GULAT NA nabitawan ni Sugar ang tangan na bag ng bumungad sa kanya ang ina paglabas niya ng silid.
“M-ma!”
“Sugar?” gulat na anas nito habang nakamata sa tangan niyang overnight bag. “Saan ang punta mo? Bakit may dala kang bag?” sunod-sunod na tanong nito habang lumalapit sa kanya.
Tipid namang ngumiti siya bago itinaas ang tangan na cellphone sa kabilang kamay bago tumugon, “Dad called. Nandito daw sila sa Legazpi.”
“Ang ama mo? Bakit daw?” muling anas nito pagkuwan ay humakbang palapit sa kanya.
“Kailangan \daw po niya akong makausap, immediately.” Aniya nalang dito pagkuwan ay nagmamadali nang ngapaalam. Ayaw niyang usisain pa nito ang dahilan kung bakit biglang umuwi ng Pilipinas ang papa niya at may kasama pa.
Ng makalabas ng taxi ay agad na nagpahatid siya sa driver ng villa na si Mang Kanor patungong pantalan. Mabuti nalang ay may pinakisuyuan si Sean na mag bantay magdamag doon para kung sakalai mang mangyaring aberya o may bisitang dumating ng gabi na.
Kasalukuyan siyang nakasakay sa taxi ng muling dumaloy sa alaala niya ang totoong dahilan kung bakit siya pinayagan ng amang magtungo ng Pilipinas upang magbakasyon.
MALAKI ANG hakbang na pumasok si Sugar sa madilim at maingay na lugar na iyon, hindi ito ang unang pagkakataon na papasok siya sa ganitong uri ng bar, ngunit sa twina ay nalulukot ang ilong noiya sa amoy ng alak at sigarilyo mula sa kapaligiran at sa ingay na nagmumula sa naglalakihang speaker na nakapalibot sa buong bulwagan.
Punong-puno ng tao ang dance floor at naroon ang kalahati ng parokyano ng disco bar at gumigiling na sa bawat isa. Marahang napailing na lamang siya, saka nagtungo sa bar pagkuwan ay uorder ng sunrise tequilla na tangi niyang iniinom doon.
Nakakatatlong order pa lamang siya ng maramdaman ang pagikot ng isang matipunong braso sa maliit niyang bewang. Akmang sasawayin iyon ng bartender na nakapwesto doon ng senyasan niya ito. Ilang linggo na rin naman siyang walang exercise sa judo kaya kailangan niya ng volunteer ngayong gabi.
Matamis ang ngiting hinarap niya kung sino man ang lalaki, pagkuwan ay marahang pinagapang ang mga darili patungo sa braso nito ng makarinig ng baritonong tinig sa kaliwang bahagi niya.
“Get your hands off with my girlfreind, Angus!” may pagbabanta sa likod ng panatag nitong tinig.
BINABASA MO ANG
Sugar Spice And Everything Hush: Sugar
RomanceTeaser Bata pa lang si Sugar ng maghiwalay ang mga magulang niya at dalhin siya ng ama sa China upang doon na manirahan, at sa loob ng mga panahong lumalaki at nagkakaisip siya ay nagging iba ang pananaw niya tungkol sa pakikipagrelasyon. At sa toto...
