag-alog ng malakas ng sasakyan, pagyakap sa akin ni Efraim, dugo... maraming dugo. Si Efraim!

Napabangon ako mula sa paghiga dahilan para magising si Mama. Tumingin sa akin ang mata niya na puno ng pag-aalala, lungkot at awa. Muli kong nilibot ang tingin at bigla na lamang tumulo ang luha ko nang hindi makita sa paligid si Efraim. Nasa isa akong private room at wala roon si Efraim.

Tumayo si Mama. "Kumusta ang pakiramdam mo, Jade? May masakit ba sa'yo? Bakit ka umiiyak? Tatawagin ko ang doctor," sunod-sunod na tanong niya. Aalis na sana siya nang hawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

"Ma, si Efraim?" nanginginig ang kamay at boses ko nang tanungin siya. Muling nagbanta ang luha sa mga mata ko nang tahimik lamang si Mama na nakatingin sa akin.

Hindi siya sumagot. Niyakap niya lamang ako at doon ako humagulgol. Hinahaplos niya ang buhok ko na punong-puno ng pag-iingat.

Gusto kong makita si Efraim. Nasaan siya? Bakit wala siya sa tabi ko? Okay lang ba siya? May nangyari bang masama sa kaniya?

Sandali kong nalimutan ang pinag-awayan namin ni Efraim dahil sa pag-aalala. Sana ayos lang siya. Ayos lang siya hindi ba? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kan'ya.

Bumukas ang pintuan at doon pumasok sina Mom, Daddy at ang Doctor. He checked on me, may tinurok sa akin ang nurse pagtapos ay lumabas sila kausap sina Mama, Mommy at Daddy, habang ako ay patuloy sa pag-iisip ng kalagayan ni Efraim.

Bumukas ulit ang pintuan at pumasok sila Mama roon. Diretso silang pumunta sa akin. Niyakap ako ni Mommy, gano'n din si Daddy. Samantalang si Mama naman ay pinagmamasdan lamang kami.

"My, Dy, where's Efraim? Is he alright?" tiningala ko sila at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"He will be okay, don't worry," sabi ni Daddy at hinaplos ang pisngi ko.

He will be okay? Bakit? Anong nangyari sa kaniya?

Umiling ako at tinanggal ang dextrose na nakakabit sa akin.

"Jade!" sabay na sigaw nina Mama at Mommy. Nagulat sa biglaan kong ginawa.

Bumangon ako. "Pupunta ako kay Efraim. Nasaan siya?"

Blue Eyes Queen (Eyes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon