Prologue

797 92 33
                                    

PROLOGUE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PROLOGUE

"Nariyan na siya!"

"Pababa na!"

"Witwiw!"

"I'm excited to see my inspiration every day!"

"How to be her boyfriend? I want to apply!"

Binti pa lang ang kita sa babaeng pababa mula sa pulang sasakyan, pero puno na ng bulungan ang nasa paligid niya at alam na rin nila agad kung sino itong pababa mula sa pulang sasakyan. Sikat na sikat siya, paano nga bang hindi makikilala?

"She's so hot."

"May boyfriend na ba siya?"

"I want to be her husband someday."

"She's so gorgeous!"

Sunod lamang ang tingin sa dalaga ng mga estudyanteng nasa paligid niya nang makababa na siya sa kotseng sinasakyan niya kanina.

Parang model siyang naglalakad sa hallway na diretso lamang ang tingin.

"I want to be like her."

"How to be pretty as her?"

"She looks like a barbie!"

"She's pretty as always!"

Hindi lang puro kalalakihan ang humahanga sa kaniya, pati na rin ang mga kababaihan. Artista at prinsesa ang tingin sa kan'ya ng mga estudyanteng nakakasama niya sa campus dahil bukod sa mala artistahin niyang mukha at pangangatawan, matalino at talented din siya. Marami mang humahanga sa kaniya, hindi pa rin mawawala ang mga naiinggit sa kaniya.

Siya si JADE MADISON AUSTRELE mula sa mayamang pamilya. May mala artistahing kutis at pangangatawan, minsan pa ay napagkakamalan siyang may lahi dahil sa kulay asul niyang mata. Queen, iyan ang tawag sa kaniya ng karamihan sa mga estudyanteng nasa pinapasukan niyang eskwelahan. Isa siyang spoiled brat princess ng kanilang pamilya at iyan ang pagkakaalam ng mga estudyante. Sa campus nila ay maraming takot sa kaniya, walang nakakahawak sa kaniya maliban sa mga kaibigan niya dahil na rin sa angking niyang taray at pagiging matapang. Wala siyang kinatatakutan dahil siya ang kinatatakutan, pero sa kabila nang ganiyan niyang ugali, may mabuti rin naman siyang puso.

At dahil sa business ng kaniyang magulang ma-a-arrange siya sa isang kasalan na minsan ay hindi niya ginusto at hindi niya lubos na maisip na mangyayari. Ang masaklap pa, sa nerd siya maikakasal.

Ano na lang kaya ang sasabihin ng iba kung malaman nila iyon? Na ang isang sikat at hinahangaan ng lahat ay maikakasal sa isang nerd na si ELTON JOHN EFRAIM CARTER.

Blue Eyes Queen (Eyes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon