JADE
"Bongga ba ang party mo, Jade?" Roan asked.
"I don't know," I answered honestly.
"Duh, malamang bongga 'yan. Jade pa ba?" Dana uttered.
Oh, we're talking about my 18th Birthday. It will be on Wednesday, I have 3 days to prefer myself. I invited my close friends, Dana and Roan. Mom and Dad invited their business partners, also our relatives. My cousins, aunties, uncles, granddad and grandma.
I guess, my debut will be huge.
"May pogi ka bang pinsan, Jade?" Dana asked. "Pabalato naman!"
Napairap ako sa tanong niya. Akala ko ba may crush na siya? Bakit nanghihingi pa sa akin ng lalaki? At pinsan ko pa! Hindi naman sa ayaw ko, sabi niya kasi may crush na siya e. Baka mamaya lokohin lang nito pinsan ko.
"Basta ako kay ano lang," sabi ni Roan na halatang kinikilig. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya sa 'ano' e.
"At si Jade." Dana gave me a teasing smile. "kay ano lang..." sabay nilang sabi ni Roan bago palihim na sinulyapan si Nerd.
My face blushed. Umiwas ako ng tingin sa kanila at tinuon na lang ang atensyon sa Prof prof namin na nagtuturo sa harapan. Mali pa atang sinabi ko kila Roan ang tungkol sa feelings ko e, hays. Well, it's okay, hindi pa naman ako sure if I have feelings for Nerd or hindi lang ako sanay na ganito kami.
Magkasama kami sa iisang bahay pero hindi man lang nagkikibuan. Good thing na may pasok kami, Sabado at Linggo lang ang wala. Every Saturday and Sunday tuloy naka-kulong lang ako sa kwarto. Bababa lang ako kapag kakain, tapos hindi ko siya madadatnan doon.
Magpagawa kaya kami ng guestroom para roon na lang siya matulog? Ako ang nahihirapan sa kaniya tuwing sa sofa lang siya natutulog. May sofa rin naman sa kwarto pero mas pinipili niya ang sofa sa sala. Nakakainis! Halatang ayaw niya akong makasama!
"Efraim," Roan called him. Lunch na kaya nagsisitayuan na ang iba naming classmates. "Wanna join us?"
Nauna na akong lumabas sa kanila. Ayoko marinig ang sasabihin ni Nerd, saka bakit ba niyaya pa 'yun ni Roan? Nakakainis naman!
Maya-maya ay lumabas na rin sila, kasunod nila sa likod ay si Nerd. Pumayag ata siyang sumabay sa amin. Pero akala ko lang pala 'yun. Kumaway siya kila Roan at nag-iba ng daan. Parang nalungkot tuloy ako.
Sunod lang ang tingin ko sa kaniya hanggang sa makababa na siya.
"May kasabay daw e," Roan informed me.
Nilingon ko siya at nagseryoso ng tingin. "Who cares?"
Sira na ang araw ko magmula nang hindi siya pumayag sumabay sa amin. Pero mas lalo pang nasira nang makita ko siyang kumakain kasama 'yung babaeng kasayaw niya sa prom. Really? Sino ba ang babaeng 'yun?
BINABASA MO ANG
Blue Eyes Queen (Eyes Series #1)
Teen FictionSiya si JADE MADISON AUSTRELE mula sa mayamang pamilya. May mala artistahing kutis at pangangatawan, minsan pa ay napagkakamalan siyang may lahi dahil sa kulay asul nitong mata. "Queen" iyan ang tawag sa kaniya ng kaniyang mga taga hanga. Dahil sa b...