MARAHANG liningon ni Sugar ang katabi ng pamulahan ng mukha ng mapagtantong mataman itong nakatitig sa kanya. Ilang ulit na napakurap siya bago nagawang ibaling sa iba ang paningin upang muli lang mapatingin dito ng mahina itong tumawa.
“B-bakit?” kunot noong asik niya rito.
“Nothing,” tugon nito habang tumatagilid at tuluyang humarap sa kanya na lalong nagpapula ng kanyang kabuuan. “You look even more beautiful when you blush, babe.” He tease while pulling her towards him.
“Ano ba!” asik niya at akmang kakawala dito ng masipa niya nag laylayan ng kumot na tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito, dahilan upang lumantad ang pagkalalaki nito.
Awang ang labing napamaang siya sa binata ng matagtanto ang nangyari, pagkuwan nag-init ang buong katawan ng ilang sandaling mapatitig sa sandata ng binata.
“Oho!” may kalakasang anito, pagkuwan ay tila nanunuksong hinila pataas ang kumot pabalik sa bewang nito.
“Ah,” iritableng anas niya saka salubong ang mga kilay na tinalikuran ito at nagmamadaling nagbihis at inayos ang sarili. Akmang lalabas na si Sugar ng kanyang silid ng mapagtanto ang oras. 9 Am.
“Paano kang nakapasok dito?” bahagyang namumutlang baling niya rito.
“Through doors,” tugon nito sabay turo ang pintuan.
Mariing naipikit niya ang mga mata saka nahila ng mahigpit ang mga buhok. Ng maalala ang ina ay gad na napatayo siya.
“Ang mama!” mahinang anas niya.
“Wala siya dito,” tipid nitong tugon bago tuluyang bumangon at isa-isang dinampot ang mga damit nito sa sahig at nagbihis sa mismong harapan niya.
“P-paano mong nalaman?” namamanghang tanong niya habang nanatiling nakamata lang dito ng buksan nito ang pinto ng silid niya at nagpatiunang lumabas.
Hindi mapakalaing malaki ang hakbang na sinundan niya ito patungo sa kusina ng nanatili itong walang kibo.
“How can you just barge in our place, where’s my mother?”
“Nagpunta ng palengke kasama sila Inday at Marie.” Pagkuwan ay tugon nito habang kumukuha ng tasa sa cup board upang magkape. Walang kibong kimuha din siya ng tasa at nagsalin mula sa coffeemaker.
“Anong oras sila umalis?” aniya habang marahanag isinasandal ang sarili sa counter saka sumimsim ng kanyang kape.
“Madaling araw pa.” Tugon naman nito hanag patuloy na sinisimsim ang tasa ng kape habang nakasandig sa refrigerator at matamang nakamasid sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sugar Spice And Everything Hush: Sugar
Storie d'amoreTeaser Bata pa lang si Sugar ng maghiwalay ang mga magulang niya at dalhin siya ng ama sa China upang doon na manirahan, at sa loob ng mga panahong lumalaki at nagkakaisip siya ay nagging iba ang pananaw niya tungkol sa pakikipagrelasyon. At sa toto...
