Chapter 18

234 20 2
                                    

JADE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JADE

We headed straight home before going to the restaurant. Naturally, we needed to change out of our uniforms; we couldn't go there dressed like that. I opted for the red fitted dress, paired with my 3-inch red sandals, and left my long hair loose. I also applied some lip balm to avoid looking too pale. When I was ready to leave, I descended to the living room to meet the nerd. As I walked down the stairs, he was looking at me. My eyes narrowed at his outfit—what the heck did I just see? He was simply wearing a plain white t-shirt with gray jeans and white rubber shoes!

Todo ayos ako rito tapos ganiyan lang ang susuotin niya? Sino ba kasing may sabi na mag-ayos ka, Jade?

Arg! Inirapan ko siya hanggang tuluyan na akong makababa at makalapit sa kaniya. I crossed my arms and looked at him from head to toe.

"Bakit ganiyan ang suot mo?" sabay naming tanong sa isa't isa.

E? Anong ibig sabihin ng lalaking 'to? May mali ba sa suot ko? 

Tiningnan ko ang suot ko at napansin na wala namang mali. Kung may mali sa suot naming dalawa, sa kaniya talaga ang may mali! Date ba talaga ang pupuntahan niya? No'ng silang dalawa ni Roan ang nag coffee date ang ayos-ayos ng suot niya. Tsk!

"Wala namang problema sa damit ko ah!" sabi ko at nilagay sa magkabilang baywang ko ang aking mga kamay. "E ikaw bakit ganiyan ang suot mo? White plain t-shirt? Really?"

"Anong problema sa white?" tanong niya na mukhang wala talagang ka alam-alam na he's wearing such simple clothes.

"Duh, change that!" I rolled my eyes 360 degrees and sat on the couch while his gaze followed my moves.

"Mukhang ikaw dapat ang magpalit ng damit. Gusto mo bang mabastos?"

"So what? Naroon ka naman." huli na nang ma-realize ko ang sinagot ko sa kaniya. Mukhang pati siya ay nabigla sa sinagot ko dahil natahimik siya.

Tumingin ako sa kaniya na hindi nagpapahalata na gusto kong bawiin ang sinabi ko. Nang tumama ang titig namin sa isa't isa, agad siyang nag-iwas ng tingin at ginalaw ang tungki ng salamin niya.

Tumikhim siya bago ko marinig siyang magsalita. "Kahit na." 'yun lamang ang sinagot niya at hindi na siya humarap pa sa'kin.

Nagtagal ng limang minuto ang pagiging tahimik namin at mukhang wala ni isa sa'min ang may balak na magpalit ng damit. Nakakainis naman 'tong lalaking 'to! Sa huli, ako na ang nagparaya. Wala namang mawawala kung magpapalit ako ng damit. Tsk, sayang pa rin 'tong suot ko.

Bumuga muna ako ng hangin bago tumayo mula sa pagkaka-upo sa couch. "Magpapalit na ako," sabi ko bago siya lagpasan.

Pahakbang pa lang ako sa hagdan nang magsalita siya. "Wear this one."

Nilingon ko siya. May hawak siyang t-shirt na kulay peach at inaabot niya sa akin 'yun. Kinuha ko ang t-shirt na kulay peach. Binuklat ko ito at nakita ko ang disenyo sa t-shirt. May padlock na maliit sa bandang kaliwa, sa dibdib mismo nakatapat. Ang cute! Binalik ko ang tingin sa kaniya at agad na naman siyang nag-iwas ng tingin. Seriously? Ayaw niya ba makita ang pagmumukha ko?

Blue Eyes Queen (Eyes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon