Chapter Ten (Part Four)

216 9 0
                                    

SIOBE, hindi mo kailangan itali ang sarili mo sa isang kasal na lam mong magiging impyerno lalo na kung may isang tao sa bando roon na posibleng naghihintay o nagmamahal sayo.”
“What if, hindi naman pala niya ako mahal?” aniyang puno ng pait at pag-aalangan ang tinig.
Ito naman ang natahimik. Pagkuwan ay nagwika makalipas ang ilang sandali.
“Siguro naman ay hindi ka niya tatawagan ng tatawagan kung hindi ka niya mahal o wala siyang nararamdaman para sayo diba?” anito.
“Paano kung kaya niya lang pala ako tinatawagan ng tinatawagan ay dahil sag alit siya sa akin? What if nalaman niya na ikakasal na pala ako at isusumbat niya sa akin iyon, na isispin niya na pinaglaruan ko lang siya?” alanganin pa ring wika niya.
“Saka bakit imbes na puntahan niya ako ay tumawag lang siya?” aniya pa.
Muling natahimik si Shin Yie habang matamang nakatitig sa kanya/.
“What if, kaya pala hindi na siya tumatawag ngaun ay dahil nagkamabutihan na sila ni Shara ng tuluyan?” aniya pa..
Matalim na nagbuntung hininga ito, pagkuwan ay pilit na iniharap siya dito saka pinakatitigan sa mga mata. Pagkuwan ay masuyong inayos ang gulo-gulo niyang buhok bago inilagay sa magkabila niyang balikat ang maiinit nitong palad.
“That my dearest friend is the question we can only ask ourselves since we’re both here. Wondering about what if’s.”
Nanlulumong naihilamos ni Sugar ang dalawang palad sa mukha. Pagkuwan ay hinayaang tumulo ang luha doon.
Tatlong araw nalang ay ikakasal na sila ni Casper. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sigurado kung nais nga ba iyang otuloy iyon at hayaan na lamang na lihim na magdusa habang kapiling ang lalaki, o maglalakas loob siyang umatras at bumalik ng Pilipinas upang magkaroon ng linaw ang relasyon nila ni Sean. Hoping against hope that what happen between them are not purely sexual desired, but there’s love somewhere.
“Oh, Sugar.” Anitong mahigpit siyang niyakap mula sa  likod. “You were aalways smart, carefull about things you had to do.”
“I know.” Tugon niyang patuloy ang pagluha. Lagi niyang pinag-iisipan ang magiging hakbang o lahat ng desisyon dahil ayaw niyang matulad sa kanyang ama na mas piniling iwan ang kanyang ina at I manage ang kanilang kompanya.
“Don’t worry, maybe things are not wonderful right now but wgo knows?” anito habang nanatiling nakayakap sa likuran niya. “Some freakingly handsome superman saves you in this disastrous upcoming wedding.”
Mahinang natawa siya sa sinabi nito, pagkuwan ay marahang nagpunas ng luha sa mga mata.
“And where in the world he would come from?” natatawang aniya rito.
“Anywhere but here,”
“Ha ha, okay.”
Ilang sandali pa ang lumipas bago ito nagpaalam sa kanya. Ng makaalis ito ay hindi na namn ni Sugar mapigilan ang tahimik na paghikbi. Habang nasa isipan kung ano ang posibleng mangyari kung nakipag usap siya o kinumpronta niya si Sean ng makabalik siya mula sa pakikipagkita niya sa kanyang ama at kay Casper bago sila umalis papuntang China.
“Ahhhh!” frustrated na aniya saka padarag na ibinagsak ang katawan sa malamig sa tiles.
Habang nakahiga doon ay nakapa niya ang isang malamig at matigas na bagay. Agad na inabot niya iyon, at nang mapagtantong remote control iyon ng kanyang stereo at ini on iyon. Pagkuwan ay ibi-volume iyon ng todo saka inihagis sa isang sulok ang remote control. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa pagkakahiga habang patuloy na dumadagundong ang buong studio niya sa lakas ng tugtog ng stereo niya ng may dulo ng sapatos siyang namataan sa kanyang ulunan.
