Chapter Three (Part Three)

293 13 2
                                        

KASALUKUYANG kumakain si Sugar ng hilaw na manga na isinawsaw sa bagoong alamang ng biglang bumalandra ang pinto sa gilid niya niya. Malakas na napasinghap siya sa labis na gulat ng bumungad ang lalaking ilang araw na niyang iniiwasan simula ng magpang-abot sila nito sa kusina noong nakaraang madaling.

"You're eating mango at this time of the day?" kunot noong sita nito sa kanya.

Nagpanting ang taingang nilingon niya ito, ngunit bago pa man niya ito masita ay muli itong nagwika.

"Alam mo bang pwede kang sikmurain niyang ginagawa mo. Mukhang ni hindi ka pa nag aalmusal." Matigas na sermon nito.

Natahimik naman siya sa sinabi nito, may kung anong init ang bumalot sa kabuuan niya dahil sa simpleng concern na ipinakita nito. Unlike, what he's been saying those previous night. Kaya imbes na patulan ito ay di na lamang siya kumibo at ipinagpatuloy ang pagkain ng manga.

"Well?" hindi nakatiis na wika nito sa pananahimik niya.

"I had coffee," maikling tugon niya.

"That's all?" anito sa mababang tono.

Umangat ang mukha niya sa lalaki at pinaikot ang eyeballs dito.

"Yes, that's all. Hindi naman kasi ako nagugutom. Saka kumain na ako ng mango. It's a fruit, don't you think so?" pamimilosopo niya rito.

Akmang tutugunin nito ang pamimilosopo niya ng sumulpot ang kanyang ina at magwika.

"Oh Sean! Nandito ka pala. Nagpunta si Domeng dito kanina, hinahanap ka. Mukhang manganganak na yata si Olga." Anito sa binata na nagpakunot ng noo niya habang nakaangat ang isang kilay.

"Nasa koprasan po kasi ako kanina. Mga anong oras po ba siya nagpunta dito?"

"Alas sais pa, nagbilin na kung babalik ka daw ay pumunta ka muna doon sandali." Ani ng ina niya habang napasulyap sa kanya.

"Anak! Ke aga-aga naman niyang manga mo?" namimilog nag mga matang wika nito habang nakamata sa kinakain niya.

"That's what I'm saying, Manang!" napailing na singit naman ng lalaki.

Lihim na napahugot na lamang siya n malalim na hininga bago inulit sa ina ang sinabi sa binata, pagkuwan ay nakangiting binigyan ito ng assurance na okay lang siya. Akmang magpappaalam na siya sa mga ito upang maglakad-lakad sa paligid ng villa ng biglang magwika ang lalaki.

"Gusto mo bang sumama sa akin?"

Gulat na nilingon niya ito, nagtatanong ang mga mata.

"Saan?"

"Sa koral, kung saan naroon ang mga baka at kalabaw." Anito sabay kibitz balikat.

Nagdududang tinitigan niya ito. Pagkuwan ay nilinga ang inang nakamata din sa kanilang dalawa.

"Ano namang gagawin ko doon?"

Umangat ang suolok ng labi nito na tila ba may kung anong mali sa sinabi niya, bago tumugon.

"You can watch how the carabao gives birth, then pwede tayong mamasyal sa paligid ng isla." He offer expectantly.

Ng maranig ang pagpapa anak sa kalabaw ay dagling pumayag siya, she never saw a carabao gives birth in her whole life. At ang makakita niyon ngayon ay isang experience sa kanya.

Nasa pick up truck na sila nito ng may maalala siyang itanong dito.

"What made you decide to invite me?" aniyang matamang pinagmasdan ito.

Sugar Spice And Everything Hush: SugarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon