Chapter 19

210 19 1
                                    

JADE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JADE

"So, what's with your 'dear'?"

Nilingon ko ang Nerd na nagsalita sa gilid ko na ipinatong ang relo niya sa side table ng bed.

Katulad ng sinabi ko kanina, malapit lang sa bahay namin ni Nerd ang kinainan naming restaurant kanina, kaya narito na kami ngayon sa bahay. Inayos ko lang kaonti ang kumot sa higaan bago umupo at tanggalin ang rubber shoes ko, pagtapos ay saka ko siya tiningan.

"Narinig ko lang 'yun sa mag-girlfriend at boyfriend sa daan kaya ginaya ko," sagot ko sa tanong niya. Humiga ako sa kama saka nag-unat. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit pero ayos lang hindi naman ako amoy pawis.

"Bakit mo ginaya?" tanong ulit niya.

Ang dami namang tanong ng isang 'to! Feeling niya ba may gusto ako sa kan'ya? Psh. Sinamaan ko siya ng tingin pero siya naman ay tinanggal ang t-shirt niya kaya napatalikod ako sa kaniya. Bwiset 'to, harap-harapan pa talaga?

"Hoy, Nerd, kung iniisip mo na may gusto ako sa'yo pwes nagkakamali ka!" I paused when I felt the sudden moved of the bed. "S-sinave lang kita 'no! Halata naman kasing 'di ka komportable sa babaeng 'yun," sabi ko saka humarap sa kaniya.

"Oh, really?" tanong ulit nito na parang hindi kumbinsido sa sagot ko. Mayro'n pa siyang ngiting naka-ukit sa mga labi niya na tila nang-aasar. Ano bang gusto niyang isagot ko sa kaniya?

"Mukha ka kasing usa kaya 'yon ang ginamit ko pang tawag sa'yo. Ang weird nga kasi endearment 'yon ng magkasintahan na dumaan sa gilid ko kanina," saad ko.

"You mean, ang pagkakaintindi mo sa ginamit nilang endearment is D-E-E-R and not D-E-A-R?" tanong niya.

Tumango ako. "Yeah. Anyway, you should be grateful kasi tinulungan kita."

He chuckled. "Talaga?"

"Oo nga! Paulit-ulit ba tayo?" inirapan ko na lang siya saka nagtalukbong ng kumot. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya pero hindi ko na lang pinansin 'yun dahil naiirita ako. Hindi ko alam kung nang-aasar siya o nang-aakit sa pamamagitan ng pagtawa niya.

Lagi na kami magkatabi matulog ni Nerd pero syempre may unan naman sa pagitan namin. Buti na nga lang hindi siya 'yung mapansamantalang lalaki, dahil never niyang tinanggal ang unan na nasa gitna naming dalawa at never din siyang may ginawa sa akin na kakaiba, you know, r*pe.

[NEXT DAY]

Bakit parang ang bilis naman ng araw? Exam na namin bukas! Parang wala nga akong natutunan ngayon dahil puro pa self-study ang pinagagawa sa amin ng mga teacher ngayon. Ghad, tapos may tongue twister pa na i-re-recite bukas bago mag-take ng test paper. Bibigyan daw kami ng copy at kami na ang bahala na pumili kung alin doon ang i-re-recite namin. Kapag wala kaming na-i-recite, wala kaming test paper, wala kaming exam at wala rin kaming grade!

Hindi na nga kami natuturuan ng maayos, kung anu-ano pa ang pinapagawa sa amin. Tsk. I-reklamo ko kaya ang paaralan na 'to, pati ang mga prof na wala nang ginawa kun'di magpa self-study. My ghad, pinapasakit nila ang ulo ko.

Blue Eyes Queen (Eyes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon