KUNOT ang noong nilagpasan ni Sugar ang kinauupuan ng mga kaibigan ni Sean ng mapunang wala doon ang binata. Wala siya sa mood makisalamuha sa mga ito kahit isa siya sa mga tumulong para sa birthday party ng nakababatang kapatid ni Sean na si Spice.
Kailangan niyang makausap ang binata tungkol sa huling piece na kailangan niya para sa exhibit niya. Ngunit alam niyang deep inside ay hindi lang iyon ang nais niya sa binata, deep inside ay gusto niyang masolo ito lalo na at nakita niya ang dati nitong kasintahan na si Shiara na dumating kasama ang ibang tauhan ng Hacienda Fajardo.
Akmang liliko siya sa sa pavement papuntang likod bahay ng makarinig siya ng nagtatalong tinig sa likod ng matataas na halaman. Puno ng kuryusidad na lumapit siya doon upang makinig kung sino ang naroon.
“Please, I’m begging you. Hindi ko kakayaning mag-isa ito.” Tinig ng isang babaeng nagsusumamo. Hindi pamilyar sa kanya ang tinig na iyon.
“I can’t, Shiara.” Tugon naman ng baritonong tinig. Pakiwari ni Sugar ay pinanlamigan siya ng buong katawan ng marinig ang tinig na iyon. Even in her dreamstate she can and she would recognize that voice.
“I needed your support, Sean. Please!” impit na paungol na ani naman ni Shiara.
“I’m not yet ready for that, Shiara. For pete’s sake! Marami pa akong kailangang ayusin at tapusin bago ko magagawang pumasok dyan.” He said in frustrated tone.
Namimilog ang mga matang humakbang siya paatras palayo sa lugar na iyon. Hindi na niya kailangang makinig pa sa kabuuan ng usapan ng dalawa, base sa takbo ng usapan ng mga ito ay alam na niya kung ano iyon, at ayaw panagutan ng binata ang responsibilidad nito sa babae.
Paliwari niya ay sasabog ang ulo niya sa realisasyong habang nagpapasaraya siya sa kandungan ng binata at paulit-ulit na inaabot ang langit ay mayroon isang taong nagdudusa sa pangbabaliwala nito.
Tiim ang mga bangang na patuloy siyang naglakad palayo sa pinagkukublihan, hilam sa luha ang mga mata. Nang papasok na siya sa pinto ng mag vibrate ang tangang cellphone. Agad na sinipat niya iyon upang mapagsino ang tumatawag ng mapakunot noo, at makaramdam ng panibagong kabog ng dibdib.
“H-hello?”
“Sugar?” baritonong wika ng nasa kabilang linya.
“Yes,” halos hindi humihingang tugon niya. knowing to herself that she can and she would recognise this cold baritone voice at the other line.
“Where are you?” muling wika nito na nagpakunot ng noo niya. tatlong buwan na halos ang lumilipas bago pa nito naisip hanapin siya o ngayon lang nito narealize na may fiancee pala itong kasalukuyang nagwawala.
“Home,” tipid niyang tugon.
“What do you mean ‘home’?” asik nito na may bahid na iritasyon ang tinig.
“I’m home, where else would I be?” ganting asik niya.
“Don’t tell me your in China right now?” anito sa patag na tuno.
Naii-imagine ni Sugar ang malalim na gatla sa noo nito na nagpa-ikot ng eyeballs niya.
“I’m here in the Philippines.”
Narinig niya ang marahas na pagbuga niti ng hangin sa dibdib, bago muling nagsalita.
“Good. We’re here in Legazpi tower, together with your father. Come over here.” Turan nito bago pinatay ang tawag.
Malakas na napasinghap si Sugar sa huling tinuran ng lalaki, hindi makapaniwalang pupuntahan siya nito. Malaki ang hakbang na tuluyan siyang pumasok sa loob ng Villa at nagtungo sa inuukupang silid. Pagkuwan ay kinuha nag overnight bag niya at importanteng gamit. Kailangan niyang magpunta sa tinutuluyan ng Casper at ng kanyang ama bago pa ang mga ito ang makaisip pumunta sa kanya. Ayaw niyang mabigla ang kanyang ina sa tunay na dahilan ng pag uwi niya ng Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Sugar Spice And Everything Hush: Sugar
RomantizmTeaser Bata pa lang si Sugar ng maghiwalay ang mga magulang niya at dalhin siya ng ama sa China upang doon na manirahan, at sa loob ng mga panahong lumalaki at nagkakaisip siya ay nagging iba ang pananaw niya tungkol sa pakikipagrelasyon. At sa toto...