Mabilis na dumapa siya upang mapagsino iyon ng makaramdam siya ng lamig sa buong katawan. Pakiwari din niya ay nanlambot ang kanyang mga tuhod at nawalan ng buto ang buo niyang katawan.
Naroon sa harapan niya ang lalaking lagging laman ng isipan niya, ang lalaking hinahangad niyang makasama at magkaroon ng pagkakataong mahalin. Katulad ng mga nababasa niya at napapanood sa pelikula at mga nobela.
Tila wala sa sariling dahan-dahang tumayo si Sugar, at hinarap ng binata.
“A-anong? Paano kang nakarating dito.” Nauutal na aniya habang nakamata dito.
“It’s nice to see you too.” Paanas na wika nito, naroon ang panunumbat sa tinig.
Tigagal na napamaang siya dito. Makalipas ang ilang sandali ay napa awang ang mga labi.
“I-…”
Hindi malaman ni Sugar kung gaano sila katagal na nakatayo ng magkaharap, at habang nakatitig siya sa mga mata ng binata ay naroon ang iba’t-ibang uri ng emosyon na kalian man ay hindi niya nakita sa buong panahon na magkasama.
There’s a longing, bitterness, pain, anger and compassion in his eyes. But more on hatred. He was looking at her with resentment in his eyes.
Nanghihinang napaatras si Sugar palayo sa binata, nanlalabot man ang mga tuhod ay hindi siya nagpahalata dito, bagkus ay pinilit maupo sa stool sa harap ng kanyang canvass at nakipagtitigan doon. Noon siya unti-unting nakaranas ng kapanatagan.
“So,” basag nito sa pananahimik niya. “This is what you’ve been doing here.” Sita nito habang umiikot ang paningin sa kabuuan ng kanyang studio. Pagkuwan ay nagpunta sa isang sulok at may kinuha doon, pagkuwan ay napuno ng katahimikan ang buong silid.
“Y-yeah,” tipid na tugon niya dito.
Nagpakawala ito malakas na buntong hininga, pagkuwan ay may panguuyaw sa tinig na nagwika.
“This place and you fit together, Sugar. Messy yet classy.” Mapaklang komento nito.
“Yan lang ba ang ipinunta mo dito? Ang punahin ang working place ko at ako.” Iritadong wika niya rito.
“No. I want to confirm something. At gusto kong sayo mismo manggaling ang kompormisyon na kailangan ko.” Magkalapat ang mga bagong na anito saka malaki ang hakbang na lumapit sa kanya.
Bago pa man nakahuma si Sugar ay natagpuan na niya ang sariling nakakulong sa mga bisig nito at nananlakay sa loob ng kanyang bibig ang mapasok nitong labi. Taking all of her. Claiming her.
“S-sean!” singhap niya ng sandaling pakawalan siya nito. Hindi pa man siya nakakabawi ay muli na naming nanalakay ang mga labi nito sa kanya. Maging ang mga braso nito ay mahigpit nang nakapulupot sa kanya. Mabilis na nagpumiglas siya, ngunit tila bakal na lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya nito.
Ang kaninnang mapusok na pagsalakay nito sa mga labi niya ay unti-unting naging banayad, masuyo at naghahanap ng katugon. At katulad ng apoy sa gagamo-gamo, unti-unting nadarang si Sugar sa nanunudyong mga sakalay ng binata kaya tuluyan na siyang tumugon dito.
Ngunit makalipas ang ilang sandali ay mabilis na itinulak siya nito palayo na tila ba nandidiri sa kanya. Ang kaninang poot sa mga mata na akala niya ay napalitan ng pananabik ay muling nagbalik at sa kanya nakatoon.
Naguguluhang tiningala ni Sugar ang binata, ngunit nanatili ito sa kinatatayuan at tila patalim na nakatutok sa kanya ang mga mata.
“What do you want, Sean?” nanginginig sa galit na aniya rito.
Umangat ang sulok ng mga labi nito, pagkuwan ay nang-uuyam na nagwika.
“I still have the same effect on you, nagtataka ako kung bakit mo nagawang pumayag magpakasal sa fiancé mo.”
Hindi siya kumibo, bagkus ay nag-iwas ng tingin dito. Ng nanatili itong nakamasid sa kanya. Saka lamang siya padaskol na sumagot.
“Wala ka ng pakialam doon.” Ingos niya.
“Of course, I heard he’s a business tycoon himself.” Mapaklang wika nito bago siya tinitigan ng matalim simula ulo hanggang paa. Pagkuwan ay nagpatuloy. “He Can provide your every needs and all your whims.”
Tila umayat sa ulo ang lahat ng dugo ni Sugar sa katawan dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwalang aakusahan siya ng lalaki na isa siyang maluho at mababang uri ng babae.
“A-anong sinabi mo?” nanginginig sa galit na aniya rito.
“Mali ba ako ng sapantaha?”
“OO!” madiin niyang wika dito. “Walang katotohanan ang lahat ng iyon.” Tugon niya.
“What then?” anito. Sabay ipinasok ang kamay sa bulsa at kinuha ang smart phone nito doon at may pinindot. “Ito ba ang totoong dahilan, Sugar?”
“Ano yan?” nagugulumihanang tanong niya habang inaabot ang cellphone nito.
Nang bumungad sa kanya ang video na naroon ay pakiwari niya ay binuhusan siya ng nagyeyelong tubig sa buong katawan.
“P-papaanong napunta sa iyo itong video na ito?” nanlalamig na tanong niya dito. Habang nanatiling nakamata sa video na naroon. Patuloy ang pag play niyon ngunit wala doon ang kanyang buong atensyon. Knowing that Sean knows about the video made her feel like grieving. Her heart aches for some reason she cound’nt define.
“Hindi na mahalaga iyon.” Anito,
“So, kaya ka nagpunta dito ay para ipaalam sa akin na mayroon akong sex scandal at gusto mong ipamukha sa akin iyon?” aniya, pagkatapos ay tumayo mula sa pagkakaupo at inayos ang mga gamit sa pagpipinta.
“Ako ang unang nagtanong, sumagot ka nalang.” Anito sa paasik na tinig.
“Wala akong pakialam sa iniisip mo,” Asik niya dito.
“I guess so.” He said coldly and turn around.
Tahimik lang na sinundan ni Sugar ng tingin ang lalaki habang humahakbang ito papunta sa pinto. Pagkuwan ay uminto ito sa bukana niyon at muling lumingon sa kanya.
“I guess I really did make mistake coming here, thinking that maybe this video is nothing, and we really both feel the same way towards each other.” Mahabang wika nito.
“Anong ibig mong sabihin?” aniyang malakas ang kabog ng dibdib.
“Akala ko pareho tayo ng nararamdaman para sa isa’t-isa. Akala ko din pwede nating ipaglaban kung ano man ang mayroon tayo. Isa pala iyong malaking maling akala.” Mapait na anito bago tuluyang humakbang palabas ng studio niya.
“Best wishes sa kasal mo, Sugar. I wish you all the best.”
Hilam sa luhang nasapo niya ang dibdib habang pinanonood ang paghakbang ng papalayong binata. Taking her heart with him.
Habang pinanonood ito ay unti-unting nanlabo ang paningin ni Sugar, kasabay ng panlalambot ng tuhod at panginginig ng buong katawan. Makalipas ang ilang sandali tuluyan ng nagdilim ang kanyang paningin.

Sugar Spice And Everything Hush: SugarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon