NAKAUPO SA single sofa si Sugar habang masayang pinanonod ang kanyang ama’t inang nagtatalo kung saan ilalagay ang ginawang dessert ng mama niya. Habang ang kanya namang abuelo at abuela ay abala din sa pagmamando sa kasambahay nila sa pag-aayos ng hapag kainan..
Nang hindi nakatiis ay tumayo siya sa pagkakaupo at malaki ang hakbang na lumapit sa mga ito at natatawang nagwika.
“What’s going on? Why are you all so frantic, it’s just Sean coming over.” Paalala niya sa mga ito.
Tila naman walang narinig ang mga ito at nagpatuloy lang sa ginagawa. Kaya napailing nalang na muli niyang tinalikuran ang mga ito at muling bumalik sa sittee.
Pang limang beses nang bumisita si Sean sa kanila simula ng magkamabutihan silang dalawa ng binata, at sa tuwing bumibisita ito sa kanila ay tila ba nagkakaroon sila ng panauhing pandangal sa labis na pag-iistima dito ng mga kasama niya maliban noong unang beses na pumunta ito sa kanila.
Malaking tulong na din ang halos pagpapalaki na ng kanyang mama sa binata upang pagkatiwalaan ito ng lahat. Lalo na at nagkaroon na rin ng linaw ang totoong nangyari sa kanyang mama at papa at ang tuluyang pagbibigay ng permiso ng kanyang lolo at lola sa dalawa na maging isang ganap na mag-asawa. Isa na rin dahilan doon ay ang pananatiling tapat ng kanyang ina sa kanyang ama sa loob ng mga panahong hindi magkasama ang dalawa.
“Oh, love…” napapailing na aniya habang masayang nanonood sa galaw ng bawat isa. At ng tumunog ang cellphone niya ay mabilis na sinagot niya iyon ng mapagsino ang tumatawag.
“Babe,” buo ang tinig na ani ng nasa kabilang linya.
“Yes?” malakas ang tahip ng dibdib na tugon niya. Hindi maipaliwanag ang labis na kaba at saya sa tuwinang naririnig niya ang boses nito.
“I can’t come in.” natatawang anito sa kanya. Naiimagine niya ang bahagyang pagkamot nito sa ulo tanda ng pagkapahiya.
“Bakit?” nagtataka naman niyang tanong sapagkat kilala na ito ng kanilang guard.
“Hmmm…” anitong tila nag-alangan kung sasabihin ba sa kanya o hindi ang dahilan.
“What’s wrong?” hindi maiwasang kabahan na usisa niya dito.
“May problema ba anak?” ani ng ina na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya.
“Hindi daw kasi makapasok si Sean, ‘ma. Hindi ko pa alam kung bakit.” Tugon niya ditong naguguluhan ang tinig.
Maging ito ay kumunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Iisa ang nasa isipan nila, hindi maaring hindi ito papasukin ng guard dahil kilala na ito noon.
“Maybe you should just pick him up.” Suhestyon ng ama na nakikinig sa usapan nilang mag-ina.
Sabay na tumango si Sugar at ang kanyang mama bilang pagsang-ayon sa sinabi ng ama.pagkuwan ay kinuha niya ang susi ng Mercedes benze ng papa niya at sabay silang lumakad ng ina palabas ng pinto.\
Subalit laking gulat niya ng pagbukas niya ng pinto ay mayroon doong nakasandal na isang boquet na halos mataas pa sa kanya. Mabilis na niyakap niya iyon upang hindi tuluyang bumagsak sa sahig.
“Woah!”
“Shit!” magkapanabay na anila ng tinig ng isang lalaki na mabilis na sumaklolo sa kanya upang siya man ay hindi bumagsak sa sahig.
“Be careful,” masuyong sambit nito habanag nanatiling nakapulupot sa bewang niya ang dalawang braso.
“Hey, you” hindi napigilang sita niya dito. “Akala ko ba hindi ka makapasok?” mahinang singhal niya dito.
Natatawang napakamot ito sa ulo, saka napasuyap sa mga magulang niyang nasa likuran nila.
“Oh, that.” He said in a baritone voice.
Tumaas ang kilay niya sa naging tugon nito.
“Oh, that?” gagad niya dito.
Again, he flush his boyish smile and look behind her. And when he saw her family gather behind, he slowly kneel down in his one leg.
“A-anong ginagawa mo?” natatarantang aniya sa lalaki.
“Sugar Lim, will you marry me?” madamdaming anas nito habang nakaluhod, hawak sa kanang kamay ang isang kulay pulang kaheta na naglalaman ng isang makintab at malaking bato.
Samot-saring reaksyon ang narinig ni Sugar mula sa kanyang likuran.
“Say yes!” magkakasabay na ani ng mga nasa likuran niya.
Nalilitong nilingon niya ang mga ito bago niyuko ang lalaki. Nakaluhod pa rin ito at naghihintay ng sagot niya.
“Please?” muling wika nito habang nakatitig sa kanya ang itimang mga mata na puno ng pag-ibig para sa kanya.
Natatawang hinila niya ito sa isang kamay kahit bahagyang nahihirapan sa bigat ng yakap na boquet.
“Of coarse!” magkahalong tuwa at galak na tugon niya dito. “Ngayon pa ba naman ako mag-iinarte?’
“Oh god! Thank you! Thank you!” masayang wika nito sabay yakap sa kanya kahit nakapagitan sa kanila ang mga bulaklak. “I love you babe,” paos na wika nito bago sinakop ang kanyang labi na tinugon naman niya sa kapaerehong init.
At kung hindi dahil sa mga kakaibang reaksyon na narinig nila sa kanilang likuran ay hindi pa sila hihinto.
At ng lingunin niya ang mga ito ay napuna niya ang nanunudyong tingin na ibinato ng mga ito sa kanila na labis na nagpula ng kanyang mukha.
“We need to talk young man,” ani ng kanyang abuelo habang blangko ang eksresyon ng mukhang nakatitig kay Sean. “We have to settle when is the date.”
BINABASA MO ANG
Sugar Spice And Everything Hush: Sugar
RomanceTeaser Bata pa lang si Sugar ng maghiwalay ang mga magulang niya at dalhin siya ng ama sa China upang doon na manirahan, at sa loob ng mga panahong lumalaki at nagkakaisip siya ay nagging iba ang pananaw niya tungkol sa pakikipagrelasyon. At sa toto...
