MAHIGPIT NA hinawakan ni Sean ang baso ng alak habang nakaupo sa harap ng bar. Naroon ang matinding pagtitimpi na ibato ang baso. Hindi siya makapaniwalang sampung araw na ang nakararaan simula ng magpaalam ang mag-inang Solidad at Sugar upang magtungo sa China. At ng usisain niya ang matanda dahil ayaw makipag-usap sa kanya ng dalaga ay wala itong ibang naibigay na detalye maliban sa biglaang kasal ng babae sa business partner ng ama nito. Sean’s suspected that it was an arrange marriage and Manang Sol confirmed it for him. Ngunit ang di niya maintindihan ay kung bakit pumayag si Sugar doon, lalo pa at mayroon nang namagitan sa kanilang dalawa. She was a virgin at the top of that.
“Have you talk to her?” ani Sanji habang nakaupo sa kanyang tabi.
“How can I talk to someone who’s not interested to pick up the call?” tugon niya sa maasim na tono.
Mataman siyang pinagmasdan ng kaibigan pagkuwan ay muling ipinagpatuloy ang pagsimsim ng alak sa baso nito.
Hindi na niya namalayan kung gaano sila katagal walang kibuan ng bigla kalabitin siya nito. Kunot noong nilingon niya ito, nagtatanong ang mga mata.
“Hindi kaya may iba pang dahilan kung bakit ayaw ka niyang kausapin?” wika nito sabay baling sa pinto na tila ba may kung ano o kung sino itong nakita doon.
“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang aniya habang sinusundan ng tinggin ang bababeng palapit sa grupo ng mga parokyano sa bar na iyon.
“Hindi kaya isa siya sa dahilan kung bakit ayaw kang kausapin ni Sugar?”
“Walang dahilan para madamay si Shara dito, Sanji. Dahil-”
“Nakita kong nag-uusap kayo ni Shara ng gabing iyon sa Garden at hindi sinasadyang marinig ang ibang pinag-uusapan ninyo kaya nagmamadali akong umalis noon. That was the time that I saw Sugar’s behind. I tought, I’m just drunk.”
“Nakita mo siya ng gabing iyon na nasa garden habang nag-uusap kami ni Shara?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Oo,”
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” nagdududang aniya rito.
“Nakalimutan ko, may iniisip din naman ako ng gabing iyon ano.” Defensive na wika nito.
“Ano sa palagay mo ang narinig niya sa pinag-uusapan namin ni Shara?” malakas ang kabog sa dibdib na aniya.
“I don’t exactly remember. But I think its about the part that you were not yet ready to face that huge responsibility.” Wika nito. “Dude, If only I didn’t know you, iisipin kong you got her knocked up.”
“Fuck!” he cursed under his breath. Noon niya pinagtagni-tagni ang mga sinabi at nagging reaksyon ni Sugar ng magkita sila kinaumagahan. She was so furious and saying something he can’t comprehend.
Iyon ba ang dahilan kung bakit bigla itong umuwi ng China at pumayag sa arrange marriage na sa palagay niya ay tinakasan nito kaya ito nagpunta sa Pilipinas. O baka naman may iba pang dahilan? Baka talagang balewala sa dalaga ang lahat ng namagitan sa kanila? Baka katulad din ito ng ibang babae na binabalewa ang lahat magkaroon lang ng mas magandang buhay sap ling ng iba.
Fuck! His a multimillionaire himself! At sigurado siyang kaya din niyang ibigay ang kinasanayang luho nito kung iyon lang ang habol nito sa lalaking pakakasalan nito. Maliban pa doon ay kaya din niyang dalhin sa ika pitong langit ang babae kung pagdating lang sa kama ang magiging problema nila, o baka nga lumampas pa sila doon.
BINABASA MO ANG
Sugar Spice And Everything Hush: Sugar
Roman d'amourTeaser Bata pa lang si Sugar ng maghiwalay ang mga magulang niya at dalhin siya ng ama sa China upang doon na manirahan, at sa loob ng mga panahong lumalaki at nagkakaisip siya ay nagging iba ang pananaw niya tungkol sa pakikipagrelasyon. At sa toto...
