Chapter Ten (Part Two)

197 7 1
                                    

“THERE you are!” wika ng isang babae sa likod niya na pamilyar sa kanya. Alam niyang kahit nasa kalagitnaan siya ng dilim ay makikilala niya ang tinig na iyon, dahil nag iisa iyon sa buong isla Victoria. Sultry and seductive, yet doesn’t make him turn on a bit.
“Shara,” pormal na bati niya ng harapin ito.
“Sean, can we talk?” wika nito sa mahinahong tono.
“I’m sorry Shara, huwag ngaun. May-,”
“It’s about Sugar.” Mabilis na putol nito sa sasabihin niya.
“What about her?” aniyang napaharap dito.
“Kung pwede sana, sa pribadong lugar.” Patuloy nito.
Walang kibong tumayo siya sa kinauupuan at tinanguan si Sanji, pagkuwan ay sumunod sa babaeng nauna ng lumabas ng bar. Naabutan niya itong nakatayo sa gilid ng kotse nito habang may kung anong pinipindot doon.
Nang makalapit siya dito ay walang imik na ini-abot sa kanya nito ang cellphone nito habang nagpi-play doon ang isang video. Kunot noong pinanood iya iyon habang unti-unting lumalakas ang kabog ng dibdib.
No. it can’t be. Hindi ang dalaga ang uri ng babaeng gagawa ng ganitong Gawain dahil lang sa gusto nito.
“Saan mo ‘to nakuha?’ tiim bagang na tanong niya sa kaharap, pilit na huminga siya ng malalim upang paluwagin ang naninikip na dibdib habang nakamata sa babae.
Bahagya naman itong napaatras at tumugon sa nanginginig na tinig.
“Sa kaibigan ko sa China. Kilala niya iyong guy. And she discover that the two are about to get married in a week or so. She assumed because of that scandal. Since both parties are well known in China.” Mahabang wika nito.
Mariing nahawakan ni Sean ang cellphone ni Shara, habang walang kurap na nakamata lang sa babae. Pagkuwan ay walang kibong isinauli dito ang aparato at pagkatapos ay walang salitang umalis sa lugar na iyon.
Mabilis na kinabig ni Sean ang manibela ng makasalubong ang isang malaking truck, he was never a reckless ever since their parents died in such a tragic accident. He never drive past the limit. Until now. This very moment.
“Damn!” mariing wika niya sabay hampas ng manibela. “Damn! Damn! Damn!”
Mariing nahawakan niya ang buhok saka isinubsob ang sarili sa manibela at hinayaang tumulo ang luha doon. Hindi niya alam kung kanino ba siya mas nagagalit, kung sa dalaga ba o sa kanyang sarili mismo.

Sugar Spice And Everything Hush: SugarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon