Chapter Eleven (Part Two)

259 12 0
                                        

MAKALIPAS ang ilang sandali ay narinig niya ang pagpapaalam ng binata sa kanyang ina. Pagkuwan ay sumara ang pinto ng kanyang suite. Pagkuwan ay nakarinig siya ng marahang paghakbang patungo sa kanya at ang magaang paghaplos ng mainit na palad sa kanyang noo.
Noon siya dahan-dahang nagmulat upang tingnan kung sino iyon.
“Ma?” namamaos na aniya dito.
Masuyo naman itong ngumiti sa kanya pagkuwan ay tumango.
“Ako nga anak, kumusta ang pakiramdam mo?”
“Medyo mabuti-buti na po. Ano ho bang nangyari?” nagugulumihanang tanong niya, pagkuwan ay napakunot noo.
“Natagpuan ka ni Sean na walang malay habang nakahandusay sa sahig. Ang sabi ng doctor stress at fatigue daw ang dahilan.” Tugon nito habang patuloy na hinahaplos ang kanyang noo.
“Pasensya na po kaypo kung naistorbo at napag alala ko pa kayo.” Hinging paumanhin niya sa ina.
“Huwag mong alalahanin iyon, ang mahalaga ay maayos na ang pakiramdam mo.” Anito.
Tumango-tango si Sugar saka tahimik na muling inilapat ang likod sa kama at akmanag muling pipikit ng biglang may naalala.
“Ma, ano nga palang napag-usapan ninyo ni Sean?” aniyang sa pilit na pinakalmang tinig. Lihim na nangangambang baka marinig nito ang mabilis na tibok ng kanyang puso.
Kitang-kita niya ang pag-ilap ng mga mata nito habang umiiwas ng tingin sa kanya bago siya pinakatitigan ng mataman.
“Sa palagay mo ano ang pag-uusapan namin?” balik tanong nito.
Pakiwari ni Sugar ay nanlamig ang buo niyang katawan habang nakamata sa ina, hoping against hope na hindi sinabi ng lalaki dito ang lahat ng namagitan sa kanila.
Marahang ikinibit niya ang mga kalikat sa kawalan ng sasabihin, kaya nagpatuloy ito.
“Nang sabihin mo sa akin na samahan kita dito ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang nasa loob mo, kung bakit ganoon nalang ang pagnanais mong isama ako dito pero nakiayon ako sayo dahil ayaw kong mawala ang pagkakataon na makasama ka at damayan sa suliranin mo.” Mahabang wika nito.
Mariing nakagat ni Sugar ang pang-ibabang labi, saka hilam sa luha ang mga matang inabot ang kamay ng ina at idinikit iyon sa sariling pisngi.
“I’m so sorry ‘ma.” Humihikbing aniya dito. “I’m so sorry,”
“Ayos lang iyon anak, huwag mong alalahanin iyon. Sana lang ay huwag mong sarilinin kung ano man iyang sarilinin iyon. Sana bilang ina mo ay pagkatiwalaan mo ako.” Malumanay na anito bago siya kinabig payakap dito.
Huminga siya ng malalim sa mga bisig nito, pagkuwan ay nagpunas ng luha saka matamang tumitig sa ina. Its about time to confess to her about everything, from the very beginning till the end.
Kitang-kita ang labis na pagkagulat at iba pang emosyon sa mukha ng matanda habang namamanghang nakatitig sa kanya habang isinasalaysay niya dito ang mga pangyayari bago pa man siya umalis ng China at umuwi ng Pilipinas.
“Sugar, anak?”
“Walang namagitan sa amin ni Casper mama, iyon ang totoo. Si Sean, si Sean ang unang…” luhaang aniya habang nakasubsob sa dibdib ng ina.
Tahimik namang patuloy nitong hinaplos ang likod niya.
“Malulutas natin ito anak, huwag kang mag-alala. Kung wala ka talagang nararamdaman kay Casper. Hindi mo kailangang magpakasal sa kanya.” Determinadong wika nito habang nanatiling nakabalot sa kanyang katawan.
“Pero wala pa ring patutunguhan ang kung ano mang namagitan sa amin ni Sean Mama,” mahinang aniya rito.
“At bakit wala?” mataas ang tinig na anito sa kanya.
“Dahil kailangan niyang panagutan si Shara. I think he got her pregnant.” Pigil ang hiningang pag amin niya dito.
Malakas na pagsinghap ng ina ang pumuno sa loob ng hospital suite ni Sugar, pagkuwan ay isang napakahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
“Pag-isipan mong mabuti kung ano ang gagawin mo anak, mahirap makisama sa isang tao lalo na kung wala kang nararamdaman para dito.” Mahinahong at puno ng pagmamahal na payo nito sa kanya.
Muli, lihim na nakagat ni Sugar ang labi sa sinabi ng ina. Hindi napiligan ang pag-agos ng luha sa mga mata at paninikip ng dibdib.
Sa una-unahang pagkakataon ay naramdaman niya ang aruga ng isang ina. Arugang dalawampong taon niyang pinangarap.

Sugar Spice And Everything Hush: SugarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon