Chapter Twelve (Part Two)

265 13 0
                                        

MALAKAS NA napasinghap siya sa labis na gulat, pagkuwan ay napalitan iyon ng relief sa katotohanang wala na siyang guilt feeling sa hindi niya sana pagsipot sa kasal nilang dalawa. Matagal pa siyang nakipag-usap sa mag-asawa at hinayaang humupa ang bugso ng damdamin at magkaroon sila ng kapanatagan pare-pareho.
Makalipas ang mahabang sandali ay nagpa alam na din si Sugar sa mga kasama niya at nagpatiuna nang umuwi. Pakiwari niya ay sagad na ang enerhiya niya sa umagang iyon.
At sa labis na pagmamadali niyang makalabas ng hotel na iyon ay di sinasadyang bumanga siya sa isang matigas na dibdib at matipunong mga braso ang mabilis na umalalay sa kanya ng muntik na siyang bumagsak sa baldosa.
“Opppsss!”
“Ahhh!”
Magkasabay na anila sa labis na pagkabigla. Nang akatayo ng maayos ay agad niyang sinino ang nakabanggaan.
At ganoon nalang ang gulat niya ng mapagsino ito.
“S-sean?” puno ng pagtatakang aniya sa binata. “Anong? Anong ginagawa mo dito?” nauutal na usal niya. Saka lumingon sa likuran, upang alamin kung sumunod ba sa kanya ang mga kasamahan kanina. Saka pa lamang siya nakahinga ng maluwag ng mapansin na hindi pa sumusunod ang mga ito sa kanya.
Mabilis na hinila niya ang kamay ng lalaki pagkuwan ay dinala ito kung saan nakapark ang sasakyan niya at mabilis na sumakay doon.
“Get in!” aniya namimilog ang mga matang nakamata dito.
Ilang ulit na napakurap ito sa kanya bago nagawang sumakay sa passenger seat. Nang makapasok ang lalaki ay saka pinakawalan ni Sugar ang pinipigil na hininga.
“What the hell are you doing here?” impit na singhal niya dito, bago hinarap ag lalaki.
Wala naman itong kibong nakamata lang sa kanya. Bumukas sara ang bibig.
“What?” aniyang pinanlakihan ito ng mga mata.
Umangat ang sulok ng labi nito, pagkuwan ay may sumilay na maliit na ngiti doon.
“Really?” hindi naitago ang ritasyon sa tinig niya habang nakamata sa lalaki.
“I must be mad,” wika nito ng paningkitan niya ito ng mga mata. “I know I should not be here but here I am.”
“Wala namang nagsabi sayo na pumunta ka dito.” Sikmat niya dito.
“Yeah,” tugon nitong nakatingin ng deretso sa harap ng sasakyan. “Pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong pumunta para makita sa huling…”
“Anong palagay mo sa akin? Mamatay na!” paangil na aniya sa lalaki.
Matalim ang mga matang nilingon siya nito bago magkalapat nag mga labing nagwika. “Watch your mouth, Lady.” Matalas na anito. “Knowing you’re marrying someone kills me inside, Sugar.” Madamdaming saad nito habang nakapako ang mga mata sa harapan.
Lihim na napasinghap si Sugar sa sinabi ng lalaki. Nang tumingin ito sa kanya ay puno ng samo’t saring emosyon ang mga mata patungkol sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang kakaibang bilis ng tibok ng kanyang puso habang nakamata sa sa binata.
“I can’t do this, Sugar.” Tila hirap na wika nito sabay gagap sa mga palad niya. “Hindi ko kayang isipin na ibang lalaki na ang makakasama mo, ang makakatabi mo sa pagtulog. Ang hahalik at yayakap sayo.”
Awang ang mga labing nanatili siyang nakamata dito at nakikinig ng confession ng binata.
“I love you, Sugar. Eversince I laid my eyes on you.” He said in a husky voice that made Sugar gasped for air.
“S-sean…” bigkas niya sa pangalan nito sa garalgal na tinig.
“Yes, babe?” tugon naman nitong hilam sa luha ang mga mata.
Mariing nakagat ni Sugar ang pang-ibabang labi upang pigilin ang hikbing bumara sa kanyang lalamunan.
“You know I’m full of flaws, that I’m not perfect. I’m just…”
“Neither I am, babe.” Putol nito sa mga sasabihin niya. “And I love you still.”
“Ohhh, Sean! I love you too.” Aniyang tuluyan ng hinayaang pumatak ang mga luha. Pagkuwan ay mahigpit na yumakap dito at isinubsob ang sarili sa matipuno nitong dibdib.
At ng hawakan siya nito sa baba at unti-unting inangat ang mukha niya pasalubong sa mukha nito ay buong puso siyang pumikit at hinintay ang paglapat ng mga labi nito sa nakaawang niyang labi. He whisper how much he loves her and seal it with a kiss.

Sugar Spice And Everything Hush: SugarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon