Chapter 20

217 20 0
                                    

JADE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JADE

Heart-shaped balloons, teddy bears, roses, candies, chocolates, students wearing red shirts, heart decorations, booths and etc. That was the first thing you would notice upon entering our school. It looks like we're all blood because all of us were wearing red t-shirts paired with skirts, while the guys were wearing red t-shirts paired with their school pants.

I'm not with my girls; faculty teachers called every model in this school, so I came. And guess what? We have to dance on stage later for the program! The head said that a lot of students requested it. Duh, are we still in elementary school? Why do we have to have a program for Valentine's Day? E, kung magturo na lang kaya sila? Tsk.

Someone approached me. "Hi, Jade! Are you done? Pinapatawag na kasi tayo."

I nodded and walked with her toward the backstage.

Ang daming students, my ghad!

"Are you ready for our last intermission number?!" the emcee asked. The students said 'yes' in unison. "Get ready! Let's welcome... our Star Models!"

The music started, prompting us to emerge from backstage and dance in front of our fellow students. Their cheers were so loud. Roan and Dana were also there, positioned at the front of the stage, cheering with big smiles on their lips.

Nang matapos na ang program, pinuntahan ko kaagad sila Roan sa ibaba ng stage. Sa backstage na rin kasi kami nagbihis ng mga kasamahan ko. Nag-uusap silang dalawa nang makababa ako sa stage. Nang mapansin nila ako ay napalingon sila sa akin. They smiled at me and waved their hands.

"Grabi!" salubong ni Roan sa'kin. "Bigay todo ka roon ah!"

"Naroon kasi kayo," sagot ko saka sinukbit ang dalawang braso ko sa kabilaang braso nilang dalawa.

"Kami ba talaga?" lumingon ako kay Dana with 'what-do-you-mean-look'. "Baka naman dahil sa fiancé mo?" dugtong pa niya.

Ayan, aasarin na naman nila ako! Hindi ko naman nakita si Nerd na nanonood sa'min kanina, kaya bakit siya ang magiging dahilan? Duh. Padabog kong tinanggal ang braso ko sa kanila at nagmartsa paalis doon. Ramdam ko namang sinusundan nila akong dalawa, pero hindi ko sila nililingon. Naririnig ko pa ang tawanan nila sa likod ko. Itong dalawang 'to, walang araw na hindi ako bibwisitin.

Dumiretso ako sa locker room ng girls, at dahil bungad lang naman ang locker ko ay hindi ko na kailangan na makipagsiksikan sa loob. Pagbukas na pagbukas ko ng locker ko ay nagsihulog ang lahat ng mga naroon. Nagulat pa ako sa aking nakita, tipo na nag-curved ang lips ko na pa-'O'.

"What the?" I murmured.

Napatingin pa sa'kin ang iba dahil sa ingay na pagkalaglag ng mga iba't ibang regalo. Flowers, chocolates, small na teddy bears, may maliliit pa na kahon, at love letters. Ghad! Seriously, paano nila nabuksan ang locker ko?

Blue Eyes Queen (Eyes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon