Chapter 40

243 16 2
                                    

JADE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JADE

"Jade..." pinunasan niya ang luha niya at humarap sa akin. "Si Efraim..."

"Anong n-nangyari?" nanginginig kong hinawakan ang balikat ni Roan.

"Jade, si Efraim... gising na si Efraim!"

Umawang ang labi ko at dahan-dahang bumaba ang kamay ko mula sa braso ni Roan. Bumagsak ang luha ko dahil hindi makapaniwala sa sinabi ni Roan. Paanong...

Wala akong paalam na tumakbo palabas ng condo.

Was it true? Gising na ba talaga si Efraim?

Pagtunog ng elevator ay agad akong bumaba. Tumakbo ako papuntang parking pero naalala kong kay Jordan pala ang gamit na sasakyan.

Anong gagawin ko? Anong oras na, may taxi pa ba? Hindi naman nauubusan ng taxi 'di ba?

Damn. Umaapaw na naman ang luha sa mga mata ko. Malakas na kalabog sa dibdib at panginginig ng tuhod. Totoo man ang sinabi ni Roan o hindi, gusto kong makita ang kalagayan ngayon ni Efraim. I want to confirm it with my own eyes!

"Jade!"

Lumingon ako sa likod at nakita roon ang mga kaibigan ko. They are running towards me. Hinablot ni Jordan ang kamay ko at hinila ako papasok sa SUV niya. Sumunod naman ang iba pa. Mabilis na pinaandar ni Jordan ang sasakyan. Kulang na lang ay paliparin niya ito para lang mabilis kaming makapunta sa hospital.

"Who texted you, Roan?" Dana asked.

Roan bowed her head. "J-Jeil."

"Gosh. Jordan, wala na bang ibibilis?" reklamo ni Kinsley.

"Gusto mo bang maaksidente? Nagising nga si Efraim pero tayo naman ang papalit," sagot ni Jordan, salubong ang kilay at halatang kabado rin.

Napanguso na lang si Kinsley. Tumingin ako sa labas ng sasakyan habang patuloy ang pagluha.

Anong gagawin ko kapag gising na nga si Efraim? May mukha pa ba akong ihaharap sa kaniya, gayong alam ko naman kung sino ang dahilan kung bakit siya naratay doon? Damn.

Pinunasan ko ang luha ko nang makita na malapit na kami sa hospital. Madaling araw na at walang traffic kaya mabilis lang ang byahe, samahan mo pa ng mabilis na pagpapatakbo ni Jordan.

Agad na nag park si Jordan at dali-dali kaming bumaba roon. Agad nakita ng mga mata ko sila Mama na naghihintay sa lobby. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanila. Nang makita ako ay agad nila akong sinalubong ng isang mainit na yakap.

"Ma, si Efraim po?"

"Nilipat na siya. Kasama niya ang Tita Arlene mo." Hinawakan niya ang kamay ko at pinalis ang luha sa aking pisngi. Tumango siya sa akin bago ako niyaya na pumunta sa silid ni Efraim.

Nakasunod lang sa amin ang mga kaibigan ko, at doon ko lang naalala na kasama ni Mama si Jeil nang makita ko sila kanina. Lumingon ako sa likod at nakitang wala na roon ang dalawa—sina Roan at Jeil.

Blue Eyes Queen (Eyes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon