Chapter Seven

280 12 0
                                        

NAHINTO sa paghakbang si Sugar papasok sa kusina ng makarinig ng masayang hlakhakan mula sa loob, base sa lakas ng halakhak ay alam niyang madaming tao sa kusina. Marahil ay naggagayak na ng lulutuin ang kanyang ina para sa pananghalian at katulong nito ang mga kasamahan. Kaya nagpatuloy siya sa pagpasok sa loob, upang mapahinto lang muli sapagkat bukod sa kanyang ina at tatlong kasamahan nito ay may dalawang lalaki at isang babae din sa kusina.
“Oh!” nabilang sambit niya saka napahinto sa paghakbang.
“Sugar, anak nandyan ka pala!” ani ng kanyang ina saka mabilis na inilapag ang tangan na bowl at lumapit sa kanya at inikay siya palapit sa grupo ng mga nadatnan niya.
“Mga anak, ang anak ko nga pala, si Sugar. Sugar, sila naman ang mga matalik na kaibigan ni Sean. Si JC at si Sanji.” Pakilala nito sa dalawang lalaki. Na agad namang inilahad ang palad sa kanya at nakipagkamay.
“Hey, atlast we’ve meet. Nice to meet you!” ani ng lalaking nangangalang Sanji.
“Nice to meet you, welcome to the philippines.” Ani naman ni JC na nkaipagkamay din sa kanya.
“Nice to meet you too,” tugon niyang napangiti.
“Dumating sila kahapon kaya lang wala ka pa, pag-uwi mo naman sila ang lumabas ng hacienda at nagtungo sa bayan.” Ani ng kanyang ina. Bahagya siyang tumango pagkuwan ay napabaling sa babaeg tahimik lang din na nakamasid sa kanya.
Tipid niya itong nginitian, pagkuwan ay binati na rin.
“Hi!”
“Hi!” malumanay na tugon nito.
“Siya naman si Shara, kaibigan ni Sean na taga kabilang Hacienda.” Wika ng mama niya tukoy ang babae.
Muli, tumango siya pagkuwan ay pasimpleng pinagmasdan ang babae. Nakasuot ito ng kulay dark gray na long sleeve polo na itiniklop sa magkabilang braso, kulay dark blue na palda na umabot hanggang kalahati ng tuhod ang haba na may maluwag na laylayan at kulay itim na cowboy’s boots. Tanging kulang nalang dito ay cowboy’s hat at tipikal na itong haciendera sa mga old movies na pinanonood ng lola niya.
“So, how’s Philippines?” pukaw sa kanya ni JC habang nagsasalin ng malamig na tubig sa baso.
“Hmmm,” aniyang bahagyang natigilan. “I have’nt been around much lately.” Aniyang napangiwi. “But Albay is great.” Dugtong niya sa sinabi.
“Oh,” tila nagulat na sambit naman ni Shara. “Bakit hindi ka mamasyal sa mga karatig na bayan, I’m sure magugustuhan mo doon.” Anito.
“Nakakapamasyal naman ako, kaya lang medyo busy lang talaga ako sa work ko sa ngayon kaya di muna ako lumalayo.” Aniya sa mga ito.
“So, hindi talaga bakasyon ang iniuwi mo dito?” muling usisa ni Shara.
“Its more on work with pleasure.”
Bahagyang kumunot ang noo nito bago tumango ng ilang ulit.
“So sad,” komento nito bago dinampot ang cowboy’s hat na nasa tabi nito na hindi niya napuna kanina.
“Aalis na po ako Manang, gagawa pa kasi ako ng lesson plan.” Paalam nito sa knyang ina, bago hinarap ang dalawang lalaki. “Maiwan ko na kayo guys, pakisabi nalang kay Sean na dumaan ako dito.” Anito sa dalawa. Sabay namang tumango ang dalawang lalaki.
“Huwag kang mawawala sa birthdday ni Spice, hane.” Wika dito ng kanyang ina.
Agad naman itong tumango at ngumiti ng matamis, “Hindi ko po iyon palalampasin.”
Nang makaalis ang dalaga ay nagpaalam na din ang dalawang lalaki na may pupuntuhan kaya tuluyan na siyang pumasok ng kusina at naupo sa tabi ng kanyang ina.
“Ang pogi talaga ni Sir JC at Sir Sanji ano?” ani Bebang sa katabing si Inday habang naghihiwa ng carrots.
Tila kinikilig naman na napahagikhik si Inday, habang natawa nalang ang kanyang ina sa tabi niya at umikot naman ang mga eyeballs ni Mara.
“Hay naku, nagsimula na naman ang dalawang hibangers.” Wika ni Mara.
“Hay naku, palibhasa wala kang ka romance-romance dyan sa katawan mo, kaya bitter ka!” angil naman ni Bebang dito.
“At kayo naman nasobrahan na sa kababasa ng mga kalandian na iyan kaya akala ninyo, kesyo gwapo at mayaman prince charming na.”
Akmang sasagot naman si Inday ng sawayin ang mga ito ng kanyang ina, siya naman ay natawa na lang.
“Pero infairness kay Ma’am Shara ha, hindi pa rin siya nagsasawang manligaw kay Kuya Sean hangang ngayon.” Wika naman ni Inday na nagpatango sa dalawang katabi nito.
Maang namang napatitig siya sa tatlo, malakas ang kabog ng dibdib.
“Si Sean at si Shara?” hindi napigilang usisa niya.
Nagkatingin ang mga ito pagkuwan ay napalingon sa kanyang mama.
“Halos magkababata din si Sean at iyang si Shara, nagkahiwalay lang sila ng mag-aral sa Manila si Sean at mangibang bansa. Pero ng bumalik, inaasahan ng lahat na magkakatuluyan na sila.” Mahabang paliwanag ng kanyang ina.
“Dahil parehas sila ng estado sa buhay?” aniyang may pait sa tinig.
Tila naman nadama iyon ng kanyang ina kaya agad itong nagpaliwanag.
“Hindi lang dahil sa estado sa pamumuhay, kundi mabait na bata iyang si Shara. Kahit nakaaangat din naman sa lipunan ay hindi mahirap hingan ng tulong. Bukod sa pa kahit pa maari naman siyang magturo sa Kamaynilaan upang mas mapaganda ang kanyang posisyon ay pinili niya ang lugar natin upang makatulong sa mga kabataan dito sa atin.”
A teacher and a rancher. Nice match. Mahinang aniya sa sarili. Pagkuwan ay walang kibong dinampot ang carrot sa tapat ni Mara at nagsimulang kainin iyon.
“Oo nga pala, wala ka bang gagawin ngayon?” usisa ng mama niya habang kinukuha ang may kalakihang kaserola sa sink at isinalang iyon.
“Babalik po ako sa ilog, hinihintay ko lang po si Sean para matapos na po iyong huling piece ko.” Aniyang napahugot ng hininga.
Agad namang napalingon sa kanya ang ina.
“May problema ba?” anitong may bahid ng pag-aalala ang tinig.
“Wala naman po, nag-aalala lang ako na baka hindi siya pwede ngayon.” Liar!
“Hindi naman siguro. Nagbilin kasi siya na sabihin ko daw sayo na hintayin siya para sabay na daw kayong pumunta ng ilog.” Wika ng mama niya.
“Ah,” mahinang anas niya bago tumayo. “Okay po, pupunta nalang muna ako ng kwadra para silipin iyong mga kabayo.” Paalam niya sa mga ito bago tumayo. Bitbit ang bowl ng greenpeas na iniabot ni Bebang sa kanya.
“Sige, mag-iingat ka ha. Bumalik ka bago magtanghalian.” Bilin ng ina na kanya nalang tinanguan at nagtungo na sa direksyon ng kwadra ng mga kabayo. Halos kalahating oras na siyang nag-iikot doon ng makaramdam ng pagkainip kaya mabilis na nagtungo sa isang bakanteng silid na ipinahiram sa kanya ni Sean upang gawing studio at kinuha doon ang kanyang mga kagamitan sa pagpipinta. Pagkuwan ay mabilis na nagtungo sa ilog sakay ng kulay abuhing arabian breed na stallion.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagguhit ng may malagom na tinig ang tumikhim sa likuran niya. Gulat na napalingon siya sa pinanggalingan ng tunog ng bumungad sa kanya ang lalaking kasalukuyang nagbababa ng isang basket sa latag na blanket.

Sugar Spice And Everything Hush: SugarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon