Chapter 5

316 66 30
                                    

JADE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JADE

"Jade, okay ka lang ba?" Dana asked. We're at the food court.

Kanina pa lutang ang utak ko, at kung mananatiling ganito ako baka hindi ko na maipasa ang exam bukas. Damn.

Hindi ko siya sinagot at pinaglaruan ko lang ang pagkain na nasa harapan ko. We're not with Jordan or his teammates dahil may training sila ngayon, mag eexam na nagtatraining pa rin sila? Psh. Grabe naman. Pero mas grabe 'yung ipakasal ka sa taong hindi mo naman kilala.

Hay, napabuntong hininga na lang ako sa naisip. Arg, bakit ba ito nangyayari sa'kin?

"Alam mo, girl kung may problema ka sabihin mo sa'min para saan pa't naging kaibigan mo kami?" taas kilay na sabi ni Roan sabay subo sa paborito niyang chocolate cake.

"Oo nga hindi 'yong sinasaksak mo ng tinidor yang Carbonara, kawawa naman."

Paano ko ba sasabihin sa kanila? Nahihiya ako, baka ano pang isipin nila. Iyong about nga sa gusto nina Mom na lagi ako nasa top, hindi nila alam, but I need their advance kaya mabuti na siguro na sabihin ko. Yes, we're bestfriend after all.

"I'm in an arranged marriage," saad ko. Kita ko ang pagkagulat sa mukha nilang dalawa. Akala ko ako lang ang magkakaroon ng gano'ng reaksiyon, hindi pala. Kaibigan ko nga talaga sila.

"Who's the guy? Is he handsome?" tanong ni Roan.

"Omg, may nabasa akong ganito kaso nga lang 'yong lalaki 'yong suplado tapos magkakatuluyan sila. O-M-G!" kinikikig na sabi ni Dana.

What the hell? Binabawi ko na ang sinabi kong kaibigan ko sila. Damn, anong mga feedbacks 'yan? I expected them to suggest the way para makawala roon, pero tingnan mo naman mga reaksyon nila ngayon para silang nagde-day dream. Bakit ba ako nagkaroon ng dalawang kaibigang abnormal? My ghad. Sumasakit sintido ko sa dalawang ito!

"Hoy, Jade ano na nga?" pangungulit nitong si Roan nang hindi ako sumagot sa tanong niya.

Aba malay ko kung anong itsura ng lalaking 'yon, hindi ko pa nga nakikita e. But even if he's a good looking man, hindi ako mahuhulog sa kan'ya. Duh, may boyfriend ako at faithful ako kay Jordan.

"Hindi ko pa nakikita," sagot ko.

Wala na akong gana kumain, nahati na sa maliliit itong carbonara. Damn, na i-stress na ako sa mga magulang ko. Arg, di mawala ang inis ko sa tuwing naiisip ko na nagawa nila akong ipagkasundo.

"Wee?"

Binalingan ko ng tingin si Roan dahil sa naging sagot niya.

Blue Eyes Queen (Eyes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon