Chapter 33

151 13 0
                                    

Share your thoughts!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Share your thoughts!

***
JADE

"You're an adopted child, Jade."

Umiling ako. No. Hindi 'yan totoo.

Umismid ako. "What kind of joke was that, Mom?"

Naramdaman ko ang dahan-dahang paghaplos ni Efraim ng kaniyang palad sa balikat ko. Naniniwala kaya siya sa sinasabi ni Mom?

Si Daddy ay seryoso lamang na nakatingin kay Mommy na ngayon ay nakatakip ang mukha gamit ang kaniyang palad. Umiling lamang siya sa akin habang patuloy sa pag-iyak.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Nag-init ang gilid ng mga mata ko. Sumakit din ang ilong ko hudyat na may tutulo na naluha sa mga mata ko. Damn.

"Dad," nanginginig ang boses kong tinawag si Daddy para kumpirmahin ang sinabi ni Mommy.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang tumango si Daddy sa akin. Hindi ko man utusan ang mga luha kong lumabas ay kusa na silang nagsilandas. Tulala lamang ako kina Daddy at Mommy. Nang manlambot ang mga tuhod ko ay akala ko babagsak na ako sa sahig, ngunit sinalo ako ng bisig ni Efraim at isang mainit na yakap ang natanggap ko galing sa kaniya.

Hinahaplos haplos niya ang aking buhok habang ang isa niyang kamay ay nasa likod ko. Lalo pa akong napa-iyak, hindi ko na napigilan pang yakapin si Efraim para humigpit pa lalo ang yakap niya.

"Hush, baby," bulong sa akin ni Efraim.

Inabot pa ata kami ng isang oras na gano'n bago kami mahimasmasan. Pinaupo kami nila Mom sa sofa sa kanilang kwarto, habang silang dalawa ni Dad ay nanatiling nakatayo sa aming harapan. Ramdam ko ang hapdi ng mata ko at bigat ng talukap ko. Sinipon na rin ako dahil sa pag-iyak.

Nanatiling nasa likod ko ang kamay ni Efraim, ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi ako makatingin pabalik. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

"Jade-"

"Who's my biological parents?" pinutol ko agad ang sasabihin ni Mom nang hindi siya tinitignan.

I want to know who's my parents. Bakit nila ako pinaampon? Alam ba nilang nasa puder ako nina Mom at Dad? Kumusta na sila ngayon? Ni minsan ba kinausap nila sila Mommy para itanong kung kumusta na ako? Naaalala pa ba nila ako? Damn. Too many questions in my damn mind.

Nag-angat ako ng tingin sa dalawa nang hindi sila sumagot. Nakayuko ang ulo ni Mommy at pinaglalaruan ang kaniyang daliri. Si Dad naman ay parang hinihintay na sumagot si Mommy sa tanong ko.

Oh, damn. Allowed pa ba akong tawagin silang Mommy at Daddy gayong hindi ko naman pala talaga sila tunay na parents? How about Jeil? Does he know about this?

"Mo-" I stopped halfway. "I don't know what to call you anymore. Just answer my question. Ayoko nang ulitin pa ang tanong ko."

"Jade..." bulong sa akin ni Efraim.

Blue Eyes Queen (Eyes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon