JADE
Tulad nga ng napag-usapan, pumunta kami sa ospital para tingnan ang kalagayan ni Efraim. Dahil bilang lamang ang pwedeng pumasok sa ICU, ako muna ang pinapasok nila. Hindi pa nga ako nakalalapit nang tumulo na agad ang luha ko.
Nanghihina ako. Hindi ko na-imagine na maa-aksidente at mangyayari ito kay Efraim nang dahil sa akin. Kung pwede lang palitan ko na siya sa higaan at kalagayan niya ay gagawin ko, kaso alam ko namang hindi pwede iyon mangyari.
Naalala ko bago ako mawalan ng malay sa loob ng sasakyan nang gabing iyon, niyakap niya ako para siguraduhin na magiging maayos ako pagtapos no'n. Kahit na inaway ko siya ng gabing iyon, mas inisip niya pa rin ako. Hindi ko mapigilan ang guilt na namumutawi sa katawan ko. Pati ang galit sa sarili at pagsisisi. Kung pwede lang talaga bumalik sa araw na iyon ay gagawin ko.
Tumayo ako sa gilid ni Efraim at hinawakan ang kamay niya. Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa nakapikit nitong mga mata.
"Kailan ko kaya ulit masisilayan ang abo mong mga mata?" bulong ko.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang umuusbong na naman na luha sa mga mata ko. Alam kong makakatulong ang pagkausap sa taong nasa coma kaya kakausapin ko siya. Siguro naman mas mapapadali ang pag recover niya hindi ba? Alam kong naririnig niya ako.
"Gigising ka pa 'di ba? Miss na kita... Bilisan mo magpagaling, ha?"
Hinaplos ko ang pisngi niya. Mukha lang talaga siyang natutulog, pero mas maamo ang mukha niya rito kaysa sa natural na pagtulog niya. Ngunit kahit gano'n, mas gusto ko pa rin ang natural na mukha niya kapag tulog siya.
Huminga ako ng malalim para pigilan ang paghikbi. "I love you and I'm sorry..."
Hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng luha ko. Napabitaw ako kay Efraim at tinakpan na lamang ang mukha ko, as if naman na nakikita ni Efraim ang kalagayan ko.
Nanatili ako roon ng ilan pang minuto bago lumabas, sinuyod ako ng aking mga kaibigan kung ayos lamang ba ako. Tumango lang ako sa kanila at sila na ang pumasok sa loob. Pinagmasdan ko lamang sila mula sa labas, at nakita ko mula roon ang pagtaas at baba ng mga balikat nila. Maging si Altair at Kinsley ay mukhang nagkasundo dahil yakap na ngayon ni Altair si Kinsley. Gano'n din sina Weighn at Eurei.
I hate it. I hate to see them cry like that in front of Efraim. Bakit gano'n? Kahit saan ko tingnan ay nagmumukhang patay ang asawa ko. Damn.
Gigising pa siya at alam ko iyon. Hindi siya susuko na lang basta. Kapag gumising siya, sisiguraduhin kong magiging mabuti ako para sa kaniya. Hindi ko na ulit uulitin ang lahat ng pagkakamali ko at unti-onti ko iyon itatama.
Nanatili pa kami sa ospital ng ilang oras para makipagkwentuhan kila tita Arlene. Naroon din sina Mama, Mommy at Daddy, sila kasi ang kasama nina Tita Arlene at Tito Robert dito sa ospital magbantay. Minsan naman umuuwi sina Mama para tingnan ang kalagayan ko, pero iyon 'yung mga nagdaang araw na ayaw ko pumunta sa ospital dahil takot ako na makita si Efraim na gano'n ang kalagayan.
BINABASA MO ANG
Blue Eyes Queen (Eyes Series #1)
Teen FictionSiya si JADE MADISON AUSTRELE mula sa mayamang pamilya. May mala artistahing kutis at pangangatawan, minsan pa ay napagkakamalan siyang may lahi dahil sa kulay asul nitong mata. "Queen" iyan ang tawag sa kaniya ng kaniyang mga taga hanga. Dahil sa b...