Chapter 13

261 38 31
                                    


JADE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JADE

"May something talaga sa inyo ni Efraim 'no?" pangungulit ni Dana sa akin.

Nakabalik na kami ngayon sa classroom at ito, nangungulit sila sa'kin dahil lang sa hinila ko si Nerd palayo sa crowd kanina. Dapat bang hindi ko na lang ginawa iyon? G r r. Bakit ko ba kasi ginawa 'yon? Arg.

"Tigilan niyo 'ko, pwede?" bakit ba kasi ang tagal dumating ng prof namin? Tss.

"Hindi pwede, hangga't 'di ka umaamin" sagot ni Roan.

Hindi na lang ako sumagot at kunwari ay nagbabasa na lamang ako ng libro. Wala naman talagang something sa'min 'di ba? Wala naman kaming feelings sa isa't isa, pinagkasundo lang naman kami.

"What the hell, Dana?" ani ko dahil hinila niya ang libro na kunwari ay binasa ko kanina. The hell, hindi ba nila ako titigilan?

"Sagutin mo muna kasi tanong namin," ani Dana saka niyakap ang libro ko. Pareho pang umupo sa lamesa ko ang dalawang babaita na 'to.

My ghad, ano bang gagawin ko sa dalawang ito?

"Fine. Akin na muna 'yan!" pagsuko ko. At akmang aabutin ko ang libro ko nang iniwas naman ito ni Dana. Fuck, kung hindi ko lang talaga 'to kaibigan baka nasabunutan ko na 'to.

"Sagot muna."

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "I'm still inlove with Jordan, okay? Kaya walang something sa amin ng nerd na 'yun, at pwede bang akin na iyang libro ko bago pa kita masabunutan ha, Dana?"

Hindi naman na siya nagdalawang isip pa na iabot sa akin ang libro. Pag-abot niya sa akin ng libro, agad ko itong binuklat at pinilit i-focus doon ang atensyon ko. I lied. Damn, wala na akong feelings kay Jordan at aware ako roon. Iyon lang ang alam kong pwedeng isagot kaya iyon ang sinabi ko para matigil na sila.

"Oh, kanina ka pa riyan, Efraim?"

Agad umangat ang tingin ko dahil sa narinig na sinabi ni Roan. Walang anu-ano ay lumingon din ako sa likod ko.

Nakatayo si Efraim at nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang umiwas at umupo sa likuran ko. Bakit parang naguguilty ako sa sagot ko at sa nalaman pang narinig iyon ni nerd? Damn.

Nag-iwas na rin ako ng tingin nng saktong pagkaupo niya. Tumayo na sa desk ko si Roan na mukhang lalapit kay nerd. Si Dana rin ay umupo na sa upuan niya at ramdam ko ang titig niya sa akin ngayon. Anong problema ng babaeng 'to? Sinagot ko na ang tanong niya 'di ba?

"May lakad ka ba mamaya, Ef? Want to have some coffee with me?" rinig kong aya ni Roan kay Nerd.

Nanatili lang ang tingin ko sa hawak kong libro, nagkukunwaring nagbabasa pero nakikinig talaga ako sa nag-uusap sa likuran ko.

Ah, so magdedate sila mamaya? K. As if I care. Kahit h'wag na rin umuwi si Nerd mamaya e.

"Ah sure," sagot naman ni nerd. H'wag na h'wag ka talagang uuwi mamaya!

Blue Eyes Queen (Eyes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon