Siya si JADE MADISON AUSTRELE mula sa mayamang pamilya. May mala artistahing kutis at pangangatawan, minsan pa ay napagkakamalan siyang may lahi dahil sa kulay asul nitong mata. "Queen" iyan ang tawag sa kaniya ng kaniyang mga taga hanga.
Dahil sa b...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
JADE
Weeks have passed since I last spoke to Mom, Dad, and Mama. From now on, I'll refer to Maddy as my Mama. I'm not used to it, but I know I'll get used to it eventually.
As for Efraim, he didn't leave my side for a whole week. He took good care of me and looked after me. My friends were thrilled, and so was I. But today was different. It's Valentine's Day, and Efraim wasn't with me. He's busy with their shoot; he just came back there, so maybe he's working there full-time now. It's okay, though. I'll wait for him. I'll text him to come home tonight, and I'll plan a date for us at home. Uutusan ko na lang sila Manang.
"Hay, kung kailan naman Valentine's wala si Efraim." nagkalumbaba si Kinsley at nakatingin sa malayo.
"Kung makaarte akala mo siya ang asawa," bulong ni Altair. Natawa tuloy ako at napatingin kay Kinsley.
Sumimangot si Kinsley at tumingin kay Altair. "Alam mo ikaw..." tinuro niya si Altair. "Ang epal mo lagi!"
"Alam niyo kayo? Ang ingay niyo palagi!" singit ni Zaylee na ikinangisi ko naman. Umirap siya at nagpipindot sa phone niya.
Bumaling ako kay Roan. "Roan, may date kayo ni Jeil?"
"Wala," tipid na sagot niya. Napanguso ako. Siguro hindi sila okay ngayon?
Bumaling ako kay Dana. "How about you, Dana? Who's your date?"
"Duh, syempre wala!" sagot niya.
"Ako, Jade. Ask me," utos ni Weighn. Nilingon ko siya at nagtanong gaya ng gusto niya.
"Who's your date?"
"Eureinna," maiksing sagot niya, at may nakakalokong ngiti na nakakurba sa kaniyang labi.
Lahat kami ay napatingin kay Eurei, mukha rin siyang gulat at parang walang alam sa sinabi ni Weighn. Pfft. Pulang-pula na siya ngayon. Cute!
"Shut up, Weighn. I don't date monkeys." umirap siya kay Weighn na ngiting-ngiti lang sa kaniya. Napailing na lang ako.
"Hoy, kayo! Altair, Calcifer, Jordan, France, sinong date niyo?" tanong ni Dana.
Curious din ako. May nililigawan kaya itong mga ito? Marami namang mga patay na patay sa kanila pero hindi ko pa sila nakitang pumorma sa kahit kaninong babae. Syempre, maliban na lang kay Weighn na hayok sa girls.
"Uh... Wala akong date," naunang sumagot si France na nagkamot pa sa kaniyang batok.
"Iyong girlfriend ko," sagot naman ni Jordan.
"Let me date Jade just for today," sabi ni Calcifer habang seryosong nakatingin sa akin ang madilim niyang mga mata.
Nanlaki ang mga mata ko. Napalingon din sa kaniya ang mga boys, samantalang ang mga babae naman ay nakatingin sa akin. How do I react? The hell, anong mayro'n kay Calcifer? Minsan na lang magsalita pero kung anu-ano naman ang lumalabas sa bibig!