Chapter 7

260 62 32
                                    

JADE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JADE

Isang araw na ang nakalipas matapos ang pangyayaring iyon. Hindi naman na ako nilapitan pa ni Jordan para magpaliwanag at kahit pa gawin niya iyon ay hindi ko siya pakikinggan, sapat na ang nakita ko hindi ko na kailangan ng paliwanag ng walang hiya na iyon.

Tungkol naman doon sa babae, syempre hindi ko siya sinugod kinabukasan dahil ngayon ko iyon gagawin. Naghanap pa ako ng information about sa kan'ya at napag alaman ko rin na Roxanne Cait ang pangalan niya. Alam din pala ni Arnold ang tungkol sa dalawa, pero hindi alam ni Jordan na alam ito ng kaibigan niya. Madalas daw mahuli ni Arnold ang dalawa na magkasama at tuwing may training ay sumasama ang babae.

Tungkol naman sa amin ni nerd,  matapos ang araw na iyon ay hindi naman na kami ulit nagpansinan pa. Parang wala lang ang nangyari no'n hindi niya rin ito kinuwento kina Dana at Roan kahit na nakakausap niya sila dahil na rin sa kagrupo niya ang mga kaibigan sa research.

Tungkol naman sa mga kaibigan ko, hindi ko pa na sabi sa kanila ang nangyari sa amin ni Jordan. Kahit sa buong campus ay wala pa rin na kumakalat about doon. Syempre kapag ako ang pinag uusap malaking balita iyon para sa kanila, pero this time wala pa ata talagang nakakaalam.

"Jade, saan ka ba pupunta?" tanong ni Roan.

Saan pa? E 'di sa classroom ng babaeng haliparot na iyon.

Bago ako umalis kanina sa classroom pagkalabas ng first subject, padabog akong tumayo halos lahat ng classmate ko ay napatingin sa'kin at ramdam ko ang titig nila hanggang sa makalabas ako ng classroom. At ito, nakabuntot sa'kin ang mga kaibigan ko dahil baka may aawayin na naman raw ako kasi halata raw sa itsura ko ang maitim na awra. What the heck? Ano ang maitim na awra ang sinasabi ng mga ito?

Hindi ko pa rin sila pinapansin ngayon at hanggang sa makarating na kami sa classroom ng babae. Sarado ang pintuan dito sa likod, gano'n din sa unahan. Huminto muna ako sa harap ng pinto rito sa likod.

"Sino ang pupuntahan mo rito? Hindi naman dito ang room ni Jordan," ani Dana.

Nilingon ko si Dana at doon ko lang napansin na ang iba sa mga classmate ko ay nakabuntot din pala sa amin. What the heck?

Hindi ko sila pinansin at binalingan ng tingin si Dana. Maganda nang maraming audience ngayon, para malaman nila na ang nagtapon sa'kin ng tropical shake ay isang malanding babae.

"You will know," sagot ko.

"Ha?" lang ang naisagot ni Dana at malakas ko nang tinulak ang pintuan sa likurang bahagi ng silid-aralan.

Nakuha ko lahat ng atensyon nila, wala ang prof. Nasaan kaya nakaupo ang babaeng 'yon?

Nang hindi ko talaga siya makita, nagtanong na ako. "Nasaan si Roxanne Cait?"

Agad silang napalingon sa babaeng kapapasok lang sa silid, dumaan siya sa harapang bahagi ng classroom.

Pansin ko lang, bakit salungat kami lagi ng pinapasukan na pinto? Well, salungat din naman kasi ako sa kan'ya. Hindi ako malandi kagaya niya, slut.

Blue Eyes Queen (Eyes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon