Chapter Two (Part Two)

267 12 0
                                    

Part Two

Hindi na niya inalintana ang mabato at matalahib na daan sa pagnanais na makarating agad sa bahay, hoping against hope that she wouldn’t meet the guy in her one month vacation. Dahil isang malaking kahihiyan lalo na sa parte niya kung may iba pang makakaalam ng ginawa niya sa ilang oras pa lamang niya sa Pilipinas. Not to mention the reason of her upcoming wedding.
Andap na napahinto siya sa paglalakad at malakas na napabuga ng hangin sa dibdib ng matanaw ang bukana ng Villa at matagpuan doon ang ina na puno ng pag-aalala sa mukha, katabi ang isang may kaliitang babae.
Ng ituro siya ng kasama nito ay agad na bumaling sa kinatatayuan niya ang katawan nito at akmang hahakbang kung hindi lamang ito pinigilan ng kasama dahil sa malakas na pagbagsak ng ulan na hindi niya namalayan.
Patkbong lumapit siya sa mga ito.
“Santisima anak, saan ka ba nagpunta!” wika nito sa tinig na puno ng pag-aalala. Hindi naman niya naiwasang ma guilty sa nakitang pag-aalala na nakalarawan sa mukha at tinig nito.
“Lumabas po akong sandali para magpahangin, kaya lang medyo napalayo po ako.” Aniyang bahagya pang napalingon sa pinangalingan. Habang patuloy na kumakabog ang dibdib.
“Sana ay hinintay mo ako, nabasa ka tuloy ng ulan.” Nag-aalala pa ring wika nito habang inaalalayan siyang pumasok sa loob ng villa. Nang tuluyang makapasok sa loob ay dinala siya nito sa isang silid na kanugnog ng kusina. Humahangang iniikot niya ang paningin sa kabuuan niyon. Mayroon iyong sofa set sa isang tabi, habang sa sentro ay may fourteen inches na television set. At sa likod ng mahabang sofa ay dalawang dalawang pinto na magkatabi, habang sa kabila ay isang maliit na pinto na sa palagay niya ay banyo. The whole place had a touch of warm and cozy. A touch of her own mother.
Lumakad ito papunta sa saradong pinto at binuksan iyon, “Ito ang magiging silid mo habang narito ka anak. Nandiyan na rin ang mga gamit mo.”
Marahan siyang tumango at tipid a nagpasalamat sa ina. “Thank you po.”
“Walang anuman,” tugon nito habang masuyong nakangiti sa kanya. “Sige na, maligo ka muna at magpahinga ng ilang oras bago tayo maghapunan. Pagod ka sa ilang oras na byahe, baka mababad ka na sa lamig niyan.” Habilin pa nito bago lumapit sa pinto at lumabas.
“Na-,” nabitin sa ere ang anumang sasabihin niya ng mapagtanto na nasa pinto pa rin ito. Ng huminto ito at walang kibong naghintay sa anumang sasabihin niya ay napakurap si Sugar. Bago alangang nagpatuloy.
“Salamat po sa pagpatuloy mo sa akin dito kahit biglaan ang pag-aabiso sayo ng Papa na parating ako.”
May kung anong emosyon ang dumaloy sa mukha nito ngunit hindi na lamang kumibo.
Nang tuluyan itong lumabas ng silid ay pumasok na siya sa banyo at agad na sumahod sa dutsa na inihanda ng ina para sa kanya. Nang tuluyang dumaloy sa kanyang katawan ang mainit-init na tubig ay nakaamdam siya ng kaginhawaan.
She was bathing herself when suddenly the image of a naked man comes to her mind, and the thoughts how it feels to be touch by him, to be kiss and to be buried within him rush to her mind. At ng mapagtanto ang tinatakbo ng kanyang isipan ay sindak na nagmulat siya ng mga mata at nanghihinang napasandig sa dingding na salamin.
Mabilis na nag-anlaw siya at nagbihis, pagkuwan ay agad na pinatuyo ang buhok bago nahiga sa kama. Maybe she just needed some nap to clear her clouded and lustful thoughts.

Sugar Spice And Everything Hush: SugarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon