“WHAT THE FUCK!” matinis na wika ng isang tinig sa likuran ni Sugar habang tahimik siyang nagpipinta sa loob ng inuupanhan niyang studio.
Gulat na nilungon niya ang pinagmulan ng tinig na iyon para lang umikot ang mga mata at muling ibaling sa iginuguhit ang mga mata.
“What?” nakaingos niyang wika habang panay ang stroke ng brush sa canvass.
“You look like a total shit, Sugar!” iritableng komento nito habang patuloy na iinikot ang paningin sa paligid.
Nagkalat doon ang mga canvass na hindi niya natapos, o mga obrang hindi niya nagustahan. Naa sahig din ang mga tuyong pintura na hindi na niya nagawang linisin simula ng matapon iyon doon isang lingo ang nakakalipas. The place looks like a mess, untidy and smelly.
“You look exactly like this place,” she continue after she grimace.
“Just don’t mind those, or else leave. The door is open.” Tugon niyang hindi lumilingon dito.
“Shut up.” Tugon nito habang lumalapit sa kanya at may kung anong iiaabot.
Nabitin sa ere ang hawak niyang paint brush ng makita kung ano ang hawak nito.
Isang kulay baby pink na envelop iyon na malaki kaysa karaniwang size, may kulay light blue na ribbon iyon sa harap at sa likod ay pangalan at address ng taon imbitado.
“Why did you bring that here?” tanong niya sa mababang tono.
“Because I want to confirm something,” wika nito sa wikang Chinese. “Gusto kong alamin kung matutuloy pa ba ito o ipapalibing ka na namin bago ang kasal mo. Since mukha kang ililibing kaysa ikakasal.” Patuloy nito sa wikang tagalog na nagpa kunot sa noo niya. Pagkuwan ay umiwas siya ng tingin dito.
“Parang mas mangyayari yung huli.” Mailap ang matang aniya rito.
“Hindi ka na ba niya tinawagan ulit?” tanong nito nagpamaang sa kanya sa kaibigan.
“Nung lalaking laging tumatawag sayo dati,” tukoy nito kay Sean.
Mariing nakagat niya ang loob ng labi upang pigilin ang sariling mapahikbi. Pagkuwan ay umiling-iling.
“Bakit hindi mo tawagan? Ikaw naman ang tumawag sa kanya, since lagi ka niyang tinatawagan dati pero hindi mo sinasagot noon.” Suhestyon pa nito.
“Are you freaking out of your mind?” aniya sa mataas na tinig, pagkuwan ay tumayo sa kinauupuang stool.
“Nope, but I think you do.” Wika nito. Pagkatapos ay tiningnan siya simula ulo hanggang paa. Pagkuwan ay muling umiling-iling. “You’re hopeless, Sugar.”
“Stop it!” malamig na wika niya dito.
“How could I stop if everytime I saw you, you look like a total shit?” galit na anito sa kanya.
Walang kibong nabuga nalang siya ng hangin sa dibdib, pagkuwan ay hilam sa luhang tinalikuran niya ito.
“How could I move forward, Shin Yie?” tanong niya kapagkuwan sa kaibigan.
Ilang minutong dumaan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, bago miya naramdaman ang mainit nitong palad sa balikat niya.
Masuyong nilingon niya ito, wala man salitang namutawi sa bibig ng matalik na kaibigan ay naroon naman sa mga mata nito ang pakikisimpatya sapagkat alam nito ang buong kwento nila ni Sean.
BINABASA MO ANG
Sugar Spice And Everything Hush: Sugar
RomanceTeaser Bata pa lang si Sugar ng maghiwalay ang mga magulang niya at dalhin siya ng ama sa China upang doon na manirahan, at sa loob ng mga panahong lumalaki at nagkakaisip siya ay nagging iba ang pananaw niya tungkol sa pakikipagrelasyon. At sa toto...
