Chapter One (Part Two)

368 14 2
                                        

Part Two

Isang katok sa pinto ang pumakaw sa kanyang pagmumuni-muni sa harap ng salamin. Ng hindi siya tumugon ay bumukas iyon at iniluwa ang kanyang ama.
Nang hindi siya kumibo ay pumasok ito at lumapit sa kinatatayuan niya, habang nanatiling nakapako sa kanya ang paningin. Pagkuwan ay nag-alis ito ng bara ng lalamunan.
“I know its might be hard for you, sweetheart. Kaya lang ay-,”
“Kaya lang ay kailangan ninyo akong ipakasal sa kanya, ganoon ba?” aniya sa nang-uuyam na tono.
“What had Casper against you, Sugar?” wika nito sa patag ngunit makamandag na tono. “To push this marriage.” He continued.
Nabitin sa ere ang mga damit na kasalukuyan niyang inilalagay sa maleta at mabilis na tiapunan ng tingin ang ama.
“Anong pong ibig mong sabihin?” malakas ang kabog sa dibdib na aniya.
“Sinabi niya sa aking ikaw ang tanungin ko, dahil alam niyang hindi ka uurong sa kasalang ito sa oras na itakda na. Anong kalokohan ang ginawa mo?” wika nito habang mariing nahilot ang sintido.
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng guilty sa araw na iyon. Pero pilit na isinantabi niya ang nararamdaman dahil sa natuklasan.
“Wala akong ginawa papa na ikasisira ng reputasyon ninyo. If you don’t mind, I want to be alone. I have a flight to catch, remember?”
Ng hindi ito kumibo ay ipinagpatuloy na lamang niya ang pagpapake hanggang sa matapos siya.
Makalipas ang ilang oras ay nasa entrada na siya ng paliparan at walang emosyong nagpapa-alam sa ama.
“Be careful, and don’t give your mother a hard time.” Bilin nitong nagpataas ng kilay niya. She has a lot of question burning in her throat like why they were sending her in her mother when she’s about to be married soon, kailan ang nakatakdang kasal nila ni Casper, at marami pang iba, but she keeps them aside for now.
Marami pa itong binangit na tango iling at kibit-balikat lang ang itinugon niya. Pagkuwan ay humakbang na papasok sa Airport.
“Sugar, say hi for me to your mother.” Wika nito na puno ng sensiridad, pangugulila at mapagmahal na tono.
Nagugulumihanan man sa emosyong nakaguhit sa mukha ng ama para sa kanyang ina ay tumango na lamang siya. Maybe her father still loves her mother, maybe he still cares for her.
Yeah right, after eighteen years, Sugar. Your family might become whole again. Ani ng isang bahagi ng utak niya. Na pilit na itinaboy niya, knowing her father. Kung talagang may pagtingin pa rin ito sa mama niya sa kabila ng lahat, di sana ay gumawa na ito ng paraan noon pa man, hindi ngayon kung kailan matanda na pareho ang mga ito.
Nang tuluyang makapasok sa loob at makaupo sa kanyang takdang upuan ay mariing ipinikit niya ang mga mata. Umaasang sa pagmulat niya ay nasa Pilipinas na siya o di kaya ay isang panaginip lang ang lahat. Na hindi pa lumilipas ang labingwalong taon at limang taon gulang pa lamang siya. Kung kailan puno pa ng masasayang halakhak, pagmamahal at pag-unawaan ang kanilang tahanan. Kung kailan, dalawa ang kanyang magulang na maaring kalakhan.

KUNO’T NOONG napatingala si Sean sa maulap na kalangitan, pagkuwan ay tinanaw ang mga bakang kasalukuyang itinataboy pabalik sa koral ng tagapangasiwang si Mang Domeng. Nagbabadya ang malakas na pag-ulan anumang oras, at nangangamba siyang maantala ang pagpapa-deliver niya ng mga designated kopra sa mga pagawaan ng tsokolate, maging ang mga kape na kailangan niyang ipadala sa ilang branch ng Coffeeshop na pag-aari ng kanilang kompanya.
Hindi nabangit sa kanya ni Manang Sol kung may bagyo nga bang paparating ngayon, marahil ay nakaligtaan nito sa labis na galak sa biglaang pagdating ng nag-iisa nitong anak na nakabase sa China. Hapon daw ang dating ng dalaga nito ngunit nagpunta na ang matanda sa Airport ng Legazpi dahil mahaba-habang byahe din iyon.
Muli siyang napatingala ng maramdaman ang magilan-ngilang patak ng ulan na tumama sa kanya. Agad na hinanap ng kanyang paningin ang matandang lalaki upang senyasan itong umuwi na ng makarinig siya ng pagpito mula sa di kalayuan.
“Sean, anak hindi ka pa ba babalik ng Hacienda? Mukhang malakas itong ulang paparating, iho.” Wika nito habang pilit na nirerendahan ang sakay na kabayo.
Marahan siyang umiling pagkuwan ay tumanaw sa kalangitan bago muling nagwika, “Mauna na po kayo, Amang. May dadaanan pa po ako.”
Ilang sandaling pinagmasdan siya ng matanda, at nang mapagtantong seryoso nga siya ay tumango na lamang ito.
Nang tumalikod na ang matanda ay pinatakbo na rin niya ang kanyang kabayong si Jacob patungo sa makitid na daan pantao na papunta sa pribadong ilog na madalas niyang pagpalipasan ng oras.
“Ho, ho!” malakas na wika niya sabay hila ng renda ng kabayo makalipas ang ilang minuto. Matapos itali ang kabayo sa isang puno ng manga ay agad siyang lumusong sa tubig at naglunoy doon.
Sampung taon siya ng una niyang madiskobre ang ilog na iyon na hindi kalayuan sa Villa. Panahon ng bakasyon noon at kasalukuyan silang nasa Haciendang magkapatid, at katulad ng nakasanay ay isinama siya ng kanyang Papa sa pag-iikot at sa murang edad ay tinuturaan ng tamang pamamalakad niyon. Nang hindi sinasadyang napa-away siya sa isang anak ng nagkokopras dahil pinagsabihan siya nitong ininsulto siya sa pagiging anak ng may-ari. Ngunit imbes na kampihan siya ng ama ay ang anak ng trabahante ang kinampihan nito na labis ikinasama ng kanyang loob.  
Kaya iniwan niya roon ang ama at nagtatakbo sa kasukalan, noon niya natagpuan ang ilog at pansamantalang nagpalipas ng oras doon. Doon din siya natagpuan ng ama na hinanap pala siya.
Their father talk to him about how to calmly handle people like those if your going to manage a business.
Pinangaralan din siya nito na hindi kailangan ang dahas, pagmamataas, at pagiging ganid upang maging matagumpay sa kahit anong suliraning ang kanyang kaharapin. He knows that its one of his father secrets. That’s why their business grew and become establish and well known. Kaya laking gulat niya ng malaman niyang isang malaking suliranin pala ang kinakaharap ng kompanya ng mamatay sa aksidente ang kanilang mga magulang noong biente-kwatro anyos pa lamang siya.
He worked night and day to keep the company intact. At dahil katatapos pa lamang niya ng kanyang masteral sa Amerika ng mga panahong iyon ay marami ang nagduda sa kanyang kakayahan. Subalit dahil alam niyang dugo at pawis ang naging puhunan doon ng ama at ibinigay nito ang buong puso sa pamamahala ng buong kompanya kasama na ang hacienda sa kabila ng katotohanang pinipilit nitong hindi magkulang sa kanilang mag-anak.
At hindi birong sakripisyo ang ginawa niya para mapanatili lang na sa kanila ang kompanya at ang legacy ng kanyang mga magulang. At sa loob ng apat na taon mahigit ay nagawa niyang maging mas matatag, mas kilala at mas malawak ang naging sakop ng S&S group of Companies.
Bukod sa pagkokopra ay nagpo-produce na rin sila ng langis sa loob at labas ng bansa, nag-e-export na rin sila ng mga coffee bean sa isang kilalang pagawaan ng kape sa ibang bansa. At ang mga sapal naman na pinagkuhanan ng langis ay ginawa niyang main ingriendent ng tsokolate na naging matagumpay naman ngayon.
Mayroon na rin silang ilang branch ng coffeeshop na na-establish ng nakababata niyang kapatid na si Spice at ito rin ang namamahala sa ilan.
At dahil mas dumami ang ang mga responsibilidad niya ngayon ay isinantabi na muna niya ang mga personal na suliraning. Although, when it comes to his needs, he isn’t celibate. He can get laid anytime he wants, and being one of the most sought bachelors in the country gives him an special access to any woman who knows his boundary and limitation. Sa kabila ng mga namamagitan sa kanila ng mga babaeng iyon ay linilinaw niya sa mga itong ayaw niya ng commitment, lalo’t higit ang kahit anong distraction na maaring makasira sa mapapamahala niya ng kanyang mga negosyo.
And those women agreed with him.

Sugar Spice And Everything Hush: SugarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon