Siya si JADE MADISON AUSTRELE mula sa mayamang pamilya. May mala artistahing kutis at pangangatawan, minsan pa ay napagkakamalan siyang may lahi dahil sa kulay asul nitong mata. "Queen" iyan ang tawag sa kaniya ng kaniyang mga taga hanga.
Dahil sa b...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
JADE
"Ma'am may naghahanap po sa inyo sa baba."
Bumangon ako mula sa paghiga, at tumango sa katulong para umalis na siya. Sino naman kaya ang naghahanap sa'kin? Hays, imbis na nagpapahinga ako ngayon e.
Nilagay ko ang laptop sa side table bago bumaba. Tinitignan ko kasi ang mga post doon sa group ng school namin, at tatlong headline lang naman ang nakikita kong topic doon at 'yun ay ang pagsugod ko kay Roxanne, ang panloloko sa'kin ni Jordan at ang kalandian ni Roxanne.
"Manang nasaan po ang naghahanap sa'kin?" tanong ko roon sa tumawag sa'kin kanina sa kwarto.
Hindi ko alam ang pangalan niya pero nakikita ko na siya dati pa rito sa bahay dahil gaya nga ng sabi ko hindi ako matandain sa pangalan not unless importante ka sa'kin.
"Naroon po sila sa kusina," sagot niya.
Sila? Ilan naman 'tong sila?
Hindi na ako sumagot at tinungo na ang kusina para malaman kung sino ang mga iyon.
At ang mga walang hiya, mukhang sarap na sarap sa pagkain. Anong ginagawa ng dalawang 'to rito? Sinabi ko na sa kanila na hindi ako sasama. Napahilot na lang ako sa sintido bago maglakad palapit sa kanila. Pero bago pa man ako makalapit, nagsalita na si Dana.
"May chef ba sila, Jade? Ang sasarap ng pagkain e."
"Oo nga parang ang sarap tuloy tumira rito," gatong ni Roan.
Sige lamon lang silang dalawa, parang hindi nararamdaman ang presence ko. Psh. Ilang araw ba silang hindi nakakain?
"Oh, Jade nariyan ka pala?" napairap na lang ako kay Roan nang mapansin niya ako.
Tumabi naman ako sa kanila. "Anong ginagawa niyo rito?" walang gana kong tanong.
Mabilis na nilunok ni Dana ang pagkain bago nagsalita. Oo nagmadali talaga siyang lumunok para makasagot. "Duh, niloko ka lang naging bulag kana? Ay, oo nga pala bulag kana dati pa kasi 'di mo manlang napansin na niloloko kana ni Jordan."
The fuck? Ang pasmado talaga ng bibig ng isang 'to. Kumuha ako ng isang fried chicken at hinagis ito sa kan'ya, mabilis naman siyang nakailag.
"Joke lang e," sabi niya sabay kuha ng fried chicken at kumagat dito.
Siya siguro ang nagpaluto nito, paborito kasi niya ang fried chicken tapos maanghang. Hindi na ako nagsalita at pinagmasdan na lang sila kumain. Maganda pa rin naman sila kahit na mukha silang patay gutom kumain. Aakalain mong hindi mayaman ang mga 'to.
"Oo nga pala," napalingon ako kay Roan nang magsalita siya. 'Anong ginagawa rito ni Efraim? Nakita ko siya kanina."
Ano raw? Si Efraim? Iyong nerd? Narito siya? Bakit hindi ko alam? Damn.
Magsasalita na sana ako ng bigla namang magsalita ulit si Roan. "Nililigawan ka ba niya?"
"Kaya pala ayaw mo sumama sa'min ah!" ani Dana na nakataas pa ang kamay habang hawak-hawak ang chicken na kinagatan niya kanina.